"LOOKING THRU THE EYES OF LOVE" ARTURO's CURSE part 2

62 1 2
                                    

EPILOGUE

NAPAGTAGPI-tagpi na ni Marta ang mga pangyayari. Naririnig niya mula sa mga bali-balita ang tungkol sa sumpa ni Arturo. At natutuwa siyang isiping nasa kanya ang isang piraso niyon. Narinig na niya ang pagbabalik ng katinuan ni Antonia at hindi patas para sa kanya ang nangyari. Ang gusto ni Arturo ay magdurusa ang babae ngunit hindi naman ito nangyari. Iilang linggo lang ang naging bisa ng sumpang yun. At hindi sapat para kay Marta ang ganoon.

Nang dahil sa babae kaya isisilang na bastardo ang kanyang anak. At nang dahil din sa babae kung kaya't namatay sa sama ng loob ang kanyang mahal na amang na sana'y magiging kaagapay niya sa lahat. Ngayo'y mag-isa nalang siya. Wala nang kakampi.

Ngunit alam niya sasarili niya na wala pa siyang magagawa sa ngayon kundi ang maghintay. Kung hindi man siya makakapaghighanti ngayon alam niyang darating din ang tamang panahon.

Ipinangako niya sa sarili na ipaghihiganti niya ang kamatayan ng mahal niyang si Arturo.

CHAPTER 1:

2014

Kanina pa naiinip si Jm nang dahil sa traffic! Kahit pilit niyang inaaliw ang sarili sa musika mula sa kanyang suot-suot na beats headphone ay hindi pa rin nito nababawasan ang kanyang pagka-inis. He has never seen such traffic in his whole life! He's been to New York City and other progressive places sa buong mundo at naranasan din niyang ma-traffic doon pero ito na tala!ga ang pinakamatinding naranasan niya.

Idagdag pa ang makapal na usok at alikabok sa paligid na ramdam pa niyang tila nag-uunahang makapasok sa lagusan na pwedeng pasukan papunta sa loob ng kanyang sasakyan. Bigla pa siyang napa-ubo nang maramdaman niya sa kanyang ngala-ngala ang mga nasabing alikabok.

"How I hate this place!" bahagyang sigaw na sabi pa niya nang kumalma na ng kanyang pag-ubo. Saka niya naalalang napaka-lakas pala ng musika mula sa kanyang beats headset nang napansin niyang nakatingin sa kanya ang kanyang driver sa pamamagitan ng rearview mirror, kunot ang noo.

"Do you know a shortcut?" inis na sabi niya sa kanyang chauffeur pagkatapos tanggalin ang nasabing headset.

"Yes, sir. Bat I pramis you, we will pass by ugly places." Isplika naman ng nakangiting tsuper dahil sa kanyang tinuran, kahit hirap sa wikang Ingles.

Umiling siya. "I don't care. Just take me to Barangay Kalumpang, fast. I need to be there now." Otoritadong sabi pa niya.

"Ok, sir." Kibit-balikat na sabi nito. "Just don't make me 'sisi'." natatawang dagdag pa nito saka mabilis na nag-U-turn sa pinakamalapit na U-turn slot at pinaharurot na papalayo ang sasakyan.

DUMAAN sila sa isang makipot na lugar. Hindi na niya alam kung saang parte na ng kamaynilaan sila napadpad. Hindi naman siya nag-aalala. Malaki ang tiwala niya sa kanyang tsuper. Kilala na niya ito noon pa, in fact, magkababata sila kung maituturing kahit sabihin pang hindi naman talaga sila naging super close ay nakaka-usap na rin niya ang lalake sa mga iilang pagkakataon na umuuwi siya sa Pilipinas noon. Idagdag pa ang sabi ng kanyang Lola Zee na nag-umpisa daw ang paninilbihan ng mga ito sa angkan pa ng kanyang lolo sa tuhod na si Heneral Juan Manuel Montelibano.

Wala naman siyang paki-alam masyado sa kanilang family history. Wala siya masyadong interes doon. Noon pa'y may pahaling na naiku-kwento na ang kanyang agwela tungkol sa nangyari sa kanilang pamilya may higit isang daang taon ng nakalilipas pero hindi niya iyon sine-seryoso.

Who cares? Sabi pa niya. I'm the type of guy who lives for the present.

At ngayo'y pinapatawag siya ng kanyang agwela. Bukod sa nalalapit na kaarawan ng kanyang kapatid na si Contessa ay may mahalaga din daw'ng sasabihin sa kanya ang matanda. Something about their past that will definitely affect their present, not to mention their future.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"LOOKING THRU THE EYES OF LOVE" ARTURO's CURSE part 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon