Ang Boyfriend Kong...Bading

1.1K 13 0
                                    

(a/n: may bago po akong gawa. Nanaman? Haha XD konti lang ang chapters nito. Hindi tatas sa Chapter25. Pampalubag loob ko po ito. Kasi hindi matahimik ang pagiisip ko, napanaginipan ko po kasi to, tapos halos one week ko syang panaginip. Naisip ko na maganda kung i-post ko dito. So pa-support na lang. Comment kayo ah? Asahan ko yung sayo. Sana mag-enjoy ka dito ^^)

Prologue:

Pina-ikot ni Angela yung bote, at natapat kay Vincent.

At pina-ikot ulit yung bote for the second time. At sakto namang tumatapat yung nguso ng bote sakin.

Oh my...!

"Okay. Lagyan na yan ng blindfold"

Utos ni Colline kay Raymond. Binigay naman ni Niko kay Vincent yung lipstick. Hindi ko mapigilang mapangiti, hehe. Crush ko kasi si Vincent eh. Haha >////< kaharot! Nagwink naman sakin sina Angela at Niko, haruu, sabay pa yung lovebirds.

"Okay in 3...2...1... GO!"-BJ

Anong ginagawa namin?

Naglalaro kasi kami. This is what we called, 'the Make-up Game'. Pipili lang naman ng magpartner. Then yung isa lalagyan ng lipstick yung partner nya habang naka-blindfold.In 30seconds.

And ang nakapartner ko pa, si Vincent.

Tadhana nga naman oh.

Nagsimula nya na akong lagyan ng lipstick. Magmukha kaya akong payaso neto? Baka hindi naman siguro. Maayos kasing maglagay si Vincent eh. Haha. May talent? Ayy nako! Ayokong magkaroon or madevelop yang talent nya sa pagmmakeup nya kasi baka hindi na dumating ang araw na may dalawa kaming babies at nakatira kami sa iisang bubong.

Natapos na ang 30seconds at pinatanggal na yung blindfold. Inabot naman sakin ni Colline yung salamin.

Ohlala!

Hanggaling!! Walang lagpas!! Saktong-sakto!!

Naka one point nanaman sakin si Vincent baby :">

Ang Boyfriend Kong...BadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon