Prologue

5.8K 133 3
                                    

Warning:
1) Bawal ang mang husga
2) Bawal ang green minded
3) Bawal ang hindi mag vote
4) Mababaog ang silent reader
5) Pag pasensyahan nyo na ang maling typos and grammar
6) Mare-rape ang hindi mag follow sa 'kin
7) Super duper ultra mega slow update to the nth level

~ b o o <3

Nag mahal ka na ba? Oo, lahat naman tayo naranasan na ang mag-mahal. Nasaktan ka na ba? Shempre, part ng pag-mamahal ang masaktan. Umiyak ka na ba dahil sa pag mamahal? Oo, lahat tayo. Ikaw? Oo ikaw yung nag babasa nito, nag mahal ka na? Nagka gusto ka na? Nasaktan ka na? Umiyak na ba? Pano ba malalaman kung gusto natin ang isang tao? Or mahal natin? Sabi nga nila "The more you hate, the more you love" Naniniwala ba kayo don? Bakit ako? Galit na galit ako sa mga malalandi at maaaerteng babae, hindi ko naman sila mahal. Hay ewan.

Ako si Xhiantel Kyo. Anak ako ng may ari ng isang kilalang restaurant.s Pinag aral ako ng magulang ko sa isang kilalang paaralan, ang Golden Minds International School. Mayayaman lang ang may kayang pumasok dito. Ang mga guro kasi dito ay talagang magagaling. "Uy kanina ka pa tulala dyan ah" Anya Alexis na kanina pa pala ini-aabot sa akin yung in-order nyang orange juice. Kinuha ko na iyon at nag pasalamat na. "Ang gwapo nya talaga kahit kailan" Sambit nya habang naka tingin sa direksyon ng mga lalakeng nag tatawanan. "Gwapo nga masama naman ang ugali" Sambit ko dahilan ng pag irap nya sa akin.  "Hay ewan, tara na nga" Tumayo na rin ako at sinundan sya palabas.

Pagka labas namin sakto naman na dumating sila Stacey at ang kanyang mga alipores na halatang dito sila pupunta. "And look who's here" Sambit ng isa sa mga kaibigan nya. Hinawakan ni Alexis ang kamay ko at hinila na ako palayo doon. "Napaka epal talaga nila kahit kailan" Inis na sabi ni Alexis pag pasok namin ng room. "Hayaan mo na nga sila" Kalmado kong sabi. Dumiretso na ako sa upuan ko para makapag basa dahil may quiz kami sa Math ngayon. Nabaling sa labas ang tingin ko dahil sa mga bulungan ng mga kaklase ko.

"Ayan na sila"
"Ang gwapo talaga nila"
"Lalo na si Tristan"
"Andyan na rin si Sir"

Hay ewan. Sabay na pumasok sila Sir Carlo at sila Tristan na kasama ang mga kaibigan nya. "Good morning" Masayang bati ni Sir Carlo. Tumayo ako at binati ko rin sya. "Good morning Sir" Ako lang ang bumati sa aming lahat, ang dami namin pero ako lang. Narinig ko ang tawanan at bulungan ng mga kaklase ko, ano ba'ng nakaka tawa? Nag simula ng mag discuss si Sir, akala ko pa naman may quiz ngayon sayang lang tuloy yung pag babasa ko kanina.

Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko ng notes may bumato sa akin ng papel. Ano naman kaya ito? Pinulot ko iyon at binasa, kay Alexis galing ang papel. Ibinato ko na ulit sa kanya yung papel na nasalo naman nya. "Shh" Inis na saway sa akin ng katabi ko. Ma ingay ba yon? Nag susulatan na nga lang kami.

"Ms. Kyo, what do you think about this?" Patay, hindi ko na intindihan yung tinuturo nya, si Alexis kasi eh. Nanatili akong naka tayo at walang lumalabas na salita galing sa bibig ko. "Ms. Kyo are you with us?" Anya profesor Carlo, halata sa boses nya ang pagka inis. "Y-yes" Na uutal na sagot ko. "So what do you think about this?" Tanong nya ulit. Inilibot ko ang tingin ko sa mga kaklase ko. Tumingin kayo please, anong sagot? "Take your seat Ms. Kyo" Phew sa wakas, kinabahan ako don ah. Isinulat lang nya sa board ang assignment namin at dinismiss na kami. Inayos ko na ang mga gamit ko para pumasok sa next class ko ng tumayo si Alexis sa harapan ko.

"What?" Tanong ko pero sa mga gamit ko ako naka tingin. "Bakit mo hindi nasagot yung question kanina?" Tsk, good question. Hinarap ko na sya ngayon. "Dahil hindi ko na intindihan" Isinukbit ko na ang shoulder bag ko para lumabas. Iniwan ko na si Alexis doon na naka ngiwi ang bibig. Magka hiwalay kami ng papasukang subject. English ako at sya naman ay History. Napag desisyonan ko na dumaan muna sa cr para makapag ayos ng sarili.

Pagka pasok ko sila Stacey ang nasa loob kasama ang mga kaibigan nya. Napatingin naman sila sa akin saglit. Bubuksan ko na sana ang pinto ng cubicle ng hinawakan ni Stacey ang kamay ko at yung dalawa naman nyang kasama ay naka harang sa pintuan. "Bakit?" Kunot noo kong tanong sa kanya. "Sumama ka sa 'min, ng tahimik" Seryoso nyang sabi. Sumama nalang ako sa kanila ng tahimik gaya ng sabi nya sa 'kin. Dinala nila ako sa likod ng building ng school. Matataas na puno lang nandito at walang ganong estudanyante ang nandito. "Iwan nyo muna kami" Utos ni Stacey sa dalawa nyang kaibigan. Agad naman na umalis ang dalawa at na iwan kami ni Stacey dito. "Anong sabi nila?" Walang emosyon nyang sabi. "Wala" Naka yuko kong sagot sa kanya.

"Okay, yung pinag usapan natin, wag mong kakalimutan"

"Oo, hindi nila malalaman"

"Make sure"

Umalis na ako sa doon at nag lakad na pabalik sa loob. Bakit ayaw nyang may maka alam? Big deal ba sa kanya iyon? "Hay ewa---aray!" Nyemas ang sakit ng ulo ko, ang lakas non ah! Inalalayan ako ng lalake na tumayo at dalhin sa clinic, player ata ng soccer. Ini higa ako ng nurse sa kama at kumuha ng ice bag. Yung lalake naman na nag dala sa 'kin dito umalis na, psh di manlang nag sorry. "Matulog po muna kayo" Sambit ng nurse. "May pasok pa po ako" Akmang tatayo na sana ako nang pigilan nya ako. "Excuse ka na, malakas ang pagkaka tama sayo ng bola kaya matulog ka na muna" Ginawa ko nalang ang sinabi nya, medyo nahihilo nga ako kaya natulog nalang ako.

~ b o o <3

Training To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon