James Carlo
-Simpleng lalake at hindi masyadong kagwapuhan pero mabait. 'Yun ang sabi sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Nag-aaral siya sa National Higschool at kabilang siya sa Special Science Class. Mahilig kasi siya sa Science. Konti lang ang kanyang mga kaibigan. Kung 24 sila sa kanyang klase, isa lang ang kanyang kaibigan. Kilala siya bilang Loner dahil laging wala siyang kasama. Iniisip niya lagi na walang may pake sa kanya. Pero kahit na ganyan siya, mabait siya sa ibang tao, Hindi siya humihingin ng kapalit kaso, mabilis at madali siyang maloko at 'yun ang gusto niyang iwasan.
Naiiba siya sa mga lalake diyan sa tabi-tabi. Hindi siya yung tipong nangloloko ng babae. Loyal 'yan sa mga taong mahal niya.
Caren
-Matalinong babae, maganda, maputi at madaming kaibigan. Lagi siyang may pake sa mga kaibigan niya pero, kadalasan iniisip niya lang ang mas makabubuti sa sarili niya. Mataas ang kanyang pride. Nag-aaral rin siya sa National Highschool at kabilang rin siya sa Special Science Class. Top 1 siya nung grade school kaya hindi na nakakapagtaka na magaling siya.
Tulad ng ibang babae diyan, study first daw ang kanyang motto kahit nagmahal na siya dati. Pinipilit niyang magmove-on agad para makaiwas na masaktan.

YOU ARE READING
I Fell Inlove with my Bestfriend ( Ongoing )
Teen FictionWhen you are falling in love for your Best Friend, It's very hard isn't it? A simple boy highschooler meets a smart, intelligent & pretty girl and became his best friend. This boy was known because he was good in playing guitar. When he gets busted...