Hinto,
Tumigil muna kahit saglit
Ang mga binting kanina pa namimitig
Mahaba-haba narin ang iyong tinahak
Sapat na lakas ay ipunin bago muling sumabakMagpahinga,
Umupo ka at sumandal muna
Hayaang makaramdam ng saglit na ginahawa
Ang pawis na sumisimbolo ng iyong pagud
Hayaang matuyo sa sandaling paghinto.Wag muna,
Panandaliang umayaw muna
Sa pagiisip ng kung saang daan dapat na pumunta
Mararating din ang patutungahang inaasam
Bigyan lang ang sarili ng sandaling kapayapaanDahan-dahan,
Bagalan muna ang pagpintig
Kahit sa ganitong paraan, makalimutan ang sakit
Hayaan ang puso na mahalin muna ang sarili
Kahit sandali, maging tunay ang saya at ngitiSandali,
Ang pangamba ay sandaling iwaglit
Hindi man sigurado kung anu ang darating
Magiging maligaya man o masasaktang muli
Huminto sandali, upang maging handa sa bukas na itinadhana para satin.(-@iamhaziel 12.02.16)
BINABASA MO ANG
SANDALI
PoetryWhen life keeps on giving you reason to give up. Don't. Just take a break and comeback more ready to face anything life has to offer.