DABDA

7 5 0
                                    

Two words, six letters madaling sabihin, mahirap gawin.Yun ay ang MOVE ON.Sino ba naman ang kayang mag one in just 1 day diba? Madaling sabihin na "hoy mag move on ka na,tanggapin mo na lang na wala ng kayo" like wtf? tanggapin? Ganun ba kadaling tanggapin na yung mga masasayang pagsasama nyo ay mawawala na? Yung mga pangako na mapapako na? Kung ganoon lang kadali yun edi ikaw na gumawa hahaha.
There are step in moving on,and it is commonly called DABDA.Denial,Anger,Bargaining, Depression,and ACCEPTANCE.
See nasa huli po yung acceptance, hindi naman pwedeng pagka break nyo ngayon e the next day tanggap mo na agad ang mapaklang katotohanan na wala ng KAYO! Hindi ganun ka basic yun boi. So ito na nga yung tinatawag nating steps in moving on. Tadaaaaaa!

Denial - ito yung mainit init pa yung break up nyo.Yung tipong itatanggi mo na break na kayo.Yung papaniwalain mo yung sarili mo na may KAYO pa.Yung umaasa ka parin na magpaparamdam sya,na babalikan ka nya,na mahal ka pa nya.Yung kukurutin mo yung sarili mo sa pag aakalang,panaginip lang ang lahat. Pero wala na,niloloko mo lang ang sarili mo. At kahit umiyak ka pa ng dugo,wala na talagang KAYO. Masakit? Oo sobrang sakit,kasi dito mo sasariwain ang magagandang ala ala nyo. Tapos biglang tutulo ang luha mo,dahil sa bawat pagtatapos ng ala alang nakikita mo sumasampal sayo ang katotohanang "hindi na iyon mauulit pa". Ang sakit noh? Pero wag mong pipigilan ang sarili mo na alalahanin ang mga alaala nyo,hayaan mong dumaloy ang luha mo. Pero pag napagod ka ng umiyak at wala ka ng luhang mailabas,dun ka mag isip. Punasan mo ang luha mo,maligo ka at mag ayos. Maganda ka di mo deserve umiyak. LABAN STRONG KA!💪💓

Anger - Bismud tayo dito bes😠
Lalo na kung ang dahilan ng break up nyo e cheating.Ugh putangina nya.Yung pag nakikita mo picture nya,dino drawingan mo ng kung ano ano. Sige lagyan mo ng titi sa noo. At dahil sa labis na galit mo iisipin mong gumanti,wooh lakas maka teleserye noh? Pero aminin man natin o hindi pag nasaktan tayo,gusto rin natin iparanas dun sa nanakit satin ang sakit na naramdaman natin,sampung beses na mas  masakit pa nga ang gusto natin e. Pero isipin mo nga pag nakaganti ka magiging masaya ka ba?Oo,siguro panandaliang kasiyahan. Pero ano napala mo?Wala naman diba? Alam mo na ang pakiramdam ng masaktan gusto mo pang iparanas sa kanya? Wag be,magkakaroon ka lang ng kasalanan kay GOD. Ang gawin mo pumunta kang simbahan,at magdasal ka "mabait naman po sya pwede bang kuhanin nyo na". Hahaha biro lang. Ipagdasal mo na lang yung lahat ng galit at sakin na nararamdaman mo. Tandaan mong wala Syang ibinibigay na pagsubok na hindi mo kayang lagpasan.Wag kang magpost ng patama sa kanya social media,sa halip ay ipakita mo sa kanyang masaya ka. Ipakita mo na kaya mong mabuhay ng wala sya?di sya oxygen be,carbon dioxide sya!
Tandaan mong sya ang nawalan,sinayang ka nya noon maglaway sya ngayon.

Bargaining - Iniwan ka nya,so ano?Di mo na kayang mabuhay?
Magkukulong sa kwarto?Magmumukmok? Sisirain mo buhay mo?Iinom?Maninigarilyo? Sasaktan ang sarili?And the worst is mag a attempt mag suicide? Birahin kaya kita!
Masakit maiwan,Oo! Pero hindi sapat na rason yun para tumigil ang mundo mo at sirain ang buhay mo. Di ka pinaghirapan ilabas ng tatay mo at hindi ka pinaghirapang dalhin ng nanay mo ng 9 na buwan para lang sirain mo yang buhay mo.
Ng dahil lang sa impakto na yun?Magkakaganyan ka? Oh c'mon di lang sya ang nagmamahal sayo. Andyan si bestfriends, yung pamilya mo nandyan. Wag na wag mong iisipin na nag iisa ka,na walang nagmamahal sayo. Bes mahal kita,hahaha. Mag focus ka sa ibang bagay, lalo na sa pag aaral o pagta trabaho. Pasayahin mo ang sarili mo. Wag mong hayaan na isang empakto ang magpapahinto sa mundo mo. BAKIT MO SIYA IIYAKAN, KUNG PWEDE MO NAMANG PALITAN!

DEPRESSION-  Syempre kahit anong galit pa natin sa isang tao. Babalik at babalik parin sa ating ala ala yung mga masasayang sandali. Yung first holding hands, first kiss basta lahat ng magagandang memories na binuo nyo together. At pag naalala natin yun, yung galit at sakit mapapalitan na naman ng pagmamahal. Yung kagustuhan mong mag move on mapapalitan na naman ng kagustuhang maging kayo ulit. Pero maiisip mo na, oo wala na nga pala kame. Na kahit kulitin mo pa sya, ayaw na nya talaga. Mapapaisip ka na lang pano ka na mabubuhay sa araw araw, kung naging bahagi na sya ng mundo mo? Or worst sya na yung naging mundo mo? Pano na pagdating ng umaga na walang good morning text nya? Wala ng iloveyou, wala ng ingat ka. Wala na, wala ka ng jowa. Iisipin mo ano pang silbi mo sa mundo kung wala na sya? So ano maiisip mong mag suicide? Maglaslas magbigti. Pero yung iba hindi naman umaabot sa suicide attempts, but the fact na nagpapakalunod ka sa alak, hindi na umaabante ang buhay mo para ka na ring nagpakamatay. Isipin mo nga, kung iniwan ka nyan, niloko ka? Tapos gaganyanin mo pa yung sarili mo? Papahirapan mo pa? No! Isipin mo sya masaya na? Tapos ikaw miserable, payag ka nun? Ikaw kawawa? Ikaw talo? Gusto mo ba yun? Hindi! Wag! Tama na yung iyakan mo sya, pero yung sayangin mo yung buhay mo sa kanya, yun ang wag mong gagawin. Inom na lang tayo tapos hanap ulit bago. Dejoke. Napakadaming babae at lalaki pa dyan, isipin mo na lang hinahanda pa ni papa God ang tamang tao para sayo. Kaya, wag mong sasayangin ang buhay mo. Wag!

ACCEPTANCE- Ito na yung huling bahagi, yung tanggap mo na sa sarili mong wala ng kayo. Yung sanay ka na sa sakit hanggang sa parang wala na lang. Yung gigising ka sa umaga n hindi mo na hinahanap ang texts nya. Not totally move on, pero kaya mo na. Kaya mo nang talikuran ang mga memories at humakbang pasulong. Kaya mo nang burahin ang libong pictures nyo sa fone mo, pero may tinira ka paring isa syempre. Alam mo sa sarili mong mahal mo pa sya, pero alam mo ding tama na. Kung baga hinihintay mo na lang mag fade yung feelings, hinihintay mo na lang maghilom ang sugat. Minsan iiyak ka parin pag naaalala mo sya, pero hanggang dun na lang yun. Hindi na ikaw yung baliw na magtext ng "comeback to me pls". Unti unti ka ng nagkakaroon ng bagong mundo, at bumabalik na yung mga dating ngiti mo. Tatanawin mo na lang syang isang maganda at mapait na alaala pero hindi mo na babalikan pa.

At sana pag narating mo na yung dulong bahagi, wag ka ng bumalik sa umpisa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Steps In Moving OnWhere stories live. Discover now