CHAPTER ONE : Campus Rules Of Students

109 10 4
                                    

*Chapter One*
~Campus Rules Of Students~

Tumunog na naman ulit ang nilalang na nagpasira sa tulog ko. Bwiset! Lunes na naman ulit, este first day of class pala. Kaya kahit di ko man gustuhin, bumangon ako at sinimulang magligpit ng higaan.

Nakarinig ako ng tatlong beses na pagkatok mula sa aking pintuan.

"P-pasok po." antok kong sagot.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. Nanatili parin ang aking mga mata sa kama at patuloy na nagliligpit.

"Good morning aking alaga!" masayang bati ni Yaya Jelly.

"G-good morning din Yaya." antok kong sagot ulit. Eh antok pa ako eh?

Humikab ako at iniunat ang aking mga kamay. Punyeta! Ang sarap pang matulog!

"Ang bait bait talaga ng alaga ko. Ako na ang magtatapos nyan. Maligo ka na para mawala na ang antok mo at tsaka para di ka malate." tugon ni Yaya Jelly at nginitian ako.

"Okay Yaya. Salamat!" sagot ko at nginitian ko din siya pabalik.

Humakbang ako patungong likod ng pintuan ng kwarto at kinuha ang tuwalyang nakasabit doon. Pumasok ako ng banyo at sinimulang maligo.

Dalawampung minuto din bago natapos ang aking pagligo-- syempre at nakabihis na din ng uniporme.

Tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin bago lumabas ng silid. Okay na!

Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nadatnan ko si mama at ate na kumakain--- ng HOTDOGS! Yummyness OMG! Favorite ko yun! (Bawal dirty minded! XD!)

Mabilis akong humakbang pababa at dumiretso sa dining table. Umupo ako sa upuang nasa katapat ni ate.

"Wala bang sweet kiss dyan sa baby ko?"/ "Wala bang sweet kiss diyan sa sissy ko?" sabay nilang tugon. Oh crap!? Like mother like daughter huh?

"Alam niyo naman pong paborito niya ang Hotdogs kaya niya siguradong nakalimutan yun." pang-aasar ni Yaya Jelly.

Ngunit hindi ko iyon tinuuan ng pansin.Sa halip ay kinuha ko ang tinidor at isinubsob iyon sa Hotdog. Hehe Hotdog-on-Fork! Tumayo ako at linapitan si mama at hinalikan sa pisngi. Ganun din kay ate. Pero wag ka! Dala-dala ko parin ang Hotdog-on-Fork no!

"Ba't mo naman binibitbit ang tinidor na yan?" tanong ni ate.

"Tinidor ate? May Hotdog din ate eh. Hindi tinidor lang." pang-aasar ko kay ate.

"Ughh okay! Ba't mo dala-dala ang tinidor NA MAY HOTDOG?" balik niyang tanong at emphasize talaga ang 'NA MAY HOTDOG' ah? Tsk!

"Wala lang. Baka kasi magtampo mga Hotdogs eh. Baka isipin nilang mas inuna ko ang kiss niyo kesa sa kanila." biro ko kay ate. Sana effective?

"Baliw!"
"Sira!"
"Takas!" sabay nilang tatlo. S-A-B-A-Y. As in, TOGETHER! Ano bang meron ngayon? National Together Day? Di ako inform! Eh, anong sabi ni Yaya? Takas?

"Anong sabi mo Yaya? Takas? Saan?" alinlangan kong tanong.

"MENTAL!" sabay din nila ulit.

OMG! National Together Day nga ngayon! At confirmed na talaga!

Parang ang slowpoke ko yata. Takas sa Mental pala tinutukoy nila! Teka, hanudaw? Ako, isang takas sa mental?

"Ang bad niyong tatlo! Hmp!"

Kinagat ko ang huling parte ng Hotdog at ininom ng deretso ang aking gatas.

"Oh magmadali na ang dalawa kong daughter para hindi malate sa First day of class." sabi ni mama habang tinutulungang magligpit ng mga pinggan at baso si Yaya Jelly.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Moments Turn into MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon