Chapter 17 [ Boy Talk Part 2]

1.3K 50 2
                                    



A/N: OLA OLA OLA! I'm back and also.... THE NERD'S REVENGE IS BACK! COMEBACK IS REAL BABY! Enjoy! :*




Chapter 17 [ Boy Talk Part 2]

KYLE'S POV

Napahawak ako sa strap ng bag ko bago ako pumasok sa gym. This is it. Magta-try out ako sa basketball team ngayon. Kaka-transfer ko lang kaya wala pa akong masyadong alam sa school. Maybe joining the varsity is a good start right?


Rinig mula sa gym ang tunog ng sapatos na kumikiskis sa sahig ng court. Pagkapasok ko ay nahagip ko agad ang mga senior na varsity na naka-white na jersey. Kita mo sa kanila ang angas at kung gaano sila kalakas.


Naglakad ako papalapit sa grupo para na rin makausap ko si coach. Nandoon na rin ang ibang players na magtatry out. Lahat sila ay napatingin sa akin kaya napalingon si coach.


"Oh! Monteverde, the star player of Saint Augustine Academy! So you're going to be in our team now, huh?" bungad ni coach. Nakita ko ang iba ibang ekspresyon ng mga kasama ko dito.


Oo, I was called the 'MVP' of Saint Augustine's basketball team, my former school. Hindi ko naman pinagmamalaki iyon. I just the things that I want to do.


"Yes coach, I think this will be a great start for me" ani ko. Tinapik ako sa braso ni coach at tumawa.


" We are grateful to have you here! This will be a great year for us!" Tumango ang ibang varsity sa sinabi na iyon. Ang iba ay nginitian ako, mayroon ding umismid at yung iba wala namang pake.


"Oh here comes the king!" sabi nung isang player. Sabay sabay kaming napalingon sa lalaking kakapasok lang. He's wearing the team's jersey at medyo magulo pa ang buhok. Sa kanang balikat niya ay may itim na t-shirt na nakapatong dito at sa kaliwa naman nakasukbit ang sports bag niya.


Seryoso ang mukha nito ngunit nang tumama ang tingin niya sa akin, umangat ang gilid ng labi nito. He's giving me that signature smirk of him. Napangiwi ako sa nakikita ko.


"Since you are already here, ipapakilala ko ang bagong player sayo. Siya si--" ngunit bago pa matapos magsalita si coach ay pinutol niya na ito.


"I know him coach. " nakangisi siya at di umaalis ang nakakamatay niyang tingin sa akin.


"That's good to know"


"Yeah" tumango siya ng dahan dahan at tila nang aasar siya.


Tangina! Gusto kong basagin ang mukha niya! Dudurugin ko ang buto niya hanggang wala na siyang silbi! So Charles is the fucking king! What the hell?


" Subukan na natin ang galing ng mga to" ani Charles. Nagtawanan ang ibang player at yung iba naman ay ramdam mo ang kaba.

The Nerd's Revenge (Comeback)Where stories live. Discover now