Ikaw at Ako Parin

82 4 0
                                    

Hindi madali,
Hindi inasahang mangyayari
Ang inakalang magiging kakampi
Pinaglalayo tayo ng pilit

Nahihilo,
Sa bawat pagikot at pagliko
Minsan ok minsan naman hindi
Diba pwedeng layag nalang palagi?

Nasasaktan,
Pareho nating nararamdaman
Sa dami ng humahadlang
At mga humaharang sa daan

Nahihirapan,
Hindi mapagsigawan kaninuman
Ang walang halong lokohan
At totoo nating pagtitinginan

Nangangamba,
May takot na nadarama
Mga puso nating subok nating matibay
Unti-unti at dahan-dahang pinapatay.

Naguguluhan,
Di tuloy natin malaman
Kung bakit di pwedeng pagbigyan
Na ikaw at ako nalang

Umiiwas,
Ang mga kilos nati'y tila may bilang
Ngunit parang sayaw ng mga paa ay di tugma
Dahil sa paglayo sayo, tingin nama'y sinusundan ka

Nagtitiwala,
Na kahit pilit nilang tinitibag
Pagsasamahan nating tunay ay aangat
Dahil pagtitinginan natin ay tapat.

Naghihintay,
Sa tamang panahon na darating
Kung kailan matatangap din nila
Na sa isa't-isa lang magiging masaya.

Kumakapit,
Patuloy at hindi tayo bibitiw
Hindi man payapa ang alon na tinatawid
Sa huli, makakarating ang mga puso natin.

Umaasa,
Na sakabila ng lahat ng di maganda
Babalik at babalik tayo sa simula
Kung saan ikaw at ako lang, at wala ng iba.

(-@iamhaziel 12.3.16)

Ikaw at Ako ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon