Crushy-Crushy Kuya :) PART 1: Bahay-bahayan

20.6K 5 0
                                    

Kate—a 7 year old girl. Maputi, cute, has a red lips, ang cute kumanta, ang cute din ng mata(parang DOLL). FYI, may crush siya sa kapitbahay nila nakuya-kuyahanniya lang. :)

Gino—a 13 year old boy. Gwapo, maputi, cute kung ngumiti, mahilig maglaro, mapagkaibigan, malambing. Kapitbahay at madalas na kalaro ni Kate.

Carl—a 7 year old boy. Kalaro ni Kate kapag wala ang crush niya. Classmate rin siya ni Kate since Kindergarten. Moreno, cute, mahilig rin kumanta, at ang cute ng dimple. :)


Story…..


Isang grade 1 pupil si Kate kaya maaga siyang nakakauwi. Wala masyadong batang babae sa lugar nina Kate kaya naman halos mga lalaki ang kalaro niya. Wala siyang pinipili, basta ang alam niya masaya siya. Akala nga ng mga magulang ni Kate ay tuluyan ng magiging ‘tomboy’ si Kate kasi naiimpluwensyahan na siya sa mga ginagawa ng mga lalaki.

Buti na lang at nanjan si Carl sa tabi niya. Si Carl ang childhood friend ni Kate. Lagi silang pinagsasama kasi close ang mga parents nila and para na rin silang Bestfriend.



Isang araw….


Naglalaro sina Kate at Carl sa labas ng bahay nila. Eh, wala pang gate sina Kate that time kaya nakikita ni Kate kung sino ang mga dumadaan sa kalsada. (By the way, magkaharap lang ang bahay nina Kate at Gino. Habang ang bahay naman ni Carl aykatabing bahay nina Gino).


Naglalaro ng bahay-bahayan sina Carl at Kate. Habang nag-aayos ng mga laruan may naalala si Carl.

“Kate, may kunin muna ako sa bahay namin. May bagong laruan na binigay sa akin si mama. Sandali lang ah” tumakbo si Carl sa bahay nila at kinuha yung laruan na tinutukoy niya.


Habang si Kate naman ay nakita niya si Gino na kakauwi lang galing school. Tumakbo rin siya at kinausap si Gino.


“Kuya Gino, gusto mong sumali sa laro namin? Maglalaro kasi kami ni Carl ng bahay-bahayan at luto-lutuan.”

“ah. Sandali lang magbibihis muna ako Kate ha. Manunuod na lang siguro ako sa laro niyong dalawa”

“o sige” binigyan ni Kate ng napakalaking SMILE si Gino. Natawa na lang si Gino at pumasok na sa kanilang bahay.


Pinagpatuloy na nina Kate at Carl ang paglalaro.

“Carl, ako daw ang magluluto. Tapos ikaw naman ang maglilinis ng bahay natin ha.”

“o sige. Paano yung pagkain natin? Wala tayong totoong pagkain.”

“ay tama! mamalengke muna ako . Sandali lang”


Pumunta sa kabilang bahay si Kate at kumuha ng mga dahon. (Yun daw kunwari ang palengke)

Habang kumukuha ng dahon si Kate…May nakita siyang magandang bulaklak sa taas kaso hindi niya maabot. Tumalon-talon si Kate pero hindi niya pa rin ito abot.


“Kate! hala ka! susumbungin kita sa may-ari niyan.” napatingin si Kate sa nagsasalita. Si Gino lang pala.

“Humihingi lang naman ako ng dahon ah. Kuya Gino, pwede mo bang kunin yung bulaklak sa taas. Hindi ko kasi maabot.”

“o sige, kukunin ko yung basta promise mo muna na hindi ka na ulit kukuha ng mga dahon dito.”

“opo. Kunin mo lang yung flower.”

Pinitas ni Gino yung bulaklak na gusto ni Kate at binigay sa kanya.


“thank you kuya Gino. Hali ka!. sali ka sa laro namin.”

Hinila ni Kate ang kamay ni Gino at pumunta sila sa bahay-bahayan.


“Nandito na ako. tapos na akong mamalengke Carl. At may bisita pa tayo.”

“kasali si kuya Gino?” tanong ni Carl.

“oo, kasali siya. may naisip ako.!”

“ano yun?”

“kuya Gino, pwede bang ikaw ang papa at ako ang mama?”

“pa’no naman ako?” tanong ni Carl na may halong lungkot.

“ikaw ang anak namin ni kuya Gino”


Napatawa na lang si Gino dahil sa mga pinag-usapan ng dalawa.

“ang bata-bata niyo pa may ganyan na kayong nalalaman. hay nako.”

“may sinabi ka ba kuya Gino?“

“aaeehh.. wala akong sinabi Kate ah. Sige na mama! magluto ka na. Matutulog na lang muna ako dito. Gisingin mo ako kapag luto na ang pagkain ah. Sinamahan pa naman kitang mamalengke kanina. AT! dapat masarap yan! :)”


At nagsimula ng mag-luto kunwari si Kate. Si Carl naman parang nawalan ng ganang mag-laro kaya umupo na lang siya sa isang sulok ng bahay-bahayan. Si Gino naman.. ayun! at nakahiga. Nagpapahinga, napilitan lang kasi siyang sumali kasi hinila siya kanina ni Kate.


hmmm.. bakit kaya nawalan ng gana si carl sa paglalaro? Dahil kaya sa hindi siya ang papa? at ang role lang niya sa laro ay anak? .. O baka nagseselos?? uyyyyyyyyyy.. may crush siya kay Kate!!.. ikaw Carl ah!! ayeee.. bata ka pa.. XDD

Crushy-Crushy Kuya :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon