One-Shot [Unsure Feelings]
“Bes, tara?” yaya sakin ng pinakamatalik kong kaibigan na si Tim.
“Tara.” nginitian ko siya at naglakad na kami palabas ng school lobby.
“Nako, ayan ka nanaman. Hindi ka nanaman nag training, paano ka magiging si flash niyan?” sabi ko naman sabay tawa.
“Flash sa tubig? abnormal ka ba?” natatawa niyang sabi
“At isa pa masakit nga kasi ‘yung paa ko.”
“Nagdadahilan ka nanaman, nakita mo ba ‘yung mga kabarkada mo? halos araw-araw eh nag tra-training, kulang na nga lang gawin nilang buhay ‘yang sport niyo.” sabi ko naman, inirapan pa siya.
“Baka naman pati sa sports namin magselos ka na niyan?” He really knows me.
“Hay, ewan ko ba kay Patrick, mas mahal pa yata niya ‘yung sports niya keysa saakin.” nalungkot kong saad.
“Sus, halika nga dito. Okay lang ‘yan. Andito naman ‘yung o so pogi mong best friend para samahan ka sa lahat diba?” yinakap niya ako sabay ginulo ang buhok ko.
“Sabi ko nga. Salamat ha? Andyan ka parati.”
“Walang problema.” at nag pogi sign pa ang loko.
Siya, siya si Tim Anthony Cruz. Ang poging pogi kong best friend, karamay ko sa lahat. Mapa kalokohan man o mapa heartbreak andyan siya para saakin. Hinding-hindi ko iniiwan sa mga panahong kailangan ko ng kasama. Kaya mahal na mahal ko ‘yan eh!
Oo, mahal ko siya. Bilang isang best friend. Baka sabihin niyo na may pagka typical na ang storya namin pero hindi, kakaiba ‘to.
Lumipas ang ilang araw ay ganito parin ang set-up namin. Pag sa loob ng eskwelahan kay Patrick ako, pag dating naman ng uwian eh kay Tim ako, sa kadahilanang nag tra-training si Patrick. Minsan nga naisip ko kung pampalipas oras lang ako ni Patrick eh, katulad ngayon.
“Siga na ha, ingat ka. Kita nalang tayo mamayang 7, mag tutor ka na at kumain na rin kayo ng meryenda ni Tim ayos ba?” ngiting-ngiti na sabi nito, akala niya okay lang ang lahat.
Tumango nalamang ako bilang sagot. Hindi man ako sang-ayon pero pinipilit ko ang sarili ko dahil iyon ang gusto niya, iyon ang kasiyahan niya.
“Oh Tim, aalagaan mo ‘tong babaeng ‘to ha? pero wag mong aangkinin. Oh sha pare una na ako, kita kits nalang mamaya.” at nag hand shake pa sila. They act like kids.
“Sige pare, kita kits.” at tumalikod na kami.
Tahimik lang kaming naglalakad, ewan ko ba. Masyado akong nadismaya. Hindi ko nanaman makakasama si Patrick
“Uy, nakabusangot ka diyan?” tanong ni Tim sakin tska inangat ‘yung ulo ko.
“Wala ‘to.” sabay iwas ko nalang ng tingin, dahil mahu-huli’t mahuhuli niya ako.
“Nako, kung si Honesto ka lang kanina pa namula’t lumaki ‘yang ilong mo.” natatawa niyang sabi.
“Aba, walanghiya ka ah!” sabay palo ko sakanya
“Tumigil ka, huy! Masakit.” tawang-tawa na sabi niya.
“Hay nako, tara na nga’t Jollibee nalang tayo. Papakasaya muna ako.”
Naglakad na kami papunta sa Jollibee, hindi naman ganun kalayo ‘yun saamin. Kaya nakarating rin kami agad.
"Order mo?” tanong niya.

BINABASA MO ANG
Unsure Feelings
RomanceHe was there when I needed someone and unexpectedly I fell for him.. or maybe I just thought that I did. [Disclaimer : Iammissinfinite's story. No copying of works. Respect me as the author of this story, anyway. Happy New Year! Read,Vote,Comment an...