1

14 0 0
                                    

"Hindi ko siya mahal o minahal. Bakit ba ayaw mo maniwala?"

"Naninigurado lang. Baka pag nandito siya, eh bumalik ka ulit sakanya. You know me, ayoko ng may kaagaw. What's mine is mine ;)"

Hindi. Hindi ako niloloko ni Jasper. Hindi..

"Don't worry, sayo lang ako. Alam mo naman si Cheska, mabilis utuin. Sayo lang siya hindi duwag."

Hindi! Hindi toto--

*tiiiiiing*

"HINDI TOTOO YUN!"

"Huh? Pinagsasasabi mo dyan, Cheska? Hahaha. Kadiri ka! May laway ka pa sa gilid ng labi mo! Recess na, oy. Masyado mo talaga hate ang Physics no?"

"Che, wala! Ang boring kaya magturo ni Sir Magsino. Buti nakakayanan mo makinig dun. Grabe! Ikaw na matalino. Turuan mo ko ha? Hihihi teka magcr lang ako."

"Siraulo ka talaga! Basta libre mo ko ha?!" Pasigaw nyang sabi dahil nasa pinto na ako.

Salamat at panaginip lang yon. Hindi ko ata maatim na niloloko lang ako ni Jasper. Tsaka hindi naman sila close ni Erika. 

Hindi nga ba?

Well, si Erika ang number 1 hater ko. Nasa akin na daw kasi lahat. Si Jasper, James, pati mga bestfriends kong babae. Tss. Kasalanan ko ba maging mabait? Grabe, kitid utak no? Si Erika din ang number 1 sa kalandian dito sa school. Lahat inaakit niya buti na lang hindi naaakit ang boyfriend at ang bestfriend ko. Sorry na lang siya. Loyal sila sakin mwahahaha

Ako pala si Cheska. At yung kaninang kausap ko, ang boybestbudd ko at kababata. Si James. Meron pa akong bestfriends, mga babae naman. Hindi ko sila kasama ngayon dahil iba-iba kami sections..

"Hoy Cheska! Matagal ka pa ba?! Lapit na magbell! Tomguts na ako!!"

"Eto na! Masyado mo naman ako namiss. Yieee"

"Hoy wag ka nga. Mamaya may magsumbong sa boyfriend mo lagot nanaman ako"

Naglalakad kami papuntang canteen. Buti na lang at konti pa lang tao.

"OA. Alam naman nilang magbestfriend tayo. Tska alam din nilang mahal ko si Jasper"

"Oo na. Oo na. Akin na pera mo. Bibili na ko ng makakakain natin! Gutom na gutom na ako!"

"G na g (galit na galit)? Hahaha. Eto na mister. Yung tulad kahapon ha? Siomaaaai!"

"Oo na!"

Hahaha akala mo lagi meron sya eh. Daig pa babae pagkamoody. Uh, hindi siya bakla ha! Ganyan lang talaga yan. Sungit. Hahaha

"Cheskaaaa" Okay, nandito na ang magugulo at maiingay kong kaibigan.. Sila Patricia, Danica, Leya, at Misha. Teka, wala pa si Rachel. Hm baka di pa sila pinapalabas. Kaklase niya sila Jasper at Erika.

"Oy mga baita! Bat ngayon lang kayo? Hindi ko na kayo hinintay gutom na daw kasi si James."

"Pano ba naman, sabi ni Maam Casimsiman hindi makakalabas nang hindi nakakatapos ng pinapagawa nya." sabi ni Patricia.

"Ang hirap kaya nung pinapagawa non!!" sabi naman ni Leya. Magkaklase kasi.

"Ano ba pinapagawa sainyo?" tanong ko

"Babasahin mo yung mahabang storya tapos isusummarize mo. Lanya! Buti nakayanan ng utak ko. My gosh!" sabi ni Leya sabay hawak sa ulo.

"Hoy ang kapal ng mukha mo babae! Nangopya ka lang nga sakin. Hahahaha" sabi ni Pat. Well, matalino naman kasi talaga siya.

"Hahahaha mga siraulo! Kayo Danica? Anong ginawa nyo at late kayo?" tanong ko sakanila na busy maghagikgikan.

"Nakipagusap pa kami kala RJ tska JR. Hihihi" sabi ni Misha.

"Kayo talaga! Pati yung kambal pinatulan nyo. Hahaha" tawanan kami sa sinabi ko

"Hindi pa ba kayo kakain?" Nandito na pala ugok na to. Si James

Pagkalapag nya ng pagkain, lapang agad ako. Nagutom eh. Hehehe

"Uh, hindi na. 10 mins nlng din before magbell. So, hindi na." sabi ni Danica

"Kayo bahala." tingin sakin "Hoy mabilaukan ka dyan! Hinay hinay lang."

"ehmmachawapkache" Puno kasi bibig ko

"Ha? Tsk. Ewan ko sayo. Eto tubig pag nabilaukan ka ha?"

"Yiee. Ang sweet naman ni James. Hahahaha" Leya.

Ewan ko sainyo. Kakain lang ako dito. Bahala kayo dyan. Hmm, saraaap!

"Oy Cheska! Si Jasper your loves oh. Yiee.. ay teka kasama si Erika oh." Patricia.

"Away na yan. Away na yan." bulong sakin ni James

"ehem ehem ehem." inom tubig "Jaaames! Muntik na ko mamatay!" nabilaukan kasi ako.

"OA mo naman, Ms. Laway! Hahahaha"

"Whatever, Mr. KSP! Bleee" at naginit nanaman ang ulo ng bestfriend ko. Hahaha ksp means kulangot sa pader. Nung bata kasi, mahilig siya mamunas ng kulangot sa pader. How gross diba? Hahaha

"Epal talaga yang si Erika. Cheska, wala ka bang gagawing damoves diyan?" sabi ni Danica sakin

"Wag excited, sisters! ;)" Aba! Hindi naman ako makakapayag na ganyan ganyanin nya lang ang boyfriend ko. 

--

SIYA PA RIN BA (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon