-DEI-
"Tulad nga ng sinabi ko class, sa sabado na ang retreat natin. Lahat kayo ay required sumama dahil hindi lang--"
Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ng professor ko at bored na sinalpak ko ang earphone ko sa tenga ko. What's with the retreat anyway? Lahat naman ng pinupuntahan namin paulit ulit lang. Mapapagod lang kami. Mas masisiyahan pa sana ako kung nagpasagot nalang sila ng sangkatutak na test kaysa sumama sa retreat nayan and besides, I hate crowded places. Mas gusto ko pang tumambay sa library o sa harapan ng computer ko.
I rolled my eyes in dismay pero napalitan agad yon ng ngiti nang marinig ko ang nakakabinging ring ng bell.
Kanina pa ako nagugutom kaya nagmamadaling binuhat ko ang bag ko at dumiretso sa garden. Ayoko sa mga pagkain sa cafeteria kaya nagbabaon nalang ako ng pagkain ko. Tahimik akong nakain habang pinapanood sa netbook ko ang mga naglalakad sa hallway ng school. Napangiti ako ng makita ko ang pagbabago ng CCTV namin. Kada taong nadaan ay may nameplate sa ibabaw ng ulo nila. Ano pa bang aasahan ko sa unknown techie ng school? Tss.--but hey, I'm way better. Na hack ko lang naman ito ng walang kahirap hirap---okay fine. Sabihin na nating nahirapan akong ihack ang CCTV ng school dahil highly secured ito. Mas secured pa sa security ng bangko pero atleast na hack ko parin.
" Ikaw pala ang may lakas ng loob na mangialam sa security ng school?"
Agad akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa gulat at nalunok ang buong steak na kinakain ko pero agad akong nakabalik sa ulirat nang di na ako makahinga.
"Fuck!"
Nagmamadaling uminom ako ng tubig at tinignan ang walang hiyang nagsalita sa likuran ko.
"Sino ka ba?" Naiinis na sabi ko at sinamaan sya ng tingin. Shoot! Muntik na akong mamatay dahil sa panggugulat nya.
"Hindi ko alam na magugulatin ka pala" Natatawang sagot nya, trying to change the topic.
"Who are you?" Ulit ko sa tanong ko at hindi pinansin ang pang-aasar nya. I've never seen him before at base sa suot nyang damit, hindi sya nag-aaral dito.
"Hindi mo gugustuhing malaman" nakangising sagot nya at naglakad na palabas ng garden. Inis na binato ko sya ng tinidor pero nasalo nya iyon ng walang kahirap hirap kaya napanganga ako. The jerk is fast eh? Isnt he?
"Nice way of saying goodbye, Missy."
"Tss"
Tinuloy ko nalang ang pagkain ko at ang panonood ko sa netbook ko. Wala naman akong mapapala sa lalaking yon kaya bat ko pa iisipin. Mas marami pa akong bagay na dapat isipin kaysa sa kanya at yon ay ang walang sawang retreat.
Pakiramdam ko may masamang mangyayari and I know I'm over thinking again.
BINABASA MO ANG
Dan-Dei
FantasyCrazy stuffs came out from my creative mind *Coughs* Ps: This is a tagalog story ⓒ2016