My Love's Heart

115 6 0
                                    

Chareyst's POV

"Will you marry me?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nauutal ako sa kaba.

Naghihintay na lahat sa sagot ko. Bakit ayaw kong sumagot?! Umuurong ang dila ko!

"Y.....yes!" Yes! Nasabi ko rin!

Tumayo na siya sa kinaluluhudan niya at agad akong binuhat. Ang saya namin.

Ilang beses niya pa akong inikot-ikot dahil sobrang saya. Habang ako di mahumaling ang kagalakan.

Binaba niya na ako at hinalikan ako sa pisngi. At dumiretso na sa labi.

Ang saya talaga. Nagtuloy-tuloy na ang party at masayang masaya kaming nagkukwentuhan. Pinag-uusapan namin kung anong pwedeng maging kasal namin? Ilang kaya yung magiging anak namin o kung sino ang magiging Ninong at Ninang sa kasal namin. Kung ako nga ang tatanungin ayos lang kung simple lang ang kasal namin, basta remarkable at hindi agad mabubura sa pusot-isipan namin.

Ako nga pala si Chareyst. 21 taong gulang. Simple lang na babae at mapagkumbaba. Di naman kami mayaman pero maykaya lang. Mama at Papa ko ang nandyan sakin palagi. Di rin ako pwedeng mapagod at ma-stress,mahirap na.

At ang mapapangasawa ko ay si Tristan. Guwapo tsaka mabait. Mayaman yan. May malaking bahay at maraming pera. Pero di dahil dun kaya ako kumakapit sa kaniya. Kumakapit ako sa kaniya dahil mahal ko siya. Siya lang yung lalaking una at huli kong mamahalin. At yung magulang niya boto saming dalawa. Di sila matapobre at mapili. Simple lang din kagaya namin.

Nasa malaking round table kaming lahat at nagkukwentuhan kami. Katabi ko si Tristan,ang pinakamamahal ko.

"Bagay talaga kayong dalawa, pwede bang huwag muna ang kasal unahin niyo?",suggest ni Francine,kaibigan ko.

"Anong klaseng suggestion yan?",nalilito kong sabi.

"Honeymoon muna, para naman masaya!" Di ko na pinatagal at pinalo ko na siya sa balikat. Tumahimik naman agad siya at tumawa kaming lahat. "Sorry naman. Suggestion lang eh"

"Oh Tristan, huwag mong sasaktan ang anak ko ha? Kundi malilintikan ka sakin,este samin?",pagbabanta ni Papa. Tss. Overprotective lang. Kasi naman ikakasal na kami. Unti unti na akong mawawala sa piling ni Mama at Papa.

"Promise po. Di ko po siya pababayaan. Hanggang kamatayan man po",sagot niya. Kinilig naman ako dun.

"Tsaka Tristan,pag-ingatan mo rin puso niyan ha?",bilin ni Mama.

"Opo",sagot ulit ni Tristan. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Mahal na mahal ko to eh. I hope we'll last longer,at magkaka-baby tayo. At aabot pa tayo ng 200 years old"

"200? Baka nga bukas wala na ako",pagkukunwari ko.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Pinapakaba mo ako eh!",aniya na parang tinototohanan na. Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya.Mukhang takot talaga siyang iwan ko siya "Basta aabot pa tayo ng 200 years old"

"Oh sige na! Aalis muna kami nang may oras kayo sa ka-sweetan ninyo",kantyaw ng Mama ni Tristan at nagsimula na silang magsitayuan lahat. Saka dahan dahan nang umalis. Kaming  dalawa nalang ang natira.

"Ginulat mo ako dito ah? Alam mo bang muntik na kong atakihin sa puso?",sabi ko.

"Sorry ha? Kailangan eh. Para sagutin mo talaga ako",sagot niya.

"Kahit na hindi mo pa ako gulatin sa engagement,ayos lang. Kahit simple lang sakin okay na. Kasi mahal kita. And love doesn't need flowers nor surprises,it's the heart that a couple remains"

[ONE-SHOT] My Love's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon