Ang Manliligaw kong BADUY (>_<)

477 15 7
                                    

Ako nga pala si Jan Angela Stella Marie Tuzon..... Kahaba-haba ng pangalan ko eh noh?

Pero mas komportable ako sa pangalan kong "Jan" .. BAKIT? Nababaduyan kasi ako sa pangalan kong Angela Stella Marie, napaka GIRLY kasi ..

4th yr college na ko... At ewan ko ba kung bakit inis na inis ako dito kay John Luke Stephen dela Cruz, SINO SIYA? Siya ang manliligaw kong NAPAKA BADUY.. Bwisit na bwisit ako sa tuwing makikita ko ang KABADUYAN NIYA..... BISAYANG PORMA!

Pasok naman sana siya sa listahan ko kaso ("kaso" diyan tayo laging nagkakatalo):

POGI - BIG CHECK (Sobra pogi niya kaso walang nagkakagusto sakanya dahil sa KABADUYANG taglay... ahy may nagkagusto pala sakanya pero bilang na bilang lang at yung iba halos ka-uri niya BADUY din--- PERFECT COMBINATION kumbaga)

MABAIT - CHECK

MAPUTI - CHECK

MARUNONG MAGHINTAY - BIG CHECK (4 years na siyang nanliligaw, napaka tiyaga.. Sabi nila pag may tiyaga may nilaga.. Oo matiyaga siyang naghihintay na sana makuha na niya ang NAPAKATAMIS kong OO pero sa tingin ko wala siyang NILAGA pag dating sakin)

MATALINO - CHECK

MAYAMAN - CHECK (Ewan ko ba kung bakit ang yaman yaman naman niya eh ang BADUY BADUY ng porma niya, kung baga sa panahon NAPAG-IWANAN na at nabubuhay pa rin sa NAKARAAN ang mga porma niya)

GENTLEMAN - Hindi pa napapatunayan

IPAGLALABAN AKO - wala pa namang symptomas akong nakikita

MAHAL AKONG TUNAY - not yet proven

MAGALING SA PORMAHAN - BIG X

SWEETNESS - aba malay ko sakanya kung makuha niya ang kiliti ko

Close to perfect na sana siya... "sana"

Marami na rin akong naging boyfriend. Hindi ko binibilang at wala akong balak bilangin.. Maraming nag sasabi napaka "choosy" ko daw. Pake ba nila? Ikaw kaya? Papayag ka ang manliligaw mo naninigarilyo, manginginom, tambay sa kanto, jejemon pumorma, feeling pogi, at higit sa lahat BADUY....

Marami na kong nasabi sa sarili ko.. Tama na at baka maintriga niyo pa ko......

Dito nagsisimula ang istorya ko.........

-------------------------------------------------------------------------

"Good Morning Jan Angela Stella Marie"

Bwisit ka John Luke!... Ayaw na ayaw ko sa lahat ang tinatawag ang buong pangalan ko eh... Wag kang pupunta sa harapan ko dahil naiirita ako sa itsura mo! At baka maisupalpal ko sa pagmumukha mo 'tong mga makakapal na librong hawak ko.. kasing kakapal ng mga jeans na suot mo....

"Wait! flowers nga pala para sa'yo"

Bwisit talaga 'tong si Baduy!!!

"Hoy Mr. John Luke Stephen dela Cruz, lumayas ka sa harapan ko at baka mandilim ang paningin ko at ano pang magawa ko sa'yo. At saka pwede ba? umagang-umaga iniirita mo ko"

Halos araw-araw tuwing papasok kami nila Tricia at Basti ay lagi siyang naghihintay sa gate para sumabay samin. Hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya?? Ako kasi pagod na pagod na, na makakita ng KABADUYAN! BWISIT!

Ang Manliligaw kong BADUY (&gt;_&lt;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon