sa1

3 0 0
                                    

--

Sa katagalan pagpapaemoy ko napilit din ako ng daddy ko.Nagsimba muna kami tapos nanood ng sine gaya ng dati naming ginagawa at ngayon andito kami sa paborito nyang resto na di ko pa rin matandaan kung sang lugar to basta nakalagay dun sa sign sa labas Gregg cuisine lang yung nakita ko.

At ngayon naghihintay na lang kami ng inorder na pagkain ni mommy sya kasi ang umoorder kapag nalabas kami.At madami din palang kakilala Si daddy may mga nakakasalubong nga sya kanina sa mall ng manood kami ng sine at ngayon kakilala nya pala ang may-ari nitong resto at kaibigan nya pa pala.May kompanya pag-aari Si daddy mga nag-eexport ng steals at aluminium glass ganun.

Mabait,masipag at mapagmahal ang daddy.

Sobra bilib ako sa kanya kasi maayos nyang napalaki ang kompanya nya.Kaya naman lumaki din yung responsibilities nya dahil sa lumalago nyang negosyo responsibility sa kompanya,mga tauhan nya,mga nag-iinvest sa kanya,..at kasama kami dun. Pero di nya alam na napapabayaan nya na kami ng mommy madalang namin syang makita sa bahay.

"Whohoo..pare!" Sabi nung mamang galing sa kusina yata?naka apron syang black may katandaan na siguro nasa kwarenta na ito may katabaan kasi iyong tyan na nangunguna e.
Tumayo naman Si daddy at sinalubong ito at naghandshake sila.

"Kumpare Gregg! Kumusta?" Bati ng daddy ko dito.

Tumango lang ito sa kanya nakangiti habang magkahawak pa rin ang kamay nilang dalawa ng daddy at humarap ang daddy sakin pati kay mommy.

"He to nga pala Si Gregg ang kumpare ko,pare ang asawa ko Si Helena at ang anak kong Si ally " pagpapakilala ni daddy saamin sa kumpare nya.
Tumayo kami ng mommy nginitian naman ng mommy ko at ako wala lang tumayo lang ako dun.Hindi ako bastos kaya lang di lang talaga ako palangiti tulad ng mommy at lalo ng daddy ko.Kaya lang napansin yata ng daddy na wala ako sa mood kaya iniba nalang nya ang usapan.Sanay na sila sakin.Kilala na nila ang timpla ng ugali ko.

Nalaman ko na ninong ko din pala sya.Ninong Gregg daw itawag ko sa kanya kaya hayun tuwang-tuwa naman ang daddy ko.Nag-kwentuhan pa nga sila actually nakasalo pa namin Si ninong Gregg kasi Si daddy mapilit na kumain kasabay namin ayaw pa nga sanang pumayag ni ninong Gregg kasi wala daw mag-aasikaso sa kusina dito sya kasi ang head chef ng resto kaya ayun onti lang din napagkwentuhan nila.
Humingi pa ng tawad Si ninong Gregg dahil may gagawin pa raw kasi sya sa kusina.
Napag-alaman ko din pala na may anak din syang kaedad kong babae at is a pang lalaki na ahead sakin limang taon.I am 19 so I would say 24 yung lalaking panganay.Nagbiro pa nga sya na magkakasundo daw kami ng anak nya dahil pala kaibigan daw yun.
Sakin naman aba Ewan ko lang kung makasundo nya ako!haha!bad ally!

Natapos ang gabing yun ng ordinaryo gaya ng dati nung bata pa ko.Masaya ang daddy at ang mommy na umuwi.Pumasok na ko sa kwarto ko diretso.

"Dad can you talk to her a minute." Rinig kong sabi ni mommy Kay daddy

Hello kaaakyat ko lang nuh rinig kita.

Papasok na sana ako ng banyo when I hear someone knocked on my door.Okay Si daddy to.
Kaya di na ko nagulat pinagbuksan ko sya.

"Ally can I talk you for a minute or maybe a long talk would suffice?" Diretsong naupo sa bed ko.Namiss ko ang daddy ko dati rati nagpapakwento pa ako sa kanya ng mga stories pero gaya nga ng sabi ko noon yun at dahil sa busy ang sched nya di nya na nagagawa pa iyon.Naalala ko pa dati umiiyak ako pag kagabi kasi wala sya,walang magkukwenyo ng story sakin hanggang sa makatulog ako.Dahil yun ang pampatulog ko noon siguro mga nasa fifth grade ako ng elementary pero ng tumuntong ako ng sixth wala na.

"Err?"at ano naman kaya pag-usapan namin?
"Cmon princess can you tell me what's going on your school life hmm?" Pagsuyo nya sakin.

Kaso wala ako sa mood pagod ako.

"I'm fine dad you know its the same yesterday and now it is still school."sabi ko parang matigil lang sya ayokong umasa na palagi syang naandyan kasi nasanay na ako na uuwi ako wala sya at uuwi din sya na tulog kami o di kaya naman uuwi sya na di kami halos nagpapangabot dahil umuuwi sya kung hindi gabi, kinabukasan o umaabot pang linggo sya nauwi kaya naman nasa school na ko sya kauuwi lang.Napaheck-tech ng sched nya!Napakahirap umepal.

Ganoon lang palagi ang sagot ko sa kanya kapag nagtatanong sya kung kumusta ang pag-aaral ko.Di na rin sya nagtatanong pa in defeat umokay nalang sya.

" just so you know your mom seems like worried about you just don't make your mom stressed about it huh"sabay halik nya sa noo ko.
"I know i am not here always and i need you to make peace with her I think?:)" Dagdag nya pa bago nya isara ang pinto
I know what he mean.Alam ko naman na hindi talaga namin sya nakakasama but in our hearts still he is my dad as always.
Minsan nag-aalala nga din kami kung kumakain pa ba sya ng tama sa oras kasi napakabusy nya lalo na pagka may okasyon kali-kaliwa ang meeting nya.

Naghilamos na ko lahat-lahat at matutulog nalang muna ako pass muna sa ngayon ang night out.

Allice With All Lies(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon