A

29 9 18
                                    

Nag mamaneho ang aking ina patungo saaking bagong paaralan.

Tahimik akong tao.
ayoko sa gulo, ayoko sa mga taong nakikipag suntukan, sa mga babaeng nakikipag sabunotan, at sa mga baklang nakikipag patayan ma ayos lang ang kilay.

Hindi kasi ganoon kataas ang pasensya ko. Iba ako magalit kaya habang kaya itatahimik ko nalang ang lahat.

Halos dalawang oras na kaming bumabyahe. napa tingin nalang ako sa gawing kiliran at pinag masdan ang mga tao at sasakyan na nadadaanan.

Habang nag mumuni
Nahagip ng paningin ko ang isang mag ama, tumatawa ito at pilit na inaaliw ang bata gamit ang malaking lollipop na may ibat-ibang kulay.

Nang mawala na sila sa paningin ko inayos ko ang pagkaka upo ko at inikis ang dalawang kamay.

Naalala ko tuloy yung mga panahong masaya ako, habang naka upo sa batok ng aking ama at ginawa iyong kabayo, pitong taon palang ako noon

"Ya! Ya tigitig tigidig.. Yohooo~" sigaw ko habang mahigpit na naka hawak sa noo ng aking ama

"Oh. Humawak ka ng maayos at tatakbo ng matulin ang poging kabayo." Masiglang wika ng aking ama. Napatili ako ng tumakbo ng matulin si papa papuntang kitchen habang lumulukso.

Ang saya ng panahong iyon. panahong completo pa kami.

Pag nagkakasakit ako, ang ama ko ang palaging tumitingin saakin. Si papa ang nag hahatid sundo saakin kapag tapos na ang klase. Si papa ang aking super hero , dahil pinag tatangol niya ako pag may umaaway saakin. Si papa lahat, not until my mom decided to have an annulment. I don't know kung ano ang rason. Pinalayas niya si papa sa bahay tumakbo ako palabas noon. Trying to find him. Pero wala, I even print his picture at dinikit iyon isa isa sa gilid ng mga kalsada. katorse anyos na ako nong mga araw na iyon ngunit naranasan ko na ang

Init. Luha at pagod.

Init sa sikat ng araw, luha sa sobrang sakit at pagod sa pag hahanap ng taong mahal mo pero wala sa tabi mo.

Sa ika sampong araw ng pag hahanap natagpoan ko siya sa ilalim ng puno sa isang sementeryo. Dahan dahan akong nag lakad patungo sa kanya nawawalan ako ng lakas. parang balak bumitaw ng kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa nakikita ko ngayun Ang gwapong ama ko, ang masayahing ama ko, ang maputi at may magandang katawang ama ko ngayun ay pumayat, umitim at umiiyak habang nakayuko.

"Dad" I mouthed then warm tears started to fall. napapikit ako sa sobrang sakit. Sakit dulot ng pagod at saya.

"Anak!" He said and gaved me a wide smile na parang walang nangyari, na parang hindi siya umiiyak ngunit ramdam ko parin Ang hinagpis lungkot at sakit sakaniyang boses

Tumakbo ako patungo sa kanya i didn't think twice to hug him tight. Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa pag hihiwalay na iyon mababago ang buhay ko. Ang buhay ng aking ama. Ang buhay naming mag papamilya.

Matapos ang isang oras na dramahan tumayo ako at inakay siya papuntang restaurant alam kong wala pa itong kain dahil namamayat ito.

Matapos kong umorder ay nag simula na akong ilapag bawat pagkain sa mesa upang makapag simula na si daddy kumain

"Dad. Kumain ka ng marami" ani ko sabay upo. Humalumbaba ako at tinignan ang aking ama ayokong iparamdam sa kanya na naaawa ako pero hindi ko ito maiwasan.
Hindi matanggal ang matatamis na ngiti saaking labi. Masaya ako. Sobrang saya, dahil sa wakas ay nakita ko na ang aking matagal na hinahanap.

Si papa.

Hindi ko aakalain na hahantong sa ganito. Ang aking ama ay isang lawyer kaya hindi ko lubos maisip na hahantong ito sa pagiging pulube.

MalloryWhere stories live. Discover now