Flashback
Magarang school. Magarang pagkain. Mayayamang studyante na akala mo kung maka-asta e, kanila ang mundo. Hay! Pasukan na naman. Welcome to Shars Academy.
Sa tingin ko nga maarte. Feeling mayayaman lang napasok dito. At sa hindi ko malamang dahilan e. Bakit dito pa ako pinasok nila tatay. Tsk
First year highschool ako ngayong taon. Junior high ika nga nila. Baguhan ganon.
Naglalalakad palang ako sa hallway e nakikita ko na ang mga hindi ka-aya ayang nilalang.
Mayayabang na lalaki, na pakiramdam ata nila'y sila na ang pinaka gwapong lalaki.
Like? wtf! Hindi ko ba malaman sa mga babae kung bakit patay na patay sila sa mga ito. E alam naman nilang pinaglalaruan lang sila.
Basketball player lang. Heartrob na? Tss. At ito pa, magaling lang sumayaw na kesyo dancer e pinagkakaguluhan na.
Arggh. Don't get me wrong ha. Hindi ako man hatter or what. Pero hindi ko lang makita sa ibang babae na makakita lang ng gwapo; inlove na.
So ano? Mata na ang usong tumitibok ngayon. My God!
Napailing nalang ako habang naglalakad. Hayaan na nga. Hindi ko naman buhay yun r.
Nung nakita ko ang section ko. Dere-deretso nakong pumasok sa room at naupo sa pinaka dulong upuan. Dahil wala pa naman akong kakilala. Transferee kase ako.
"Maputi lang sya" Nadinig kong sabi sa hindi kalayuang grupo ng babae.
"Maganda sya bes" sabi naman nung isang babae na mejo may kaitiman.
"Mas maganda ka dyan. Haha" sabi naman nung isa na pulang pula ang nguso. Pok pok lang te?
Hindi ko nalang pinansin kase baka mapaaway pako. Kawawa naman ako pag nagkataon. *sigh*
Isa pa tong mga babae nato. Hindi ko din malaman ang ikot ng mga kokote. Kapag nakakita ng mas maganda sa kanila. Aawayin agad. Tama ba naman yun? Hindi ko sinasabing maganda ako. Pero duuuh? Halata namang insecure na agad sila sakin.
Hayss. Mukang magiging problema ko sila sa schoolyear kong ito ah. Tsk
Goodluck to me T___T
YOU ARE READING
The Gangster "wanna be"
RomanceIsa lang ako simpleng babae. Ay mali, isa siguro ako dun sa maarte. Katulad mo, madami din akong gusto sa buhay; makatapos ng pag-aaral, makatulong sa magulang. Pero higit don gusto ko ding mging sikat, makilala ng iba, kahiliaan, mapansin ng crush...