Titig

119 5 0
                                    

Ano ba to?
Parang nakakaloko.
Bakit sa bawat paglayo
Hanap parin ng mata ko?

Sa tuwing ika'y daraan
Di pwedeng di ka tingnan
Kusang napapalingon
Pag narinig ang iyong pangalan

Kahit magkabilang dulo
Ang ating mga pwesto
Ganda mo sa bawat anggulo
Ay tanaw na tanaw ko

Ibang tao man ang kausap
Mga mata'y ikaw parin ang hanap
Napapangiti na lang bigla
Sa tuwing makikita kung nasan ka

Sinasamantala ang bawat minuto
Na hindi mo pansin ang mga titig ko
Nilulubos ang saya ng puso
Sa kakaibang gandang taglay mo

Ang mga labi mong kapag ngumiti
Bumibihag sa puso at kumikiliti
Ang mga mata mong tila bituin
Nagniningning ang gandang angkin.

Hindi man ako ang kakwentuhan
Rinig ang bawat salitang iyong binibitawan
At sa bawat banat mo ng kakulitan
Di maiwasang lalo kang magustuhan

Ako ang unang tumatawa
Sa bawat biro mong salita
Hindi man ako ang pinapasaya
Ligaya sa mukha'y di maipinta

Kapag ang tinig mo ay umawit
Ang imahinasyon ay nagpupumilit
Tila isang anghel ang aking naririnig
Umaawit sa akin ng buong pagibig

Sa bawat indak mo at galaw ng paa
Mababakas sa akin ang tunay na paghanga
Sa isang babaeng ubod ng ganda
At napakahusay maging sa sayaw man o kanta

Sa tuwing mapapansin ang lungkot
At makikita sa mata mo ang takot
Ninanais pagaanin ang iyong loob
Dinadaan sa sulyap at pagbulong

Kapag lumuluha ang yong mga mata
Nais kong lumapit at yakapin ka
Nais sabihing wag mag-alala
Dahil di naman ako talagang nawala

Hindi man sayo gaanong lumalapit
Nararamdaman ko ang hinanakit
At ang pagtatanung kung bakit
Kelangan pang maging ganito kasakit

Hindi man gusto ang lumayo
Nahihirapan man ang mga puso
Hayaan mo sanang kahit man lang sa pagtitig
Iparamdam parin sa'yo ang aking paglalambing.

(-@iamhaziel 12.7.16)

TitigWhere stories live. Discover now