11:15 p.m. Tiningnan ko ang wall clock namin. Bwisit! Ba't ba hindi pa rin ako makatulog. Ilang oras na kong paiba-iba ng posisyon sa paghiga pero wa epek. Ba't ba kasi hindi pa rin ako maka-get over na wala man lang nagbigay sa akin ni katiting na regalo o surpresa or whatever. At nakakabanas lang talaga hindi ko man lang siya nakita ngayong araw na ito personally, kasi stina-stalk ko rin naman yung online world niya eh. Hihi.
Dahil sa wala na akong ibang choice pumunta agad ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig bago nag-facebook sa laptop ko. Ano ba 'to?! Kainis. Hindi siya online para man lang sana may pag-asa na batiin niya ako ng Happy Valentines. Pero sino nga bang gwapong katulad niya na mag-o-online pa ng mga oras na ito. Baka masira lang yung kapogian niya.
Lau , hindi ko pa nga natatapos i-type 'yung name niya ay agad naman itong lumabas yung sa mostly searched.
I-cli-nick ko ng walang pagda-dalawang isip ang account niya sa Facebook. Loading..... Loading....... AYY SHEET!!! Ambagal!After several minutes......
Hayyy... buti naman at nawala na rin ang pagka-slow ng internet namin. Pakiwari ko na-virusan to ng pagka-slow ng kuya ko. Ang bait kong kapatid 'di ba?
Laurence Rhylle Gonzales , agad kong nakita ang pangalan niya at ang profile at cover. Nakaka-ooh lala haha.. eww parang ang manyak ko yatang pakinggan. Grabe lang kasi yung profile niya pati na rin yung cover niya eh nakaka-umay at nakakakiliti sa kilig, kahit ilang beses ko na itong nakita ganun pa rin ang epekto ng impaktong chinitong ito sa akin. Ang gwapo lang kasi talaga niya, yung mga mata niyang cute na maliliit ay para akong dinadala sa ibang mundo at yung ilong niya na hindi naman sa matangos na to the point na nagmumukha na siyang witch but sakto lang and all of the other descriptions are just imperfectly perfect.
Ewan ko lang kung paano at kailan ako nagkagusto sa kanya....... echos lang. Syempre alam ko ano?! I'm not ulyanin kaya. So here it goes..... crush ko kasi siya dati pa nung mag-kapitbahay kami sa dati naming tirahan. Ang tawag pa nga sa kanya ng mama niya ay Ruru, eh ang layo naman sa real name niya. Tuwing umaga rin minamasdan ko siya habang pinapakain ang alaga niyang si Gab, isang aso. Ewan ko nga ba kung bakit ang bait-bait niya sa aso niya na pinangalanan pa talaga niya eh sa pamilya nila siya lang naman ang tumatawag sa pangalan ng aso. Buti pa nga iyong aso inaalagaan niya. Hanggang sa namatay ito 9 years ago inilibing niya rin naman agad ito sa may malaking bakuran nila mag-isa. Ba't ko nalaman? Stalker nga niya ako 'di ba?! Tapos dahil sa hindi ko alam na kadahilanan ay lumipat kami dito. Hindi ko na siya muling nakita. Nalungkot ang puso ko kaya dahil sa kalungkutan kong iyon ay nag-wish ako nung Valentines Day ng taon na 'yun na sana magkita kami ulit. At feeling ko ang swerte-swerte ko talaga nang mabalitaan kong nag-transfer siya sa school namin. But bad news hindi niya nga pala ako kilala, alam lang siguro niya na mag-kapitbahay kami dati or worse 'di na niya ko matandaan dahil hindi naman kami friends noon. Kaya heto ako ngayon NBSB pa rin, stalk lang ng stalk, asa lang ng asa baka nga gawin na akong presidente ng PAG-ASA nito.
*Bbbzzziiinnnngg*
Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang tumunog yung cellphone ko sa table desk. Kainis. Panira naman 'to ng moment. Basahin ko na nga lang tutal alam ko na naman ang message na ito at baka dumami pa inbox ko nito.
From: 0917*******
Happy Valentines Day nga pala sa iyo. Sana umabot pa ako.
Teka akala ko load balance na naman. Tiningnan ko naman kaagad ang oras 11: 50 pm. Umabot pa nga siya. Tokwa , sino ba ito? Paano nito nakuha o nalaman ang number ko?! Ohmagash baka stalker ko to?! Makapag-reply nga.
To: 0917*******
Sorry, but I think you've send your message to the wrong person.
Pak! May pa-english si Mayora!
*Bbbzzziiinnngggg*
From: 8080
Your Text-to-All-Networks has already expired. To load again dial *143# .
Ito na nga ba sinasabi ko eh. Wala akong load. But oh well, hindi ko naman problema kung hindi siya mare-replyan ng magandang tulad ko.
*Bbbzzziinnngg*
From: 0917*******
Hope you can sleep well. Goodnight and sweetdreams. Wǒ ài nǐ
Sino ba talaga 'to?! Pinagtri-tripan ba ako ng taong 'to?! At may pa-text-text pang hindi ko maintindihan. Naku pag nalaman ko talang isa to sa mga kakilala ko makikita talaga nila ang hinahanap nila.
At dahil sa hindi pa rin mawala sa isip ko ang text na iyon agad akong naghanap ng tindahan. At buti na lang may hindi pa pala nagsasara sa mga oras na to. 24/7 siguro itong tindahang ito. Sosyal. Agad naman akong nagpa-load at umuwi agad sa bahay.
To: 0917*******
Who are you? And why are you texting at me? How did you get my number? Do I know you? Stalker siguro kita noh?! Pag nalaman ko talagang ikaw 'to Claire papakagat talaga kita sa aso ng kapitbahay namin. Pucha.
*Bbbzzziiinnngg*
Wow ha! Ambilis mag-reply nito.
I am not Claire neither your stalker. Hindi ako yung tipong ganyan, slight lang. And I got your number from some sources. Ano lang kasi....gusto lang kita batiin ng Happy Valentines.
May pa watda-watda pa siyang nalalaman ha. Kung hindi ito si Francine sino naman kaya ito?! At sino kaya ang mga sources na iyan. Letse. Nagpapaka-misteryoso pa eh. Hindi na lang sana siya nag-abala mag-text. Nano-nosebleed tuloy ako sa wo ... ano? Di ko memorized eh. Ni-reply-an ko naman kaagad.
Then who are you? What do you mean by wo eklavush?!
After several minutes....
Tae. Hindi man lang nag-reply maka-tulog na nga lang medyo inaantok na rin ang beauty ko eh. Nag-log-out na ako at tsaka hinintay ang pag-shutdown ng laptop ko. Humikab na ako, senyales na ihihiga ko na talaga ang katawan ko sa kama nang......
*Bbbzziiinnnggg*
Bushet. Nakaka-bigla naman ang pag-text nito. Feel ko na 'yung moment na matulog eh.
From:0917*******
We're neighbors back then. I had a dog named Gab. He died 9 years ago. He was buried at our garden. By the way, if you're bothered by the word, free to search Google ;). Sleep tight.
Wait lang.... wait lang.... Processing....What the?! My heart's not beating normally. Kung may kasama lang talaga ako ngayon baka nahampas ko na ng maka-ilang beses. Hindi maaari... hindi naman kasi alam ni Francine na may aso siya, wala ngang may alam kung saan niya inilibing ang aso niya nang namatay ito dahil siya lang naman ang may gusto sa asong iyon sa pamilya nila. Kaya hindi maaaring iba ang nag-text nito. Posible kayang siya? Mababaliw talaga ako 'pag nalaman kong siya talaga ito. Pero bakit naman niya ako ite-text?
*Kriinnngg*
Calling: Unknown Number
H-hi Wendy! Ako ito si Laurence. And I just want to tell you something *huminga ng malalim* I have always liked you back then,
Dug.dug.dug.dug.dug.dug.
12:43 am
I am now totally insane.