Hellooo!!! eto na nga mag-uumpisa na ang kwento ni Dionne at Agnes... Magsimula muna tayo sa masaya tapos staka tayo magdrama.. maganda kase kapag tatawa muna kayo tapos papaiyakin ko kayo charot.. Magustuhan nyo sana ito!!! :* Tara na simulan na nating papasukin ang isat-isa sa mga buhay nila.. Subaybayan nyo kung paano eepal si Agnes sa buhay ni Dionne!!! This is my FIRST TIME! to make a story! Kaya sana wag nyong laitin haha! at naglakas loob lang talaga ko chos haha! This is very common but i'll make sure that this is the one you'll never forget... ;)
Sya po si Agnes Quesada, 25y/o, Kasalukuyan syang nagtatrabaho sa Golden Ice Hotel as a Guest Service Agent...
Agnes POV:
"Agnes! Bumaba kana riyan at may trabaho kapa! Halina dito!" sigaw ni mama mula sa baba, andito ako ngayon sa kwarto ko at nag-bibihis, di purket may kwarto, mayaman na po ha? haha sa kapatid ito ni mudra at kami ay pinatira lang dahil nakapag-asawa ng foreigner ang kapatid ni Mama si Tita Luzy, tapos yung tatay ko naewan na, kase nung bata palang ako mga 3y/o iniwan na kame ni papa so yun na nga, nexttime ko nalang ichichika yung buhay ko back to normal na tayo, pababa nako sa hagdan..
"Ma, pakibukas po nang TV.." sabe ko habang bumababa at dumiretso sa kusina, binuksan rin ni mama ang TV.. nagmamadali akong pumunta sa lamesa at kumain.. Nang mapatingin ako sa direksyon ng TV bumungad doon ang pianaka-gwapong nilalang para sa buhay ko.. at balak kong pakasalan at mahalin habang buhay.. ang lande ko diba? pero ang labo ng mga iniisip ko kaya tama na, sya si Leigh Morrison, sikat na artista, halos nasa kanya na ang lahat para sakin.. kaya di nako umaasang mapapansin pa ko neto sa dami ng babaeng naghahabol at nagkakandarapa sa kanya mas maganda, mas sexy! mas mas mas pa kesa sakin! ano ba namang laban ko?...
Kasalukuyang nasa interview si Leigh, kung ano-ano pinagtatanong sa kanya ng kalbong host nayun, kesyo "Kamusta ang career?" ok maayos naman daw sabe ni leigh tapos.. "Are you in a relationship Leigh Morrison?" ay ano teka! makikinig muna akong mabuti sa isasagot nya ....
BINABASA MO ANG
❝Not Ordinary Love❞
RomanceThis is not an ordinary love, it is unexpected,impossible but it might become happen into a ordinary woman...