Chapter 1: The Princess

7 0 0
                                    

The Princess

Ngayon ay bumangon na ako pero, marami paring tumatakbo sa isipan ko. Tulad nung ng yari kagabi, yung singsing na nahanap ko, tapos yung hindi na tapos na salita ni tita at marami pa.

Ngayon ay nagbihis na ako pagkatapos ko maligo at bumaba para sa umagahan. Nakita ko si tita sa kitchen area na nagtitimpla ng kape.

"Good morning Tita Sandy!" bati ko sa kanya. Humarap siya sa akin hawak ang kape.

"Good morning din Deither." bati niya. "Umupo kana at kumain!" alok sa akin ni tita.

Ginawa ko ang sinabi ni tita. Pagkatapos ko kumain ay iniyaya ako ni tita na magala sa buong bayan.

******

Ngayon ay naglalakad kami sa sunod-sunod na tindahan. Mas na interesado ako nung nalaman ko na may library para sa buong bayan.

"Deither, tara na!" sabi ni tita. "Mukhang wala kang balak na umalis dito sa library. Mag-eenroll kapa." pabirong sabi ni tita.

Tita, wala na talaga akong balak umalis dito sa library!! Interesado talaga ako sa lahat ng libro. Kahit makapal pa sa makapal na mukha ay pilit kong babasahin para matapos ako!!!!

"Sige po tita." sagot ko.

Babay na library, tsaka na lang kita bibisitahin ulit! Ano bayan! Parang tuloy akong bata sa ginagawa ko.

Sinundan ko si Tita Sandy papuntang University. Una kong na kita sa University ay ang malaking gate. Pinapasok kami nung guard at tinuro ang daan papuntang office.

3rd year highschool lng ako hindi pa naman college, excited ata si Tita Sandy. Pagkatapos mag enroll at bumili naman si tita ng requirments ko.

"Tita Sandy, pwede ko muna libutin ang school habang nabili kayo?" pakiusap sa kanya.

Tumango lang si tita at umalis hanggang sa mawala na siya paningin ko. Pinagpatuloy ko aking pag-lalakad at sa sobrang lawak ng university, pwede kanang manirahan dito. May nakasalubong ako na babae, maputi, maikli ang buhok na parang pang lalaki pero hindi gupit ang gilid tapos naka lethear jacket na black tapos white t-shirt and then black jeans. Naka black boots siya.

Bakit ang init ata ng pakiramdam ko kapag ganyan ang suot ko pero kapag siya fresh lang ang dating.

Nagkasalubong kami ng tingin at napahinto siya at ako naman ay pinagpatuloy ko ang aking paglalakad.

"Deither!!!"

Napalingon agad ako para tignan kung sino ang nag-sigaw ng pangalan ko. Nakita ko yung babae na naka tingin sa akin.

"Huh? Bakit po?"tanong ko sa babae.

"Ikaw si Deither D. Ilattana?" tumingin sa akin yung babae simula paa hanggang ulo. "Ako pala si Thalia V. Huntwood!" pakilala niya. Bakit niya ako kilala?

Lumapit sa akin si Thalia at pumose pa, yung nakapamewang.

"Ano pong kailangan niyo?" tanong ko. Ngumisi lang sa akin si Thalia.

"Ikaw! Ikaw pala ang bagong taga protekta sa akin!" gulat niyng sinabi.

Maski ako nagulat sa sinabi niya. Im your protector?, parang hindi na ako nakaranas maging protector ng isang babae na hindi ko pa kilala.

Demon Inside Me Where stories live. Discover now