James P.O.V
malapit na ang Roleplay at wala pa kami napipili na kanta na pwede. Ang Hirap naman mamili. di ko alam kung Fallen or Marry.. Both sila pwede..
kung Both nalang kaya? itanong ko nalang Caren..
"Yow! May napili ka na ba na pwedeng gamitin para doon sa Roleplay natin?" tanong ko lang..
"Yung Marry me ung Gusto ko eh" sabi nya.. pwede rin naman yung marry me .. pwede un sa part na kinasal or sa nag propose.
"Alam mo na ba ang plot ng Roleplay?" Tanong ko.. wala kasi akong idea kung ano mangyayari
" una nanligaw muna si boy Kay girl, buti nalang sinagot sya ni girl, nagpakasal sila kaso nag away Sila, lumayas na muna si girl tapos hinanap sya ni boy kaso nagka amnesia na si girl tapos Hindi na naalala ni girl si boy !"
" awww .. parang nakakalungkot naman.. pinapahirapan pa si boy! hahaha" sabi ko eh wala naman ako magagawa sa pagpapalit ng story.. un ang idea ng leader namin..
"bakit kailangan pa makalimutan ni girl si boy? " nakakainis naman eh ,sabi ko nalang
"kasi para maka move na sya! haha charot! tanong mo nalang sa nakaisip"
Pagsapit ng araw ng roleplay nagawa na namin lahat un.. ang nagamit namin kanta ay both.. kahit nakakalungkot ung ending. mataas parin naman grade namin kay mam.
Lumapit si Caren sa akin. Tapos mahihin ang pagbaybay sa mga salitang binanggit " James.. Salamat ah .. sa pagtulong mo sa akin.. salamat talaga!.."
"ok lang naman sa akin yun.. lagi naman ako tumutulong sa mga kaibigan ko." Iyun nalang ang aking sinabe.
Caren's P.O.V
ngayon alam ko na ung totoo kong nararamdaman para kay James..na Hanggan kaibigan lang talaga kami.. mas gusto ko na maging friends kami at isa pa..hindi nya naman ako crush.. crush nya parin si Yana.. kaya friends nalang talaga kami..
masaya na ako doon. saka close naman kami.. kaya walang problema sa akin un..
pagdating sa mga ibang araw.. mas lalo pa kami naging close. at doon ko naisip na maging bestfriends na kami.. masaya naman sya kasama..
September 10
dito ko na pinapalabas na bestfriend ko na siya..
" James! anu ginagawa mo?" tanong ko lang.. tapos tatawagin ko na siya bilang bestfriend ko.. yung sinpleng tawag Lang. Best na ang tawag ko sakanya.
" wala naman?"- jc
"Best! "sabi ko sa kanya..
tumingin lang siya..
Di ko alam kung ano laman ng utak nya
tapos bigla nagsabi ng Bakit.. . alam niya ata na sya ung tinutukoy ko doon..
" Bakit best?" sabi nya! nagulat nalang ako ng tawagin nya rin ako ng best..
ngayon magbestfriends na kami.. haha Septemeber 10. hindi ko makakalimutan ang date na ito. magbestfriends na kami. Kaso hindi ko na rin siya crush.. mas OK ba na hindi ko siya crush tapos magbestfriends kami. Sa tingin ko mas ok na yun
ngayon hindi ko na siya crush. mawawala na ang mga malisyoso kong classmates. kasi alam nila na bestfriend na kami James.
hindi ko lang alam kung alam niya na magbestfriends na kami..wala naman kasi siyang alam eh..
After nung araw na yun. lagi na ang tawagan namin sa isat isa ay Best.. lagi lang Best...
James P.O.V
Bestfriend ko na sya.. alam ko na yun.. halata naman sa kanya.. ngayong Septemeber kami naging magbestfriend..
The Next Day..
Seating arrangement ulit. nagkahiwalay na kami ni
Caren ng upuan.
Syempre nalungkot ako. Eh siya nalungkot ba siya?
Sa paglipas ng araw, unti unti ko syang namimiss. Minsan minsan nalang kami magkausap
Di ko maintindihan. Kung kailan Kami naging magbestfriend, doon pa kami nagkahiwalay ng upuan.
Ang gulo naman ng pagkakataon.
Minsan di ko maiwasan magselos sa mga ibang kaibigan nyang lalake kahit bestfriends lang Kami.
Dumating sa punto na Hindi na kami nagkausap. Nabawasan din ang pagiging close namin.
Few weeks or months after
Caren's P.O.V
Malayo na ang upuan namin ni best. Paano ba yan.
Minsan nagrereklamo na sa akin ung bagong seatmate nya kung bakit napakagulo ng gamit nya. Hayys. Ano ba naman yan si best.
Kapag nagigitara sila ng mga boys.
Tumitingin nalang ako sa Kanya. Di ko alam kung bakit. Like feeling kabado. Char. Haha
Pero sana maging close ulit kami.
Isang araw nagkaroon din sya ng crush sa room namin. Si Jonah. Maganda kasi. Tapos model pa. Tapos minsan daw si Kate daw crush nya! Grabe itong best friend ko. Kahit sino nagiging crush nya. Chismis lang naman un na sinasabe sa akin.
Dahil dyan, naging close sila ni Alvin ulit. Si Alvin hahaha
May crush daw pero di ko kilala kung sino. Si best alam nya ata.
James P.O.V
Dahil sa paglilipat namin ng upuan, naging close ulit kami ni Alvin. Minsan kinekwento nya lang sa akin ung crush nya
"James! May crush ako! Hahaha" sabi nya.
" sino naman un boy?" Nagtanong nalang ako. Kaso hindi nya sinabe. Sinabe nya lang ung mga clue.
" anu bayan boi! May pa clue ka pang nalalaman dyan" sabi nya tapos Maya Maya kinilig nalang sya.
clue daw. Pareho daw sila ng school dati. Un lang sinabe nya.
Buti nalang Maya Maya di nya natiis at sinabe nalang nya.
" wag ka nalang maingay ah! " "sige boi!" Sabi ko.
" si Ana.." what the heck? " seriously boy ? Crush mo old schoolmate mo?" Sabi ko sa kanya.
" bahala ka kung ayaw no maniwala"
Hahaha diba malupit Alvin and Ana .. parehong A .! Perfect match. Buti nga masabe ko Kay Ana.hahaha
Pero bago ko muna sabihin kay ana. Nakita ko si Caren mag isa. Sa kanya ko nalang muna sinabe ung crush ni Alvin.
" Best kumusta na? Kilala mo ba ung crush ni Alvin " bulong ko lang sakanya.
" hindi ko alam" sabi niya. Tapos sinabe ko nalang na crush ni Alvin si Ana. Hahaha
Natawa naman siya pero mabilis lang kami nagusap siguro she is not interested to listen on me anymore. Corny ba ako? Siguro nakalimutan na nya na magbestfriends kami.
Caren's P.O.V
nagulat ako kay james, bigla niya ako kinausap. Siguro hindi parin niya nakakalimutan naging best friends kami. Kung hindi nya nakalimutan edi masmaganda. Pwede na ulit kami lagi magpansinan kahit magkalayo kami ng upuan. Pero paano?
Pero mukang di naman niya nakalimutan ang friendship namin. Susubukan ko na rinagparamdam sa susunod.
-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+
Inayos ko na po ung mga Rip Grammar and Spelling for this Chapter
Guys . Best friend na sila kaso Hindi na crush ni Caren si James. Paano na un? Tapos nagkahiwalay pa sila ng upuan. Hindi na rin sila masyadong nagpapansinan dahil sa seating arrangement. Maging close ba ulit Sila?
thanks for reading..
thanks to dashingpsycho for some ideas..
Pls vote po.. he he he
-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-
YOU ARE READING
I Fell Inlove with my Bestfriend ( Ongoing )
Teen FictionWhen you are falling in love for your Best Friend, It's very hard isn't it? A simple boy highschooler meets a smart, intelligent & pretty girl and became his best friend. This boy was known because he was good in playing guitar. When he gets busted...
