Ghost Town

7 0 0
                                    

Prologue

Pinanapupunta ako ni Tita sa kanilang bayan, para doon na lang mag-aral. Kailangan kong iwanan si Mama at Juily. Nakakalungkot pero ginagawa ko ito para sa kanilang dalawa. Mahal na mahal ko silang dalawa.

Ngayon ay nag i-impake na ako ng damit ko at lumapit sa akin si Juily.

"Kuya! Kailan ka babalik?!" malungkot na tanong ni Juily.

Magkasama kasi kami simula nung inampon siya ni mama. Practically she wasn't really my bloodline sister but I gave my time to her.

Flashback

Si mama ay naglilinis ng kinainan namin.
I was 5 years old when somebody left a baby in front of a door. Umiiyak ng umiiyak yung bata. Tinignan ni mama kung sino yun.

"May tao ba diyan?!" pangambang tanong ni mama. Naririnig parin namin ang iyak ng bata.

Pag-bukas ng pinto ay agad ni mama kinuha ang baby at pinasok sa labas. Malakas ang ulan at naglalaro lang ako sa lapag. Nakita ko ang dala ni mama, si Juily. Inampon nanamin siya simula non at tinuring namin ang isa't-isang magkapatid at ngayon ay 9 years old na siya ngayon and I'm 14 years old.....

End of flashback

"Sa December pa ata si kuya uuwi!" alanganin kong pagkasabi. "Oo alam ni kuya na matagal pero pag bumalik na ulit si kuya meron kanang maraming laruan!" masayang pagkasabi ko. Ngumiti rin siya at tumatalon pa sa tuwa.

"Yehey! Maraming laruan si Juily!" masayang pagkasabi niya habang tumatalon.

Dumaan si mama sa kuwarto ko at tumingin sa aming dalawa. Ngumiti si mama habang nakatingin sa aming dalawa.

"Juily, laro ka muna ng manika mo. Kakausapin ko lang si kuya." mahinahong pagkasabi ni mama.

"Lagot ka kuya!" pabirong pag kdabi ni Juliy at umalis na sa kuwarto.

Baliw talaga tong kapatid... Nananakot pa ehhh kakausapin lang naman ako ni mama.

"Masaya ako na pinalaki ko ang dalawa kong anak ng tama!" proud ni mamang sinabi sa kanyang sarili.

Tumango ako sa kanya at muling nag-impake.

"Nak' mamimiss kita!" malungkot na sinabi ni mama habang nakatayo sa pintuan.

Nilaputan ko siya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ma' syempre ako rin mamimiss kita!" malungkot at masaya ang nararamdaman ko.

Pumunta si Juily sa kuwarto ta nakita kaming magkayakap ni mama.
Tumakbo siya palapit sa aming dalawa.

"Wow! Grouo hug, sali ako!" masayang tumatakbo si Juily papunta sa amin ni mama. At yumakap din siya pagitan namin dalawa at sinali ko siya sa yakapan.

*****

Ngayon ay nagpaalam na ako kay mama at Juily. Sumakay na ako ng sasakyan ni Tita at nakatingin sa akin yung driver habang sinirado ko ang sasakyan at tuluyang nang pinaandar ng driver ang sasakyan.

Mahabang-mahaba ang byahe at nakatulog ako. Isang kaabog ang naramdaman ko kaya bumangon na ako.

"Sorry po, may bato lang na nadaan." mahinahong pagkasabi ng driver.

"Ah... Okay lang ho!" masayang pagkasabi ko sa kanya. Tumingin ako sa gilid at tinatanaw ang lugar.

Ano kaya itsura ni Tita? Ano kayang itsura ng bahay ni tita? Saan kaya ako mag-aaral? Masaya ba sa lugar na yun?

Huming na lang ako ng malalim. Nakita ko ang isang sign
|------------------------- |
| Welcome to |
| Villaqauila town |
|------------------------- |

Demon Inside Me Where stories live. Discover now