* ~ ~ ~ *
Say it's true
There's nothing like me and youUmpisa pa lang ng kanta ay nagsimula nang pumatak ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha. Nakatingin lang ako sa harapan ng altar kung saan nakatayo ang nagiisang lalaking pinakamamahal ko na naghihintay sa harapan. Agad kong pinunasan ang mga takas na luha na lumandas sa aking mga pisngi. Wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. Sa first love ko.
And I will run away
I will run away yeahhPatuloy pa rin ang pagagos ng mga luha ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ay nakatuon ang buong atensyon ko sa mahal ko.
I will run away (run away)
I will run away with you
Cause, I
I'm falling in loveNaalala ko na naman ang lahat ng mga pinagdaanan namin. Maraming naging hadlang sa pagmamahalan namin ngunit hindi ako papayag na magkahiwalay kami ulit. Maging mga magulang nya ay tutol sa pagmamahalan naming dalawa. Pero hinding hindi ako magpapatinag. Lahat ay gagawin ko maging akin lang sya. Hinding hindi ko hahayaan na mawala pa siya sa buhay ko. Hindi ko kayang mawalay sa lalaking mahal ko. Sya ang mundo ko.
Inapakan ko na ang red carpet dito sa loob ng simbahan. Mahal na mahal ko siya. Bilanggo na ako sa pag-ibig na ito. Nagiging malaya lamang ako kapag kasama ko sya.
I never gonna stop falling in love with you.
Kagaya ng sa kanta ngayon, hindi ako titigil magmahal sa kanya. Sa kanya lang ako at akin lang sya.
Nagsimula nang magsalita ang pari kaya tumuwid ako sa aking pagkakatayo at iniayos ang aking suot. Tinanong pa muna ng pari kung may tututol ba sa kasalang ginaganap ngayon. Muli kong pinunasan ang mga luha ko.
"Itigil ang kasal!!"
Lahat ay natigilan. Kitang-kita sa mga mata ng bisita ang gulat sa kanilang mga mata. Tiningnan ko ang lalaking pinakamamahal ko at may bahid din ng gulat sa mukha nya ngunit nagkaroon ito ng pagaalala.
Nagkatitigan kami ng lalaking mahal ko. Hindi napuputol ang titig namin sa isa't-isa. Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga bisita at mga kamaganak ng ikakasal. Hindi makapaniwala na may tumututol sa kasal. Hindi rin makapaniwala na ako mismo na kaibigan ng bride ang sisigaw at tututol sa kasal.
Oo, ako ang tumututol. Ako ang sumigaw kanina. Muli akong lumuha at walang tigil ito sa pag agos. Ang sakit makita na ang mahal mo ay ikinakasal sa iba, sa kaibigan ko pa.
Hindi rin naman ako makapaniwala sa aking sarili. Sa aking ginawa. Hindi ko akalain na makakagawa ako ng ganitong bagay. Ngunit hindi ko na kinaya pa, sobra na akong nasasaktan. Mahal na mahal ko ang lalaking ikakasal ngayon sa harapan ng altar. Hindi ko kakayanin na maitali sya sa ibang babae. Gusto ko ako lang, ako ang pakasalan nya. Pero mukhang hindi ata naging sang ayon sa akin ang tadhana.
Sino nga ba naman ako para maikasal sa lalaking mayaman at maganda ang estado sa buhay? Ang kaibigan ko na bride ngayon ay mayaman rin. Tinanggap ko na ikakasal silang dalawa pero ang sakit pala. Hindi ko pala kaya dahil nakakulong na ako sa pagmamahal ko sa kanya.
Preso na ako sa pag-ibig.
Hinihiling ko na sana naging mayaman nalang din ako para sana ay naging bagay ako sa mundong ginagalawan ngayon ng lalaking mahal ko.
Ako lang naman kasi si Venus Curtis. Simpleng babae at sa hindi inaasahang pangyayare, nagmahal lang ako kaya nagawa kong tumutol sa kasal ng mahal ko at kaibigan ko.
* ~ ~ ~ *
YOU ARE READING
A Prison in Love
RomanceVenus Curtis Rolieza Muñoz Xian Ventura Paano kung nakulong ka na sa pagmamahal mo sa kanya? Paano kung bilanggo ka sa pagibig sa isang tao? Paano kung puro sakit lamang ang iyong natamo sa pagiging prisinto sa pagibig? Gugustuhin mo bang lumaya o...