I don't know where I want to go..Gusto ko lang lumayo...
Ayokong makita ang pgamumukha ng gang na yun dahil baka mapatay ko pa.Ayokong maging kagaya nila.Taka nga lang ako,they're so weak pero sila ang kinasabwat nun?Tss..How naïve..
Pero t*ngna pa din ehh!!Nawala pa din sya dahil sa mga g*gong yun..
Sino??
Flashback..
"Hey,Babe."sabi ko nang nakangiti..
Napatingin siya sakin at nakita kong pawisan na siya kaya kinuha ko agad ang towel ko at pinunasan ang mukha nya.
"Ang sweet naman ng prinsesa ko.Akin na nga yan.Ayokong nahihirapan ka."sabi ni Vince habang inaagaw sakin yung towel.
Hindi ko naman binigay."Ano bang mahirap sa pagpupunas?Tsaka may uling yang kamay mo oh.Baka maghawa sa mukha mo.Talikod."tumalikod naman sya at itinaas ang damit.
Sanay na sya sakin.Napangiti ako.Pinunasan ko ang likod nya tapos pinulbuhan ito at nilagay ang towel para hindi sya pawisin ulit.
Humarap na sya sakin."Sa ginagawa mong yan gusto ko na tuloy magkaanak.Alam ko kasing magiging mabuti kang ina."ngumiti sya at nag alangan ako kasi naman!Ang bata ko pa.
Maya maya ngumiti sya nang mapang asar.Hindi ko namalayan agad na hawak pala niya ang pisngi ko.Eh di mukha ko yung nagkauling. Nung tinanggal niya tumawa sya.
"Vince!"at hinabol ko sya.
"Haha ang cute mo pala Babe.Haha bagay sa'yo ang mag iisaw..Haha"
Yup.Si Vince,yung boyfriend ko ay mag iisaw.Nagkakilala kami nung bumili ako ng isaw dito.Then naging close kami.Despite the fact na magkalayo ang status namin minahal ko sya.Kakaiba kasi sya sa lahat ng lalaking nakilala ko.Yung mga may maipagmamalaki.Pera lang kasi yung kanila.Kay Vince ko nakita kung ano yung ideal na asawa.Magka-age lang kami pero nahuli syang pumasok.Kailangan kasi nyang magtrabaho para mag-aral.Napakapursigido nya kaya naman nahulog ang loob ko.
Nung niligawan niya ako,syempre di ko na pinatagal.Naging kami nang lingid sa kaalaman ng magulang ko.May mga BG ako pag nagkikita kami pero kinakasabwat ko sila.Alam kasi namin na magagalit ang magulang ko kapag nalaman nila yung tungkol dito.Kaya nga ang hirap magmahal eh.Ang daming kailangan isakripisyo.Pero mahal namin ang isa't-isa kaya ko sya ipinaglalaban.Okay back to reality na.
Nahabol ko sya kaya kinurot ko sya sa tagiliran."A-aray!"sabi nya pero tumatawa pa rin.
Umupo muna ako sa damuhan kasi hiningal ako nang tumabi sya sakin at hinarap ako sa kanya.Hinalikan nya ako sa noo.How sweet..
"Kahit naman magkarumi ka maganda ka pa rin at mayaman.Minsan nga hindi ko na maisip kung deserve kita eh.."sabi nya habang naghuhugas ng kamay sa planggana na dala pala niya.
"Alam mo hindi naman yun ang mahalaga diba?"sabi ko at hinalikan sya.
"Tara ligpit na tayo?Maggagabi na rin oh.Tsaka ipaglalaba pa kita diba?"yeah.Natuto akong maglaba para sa kanya.
"Ahmm....Sige,tara na."nahihiya nya pang sagot sakin.
Tinulungan ko syang ayusin yung tindahan.Nilagay ko yung mga natirang isaw sa lalagyan.Pinunasan ko rin yung lamesa.Lumapit naman sya sakin at hinawakan ang pisngi ko.May uling pa yun hah.
"Ang swerte swerte ko sayo,Babe.I love you."ngumiti sya at hinalikan ako sa labi.
"I love you,too."sabi ko at niyakap sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/92340550-288-k78818.jpg)
YOU ARE READING
Forbidden Love
Teen FictionA love that's restricted. A love that's unconditional. A love who sacrificed. A love that turn the impossible into reality. Forbidden but unstoppable. This story is about the journey of Araiah and Kyler from both powerful families..They were not me...