Magvavalentines na! Puno nanaman ang paligid ng pulang puso , pulang rosas , pulang couple shirt , pulang love letter , pulang design ng mga restaurant at kung ano ano pang pula na pwedeng ipangtema sa valentines. Marami nanamang sweet sa daan.
Parang kanina pagpasok ko sa school nagkakandaugaga ang mga school officers para ayusin ang quadrangle para sa J.S. Prom na gagawin mismo sa araw ng mga puso which is bukas
Kami naman sa section ko halos maging zombie na dahil pagpupuyat matapos lang ang thesis namin.
Pero buti nalang tapos na at magpapasa nalang kami ngayon.
Medyo boring sa school ngayon dahil malapit na din ang graduation at nagaayos nalang ng requirements at clearance kaya wala kami magawa ng BFF kong si Trixie kundi mag sight seeing lang mula sa third floor at tignan yung mga studyanteng gumagawa ng eksena sa quadrangle
mga excited sa valentines day
May mga banner banner pa at roses with chocolates
Napakamainstream -_-
Hindi talaga ako marunong magapreciate ng mga "Valentine things"
"Ui! Chloe! Tignan mo oh! Si Kean!"-Sabay sabi sakin ni Trixie
"Huh?"-... hinanap naman ng mga mata ko
"Joke lang! Eto naman haha!"
"Not a good joke Trixie -_-"
"Namimiss mo yun noh? May feelings ka pa? Hinahanap mo eh! Ayee. First love never dies!"
"Nako Trixie! Wala na nga! "
"Anong wala? Eh bakit mo hinahanap!"
"Masama?"
"Sus!"
Pero may bagay akong di ko makakalimutan na nangyari ng Valentines and i found it sweet
At syempre isang especial na tao para saakin ang gumawa nun
Siya si Kean
Ang first love ko
mabait siya sobra, madaldal pero in a good way, matalino, thoughtful, palabiro
Pinapakita ko kay Trixie na naasar ako pero deep inside may spark at kilig saakin kahit papano.
"Natahimik ka? Kinikilig ka lang eh!"-Trixie ... Nahalata ata ako
"-_- please shut up"
"HAHAHAHAHA!"-Tinawanan lang ako nung bruha
Well aminin ko sa sarili ko kinilig ako.
Ang dami kasi naming sweet moments dati
Nagsimula yun nung elementary kami
Transferee siya ng school namin .
Maraming nagkakagusto sa kanya sa school namin.
Kahit ako nagkagusto sa kanya
Naging magkaklase kami at yun na nga
matalino siya, lagi siyang nasasali sa contest,
nagkakataon na ako din sumasali sa contest
magkateam kami lagi dun na kami naging close
Syempre di mapipigilan yung lagi kaming magkasama.
Kapag naguusap kami dati feel ko di na matatapos yung mga oras na yun
sa sobrang focus ko sa usapan namin
And one time nagsabi siya sakin na may gusto siya saakin. Umamin din ako