Hi. To start with lemme introduce myself.
Im Jane and 28 na ko. Nagttrabaho na rin ako. Masayahin akong tao. Hindi din ako yung babaeng maarte. Boyish kasi ako. Yung tipong go lang sa lahat ng bagay. Lahat ng tropa ko puro lalake. Anyway eto na nga. Kwento ko sa inyo yung unang unang jowa ko. Mga 2nd year hs ako neto.
---------------------Mahilig kami ng family ko magbakasyon sa mga lola ko every summer. Sa Batangas.. sabi ng parents ko bata pa lang kami ganun na sila. . So ako? Okay.
Sa bahay ng lola ko
Mama: "baby oh mga kalaro mo sila before"
Me: "ay talaga" (sabay kalikot sa cp ko")Eh kasii naman mga lalaki yung mga pinakilala. At teka ano naman kung kalaro ko sila? Tsaka ang iitim nila parang ang babaho. (Sorry na ang harsh ko)
Pumasok ako sa loob ng kwarto. Nahiga. Biglang sigaw nila mama
"Tara sa ilog"
Parang ako naisip ko "huh? Ilog? Sigii tara"
Kumuha ako ng towel. Yun lang daw dalhin kasi nga di naman resort yun so wala ka talagang bibihisan
So eto na nga lakad kami ng bongga. Jusmiyooo napakalayo pero ang gandaaa ng view. Imagine nyo puro green nakikita nyo then fresh air. Ay ibaaaaaHabang nakapikit ako tapos naka spread yung arms ko inaamoy ko yung simoy ng hangin biglang. . . .
Boom "ouch"
Natulak ako mga badidap. Nagtatakbuhan yung nga lalaking kala mo first time pumunta sa ilog. At take note walang pag sorry ha.Fast forward
Umuwi na sila mama at naiwan kami ng ate ko. Pinagbakasyon kami dun.
Kinabukasan pag gising ko buhay probinsyana. Morning routine. Hilamos toothbrush.
Paglabas ko ng bahay nakahain na ang almusal. (Meron kasi kaming kubo sa labas ng bahay at dun kami kumakaen)"Kaen na"sabi ng Lolo ko. Binigyan ako ng plato. Nilagyan ng pagkaen. Tinimplahan ako ng milo. (Taray pinagsisilbihan)
Fast forward ulit.
Bandang hapon nag aya lolo ko sa ilog na naman. And this time iba kasama namin. Ang mga lalaki na kababata daw namin.
So eto lakad naman ako. Ibang ilog na to mga besh. Mejj mahirap ang daan.
Lakad ako. Arte arte ko pa. Hanggang sa nadulas ako. Tumawa sila pero may isang bukod tanging tumulong sakin. Si JamSi Jam. Ka age ko. At tinutukso sakin. Hinawakan nya kamay ko habang naglalakad. Di ko alam if ano yung nararamdaman ko sa tyan ko. (Guys sorry na. HS pa lang ako neto so wala pa kong alam sa love love na yarn. ) Anyway ! Nung naramdaman kong may parang kumikiliti sa tyan ko bumitaw ako sa hawak nya. Pero nagulat ako kinuha nya ulit kamay ko (ang taray. Jowa ba kita? Char) wala na kong nagawa. Hinayaan ko na lng.
Simula nung araw na yun hindi na sya nawala sa isip ko.Ilang gabi matapos kaming mag ilog naisipan ng lolo ko na tumambay kami sa kubo
Kwentuhan kami dun. Maya maya dumadami na kami. Nagulat ako wala na lolo ko. Natulog na. Naiwan ako at ang ate ko. Kasama mga kababata namin. So kwentuhan. Habang nagkkwentuhan kami naisip ko na hindi naman pala mga dugyot tong mga to. Hahahahahaha. Kung maririnig nyo lang sila mag kwento ay tatawa ka talaga. Mga batangueño ba naman e. Lakas amats.May 10 2006
Nasa kwarto ako nag ssoundtrip. May kumatok sa bintana ng kwarto.
"Tok tok tok"
Binuksan ko Nagulat ako kasi walang tao.
Biglang "waaaah" ginulat ako. Si Jam pistii.
May inabot. Nasa baso.
Sabi ko " ano to"Tignan mo na lang
Nung tinignan ko BUTTERFLY.
Halaaaaa. Ang gandaaa. "Bat hinuli mo?"
"Para sayo" sabi nya.
Ako sabi ko "kawawa naman. Pakawalan ko ha"
Pinakawalan ko.
Sabi ko "that butterfly doesn't belong to me" then smirk.
Nagsmile lang sya.Niyaya nya ko manuod ng basketball. Maglalaro daw sya. Sumama naman ako.
Habang naglalakad kami daming lalaking nagtatanong kay Jam if anong pangalan ko at kung pwede daw ba akong makilala. Pero di nya sinagot. Dire diretso lang sya ng lakad.
Habang naglalaro na sya may tumabi sakin na lalaki at nagtanong "gf ka ni Jam?" Sumagot ako "hindi po" tapos biglang alis. Di ko na alam san sya nagpunta. Maya maya lumapit sakin si Jam na nakasimangot.
"Bat nakasimangot ka e panalo naman kayo?" Di sya umiimik. "Huy. Bat di mo ko pinapansin?" Nung nainis ako naglakad ako magisa. Tapos may sumigaw nung pangalan ko
"Jaaaaaane" nagulat ako wala naman akong kilala dito. Pag tingin ko yung lalaking nagtanong kanina.
Lumapit sya sakin "tara sabay na kayo. Pauwi na rin naman kami para di na kayo maglakad"
Nung sasagot na ko bigla akong hinila ni Jam.
"Aray ko!" Sabi ko. "Ano bang problema mo? Tinotoyo ka?"
Biglang sagot "nagseselos ako!"
Parang ako "huh? Bakit?"
Sabi nya " gusto kita. MAHAL KITA! At ayokong may ibang kumakausap sayo na lalaki"Yung reaction ko? Eto "😱"
Tapos niyakap nya ko. Di ko alam pero niyakap ko na rin sya. At ayun na nga ang hudyat na kami na.Hinatid nya ko sa bahay. Nung nasa pinto na ko bigla syang sumigaw "YES"
Nagtext sya "I LOVE YOU"
Di ko alam irreply ko 😂. Ang sagot ko "goodnight"Pero iba yung feeling. OMG! May bf na ko? Ayun na nga. Meron na nga. Pag kagising ko may nag text
"Goodmorning hon! Namimiss na agad kita"
Nung nabasa ko to napatayo ako. 😂 nagulat ako iih. May kumikiliti na naman sa tyan ko.
Pag labas ko ng bahay. Andun sya. Bumibili
Sabi ng lolo ko
"Jane pagbilhan mo nga saglit at may inaayos lang ako""Ano yun" sabi ko.
Sabi nya " pabili naman ng isang iloveyou jan" pero pabulong.
"Isang itlog at dalawang pancit canton"
Pag abot ko hinawakan nya kamay ko. Muntik ng mahulog ang itlog jusmiyooo nagulat na naman ako. !Anyway.
Gabi gabi kaming tumatambay sa kubo. Wala silang kaalam alam na kami na ni Jam. Magkahawak ang kamay namin sa ilalim ng unan. 😂
May 15
Going home 😭
Bago kami umuwi pumunta si Jam sa bahay at kinausap ako. May binigay sya sakin
"O blessed yan."
Its a rosary.
"Gabay nyo yan pag uwi. Mahal na mahal kita. Magiingat kayo"
Maluha luha ako. Di ko alam mararamdaman ko. Pag sakay ko ng kotse napapikit na lang ako at nagtago. Ayun tumulo na si luha.
After 1 week of LDR. Someone texted me.
"Kayo pa ba ni Jam?"
I replied " yes who's this?""Andito sya kasama namin. May kaakbay na isang babae"
And the next thing happened? Ayun naghiwalay kami. 😂.
End of Story.
(Totoong kwento to guys. Friends kami actually. At ninang ako ng bunsong anak nya. Ibang klase diba. Anyway hope you enjoy"