Destined By A Kiss

83 1 1
                                    

"Too many billion people

running around the planet

What is the chance on heaven

That you'll find your way to me."

Well, the answer is DESTINY.

Some may or may not believe in it

But for me ...

It is destiny that brought US together.

__________________________________________

First day of school.

Nagising ako mula sa isang magandang panaginip. Di ko na matandaan yung nangyari pero alam kong maganda yun eh. Kasi naman sino ba tong gumugising sa akin. Kainis. Binato ko nga ng unan.

"Maria Sofia!! Pag dika pa bumangon dyan bubuhusan kita ng kumukulong tubig! At binato mo pa ako ng unan! Aba! Sumusobra ka ng bata ka ah!"

Bigla akong napadilat, as in nanlalaki yung mata ko. Si Mama pala yun. Blah! Blah! Blah! Daig pa ang alarm clock. Pft!

"Good morning din Ma." 

Haha. Ang ganda ng sagot ko noh. Yan nalang kasi ang naisip kong isagot sa dami ng sinabi nya eh.

"First day na first day eh late ka na. Ano ka ba namang bata ka. Di ka pa rin nagbabago. Naku pag ako pinatawag na naman dyan sa school mo hindi na talaga ako pupunta. Bahala ka na."

"First Day?!?!?"

Oh my gosh! I swear nawala sa isip ko na pasukan na pala ngayon.

Dahil nga malelate na ako kaya bumangon na agad ako at naligo. Di na rin ako nakakain ng umagahan. Kaso kapag minamalas ka nga naman talaga, sira pa yung bike ko. Kainis naman. Magtatrike pa tuloy ako. Sayang din yung pamasahe. Mahal kaya tricycle dito akala mo ginto. Oh sya tama na ang litanya ko at baka malate pa ako.

Mabilis akong nakarating sa schoo. Si manong driver kasi kung makapagdrive akala mo nasa karera. Wagas.

Anyway, di pa nga pala ako nakakapagpakilala sa inyo, how rude of me naman. Ako nga pala si Maria Sofia Lee. Mafi for short. Sa bahay Sofi ang tawag sakin. 15 years old na nga pala ako. Third year highschool sa  St. Bernard High. 3/4 filipino and 1/4 korean ako. Half korean kasi ang Daddy ko. 5'2 lang ang height ko, maputi, at medyo chinita.

Pagkapasok ko sa gate ng school ay magulo pa ang mga estudyante. Yes! Di pa ko late. Nakita kong naglalaro ng bola yung mga volleyball players, halatang namiss nilang maglaro. First day na first day gusto na agad magtraining. Kaso nakakatakot yung ginagawa nila. Yung bang patatalbugin ng malakas yung bola sa ground tapos papaluin kaya tataas yung bola. As in super taas. Naku sigurado magkakahemorage ako pag tinamaan ako sa ulo nun. Mukha tuloy akong tanga dito, nakatingala habang naglalakad. Mabuti na yung handang makailag di ba. Nagulat nalang ako ng may lalaking sumigaw.

"MISS TUMABI KA!!"

Pag tingin ko sa harap ay nakita kong mababangga ako ng bike. Sa sobrang panic ko ay hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Ang bilis ng pangyayari. Napapikit nalng ako. Naramdaman ko ang pagbangga sakin ng bike at natumba kami parehas. Naramdaman kong sumakit yung tuhod ko. Dun kasi tumama yung bike eh. Pag mulat ng mata ko nabigla ako kasi sobrang lapit ng mukha ng lalaking ito sa mukha ko. As in nose to nose na kami. Feel ko kinikilabutan yung mukha ko. Hala nagba-blush ako. Pero buti nalang nose to nose lang at hindi nya nakuha ang first kiss ko. Narinig ko nalang na may tumalbog na bola sa gilid ko at tumalbog ulit sa ulo ng lalaking nasa ibabaw ko. Kung anong sunod na nangyari?? KYAAAAAAAAAH !!!! major blush talaga.

This guy just stole my first kiss. NOOOOOOOOO!!! T^T

Halatang nagulat din sya kasi nanlalaki rin yung mata nya. Bigla syang napatayo. Hinintay ko naman na tulungan nya akong makatayo kaso nakatingin lang sya sa akin. Ang gentleman naman nito. Bwisit. Nasaktan na nga ako tapos tititigan lang ako.

"Kasi naman miss hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo eh." Sinabi nya sakin yan tapos tumalikod na sya at naglakad papunta at sa bike nya. Nag-init naman ang dugo ko nun. Kahit sino naman siguro di ba? Wala man lang sorry or something?

"Teka nga!!"

Sigaw ko habang bumabangon pero nakaupo pa din ako sa kalsada. Napansin kong medyo madaming nakatingin samin. Wala nang hiya-hiya. Nag-iinit talaga ulo ko eh. Napaharap naman sya sakin at medyo namumula yung mukha nya. Wag mong sabihing sya pa ang may ganang magalit?

Di sya nagsalita. Hinintay nya lang na magsalita ako.

"Unang una, hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kasi tinitingnan ko yung mga bola kasi baka mabagsakan ako. Pangalawa, wag mo akong sisihin kasi nasa tabi naman ako naglalakad. Pangatlo, binangga mo na nga ako pero ni hindi mo man lang ako tinulungang tumayo..."

Lalapit sana sya sakin para tulungan ako pero sinenyasan ko sya na tumigil.

"Pang-apat, ganon na lang yun? Aalis ka nalang ng di man lang nag-sosorry o tinatanong kung ok lang ako?"

Magsasalita sana sya pero sinenyasan ko ulit sya na tumigil.

"At pang-lima... ni... ninakaw mo pa yung fi... first ki... kiss ko!!"

Hiningal ako ng bongga. Sa haba ba naman ng sinabi ko. Masisisi nyo ba ako. Nagmana ako sa Mama ko eh.

Sa totoo lang medyo naiiyak talaga ako sa nangyayari kasi ang sama nya kaya yumuko nalang ako.

Lumapit naman sya sakin at umupo sa harap ko. Hinawakan nya ako sa baba at itinaas ang mukha ko. Nangingilid na yung luha ko.

"First off all, I said that you're not looking at your way because your walking at the bicycle lane."

Ooooops... Napatingin naman ako sa kalsada. Oo nga, bike lane nga to. Kasi naman eh. Nasanay na kasi ako na dito dumadaan kasi lagi talaga akong nakabike pumasok. Ngayon lang hindi kasi nga nasira. Badtrip naman oh.

Magsasalita na sana ako kaso sya naman ang nagpatahimik sakin ngayon.

"Let me finish first. Second, di lang ikaw ang sinisisi ko. I know I'm wrong either. So we're both to blame here. Third, I didn't help you stand kasi baka lalong sumakit yang sugat mo sa tuhod."

Napatingin naman ako sa tuhod ko. Grabe anlaki ng sugat ko. Naramdaman ko na naman yung sakit. Nabali ata yung tuhod ko. T^T

"Fourth, Di ako aalis. I'm just gonna give you a first aid at nasa bike yung first aid kit ko. And I didin't ask if you're okay because obviosly, you're not."

 Haaaay... sabi ko nga pahiya ako. Kasi naman sana man lang sinabi nya agad di ba?

"And lastly...."

Napalunok ako.

"You stole my first kiss too so we're even." 

___________________________________

A/N : I know I have two pending stories. Its writer's bolck again so I can't update them. And I was so bored so I made a short story. I'm very sorry. I hope you liked this story. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined By A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon