"Okay lang ako" yan ang madalas na sagot ko sayo...
Sa bawat tanong mo kung may problema ba tayo, na dulot ng pagbabago ng kilos at galaw ko..
"Okay lang ako" huwag mo nang isipin pa kung masasaktan ako..kaya ko ang sarili ko..
Mag-isa man ako ngayon, ayoko nang maging pabigat sa buhay mo..
Huwag mo nang problemahin ang isang tulad ko..sino lang naman ako sa buhay mo? Ako'y hindi kawalan sa kaligayahan mo..
Walang problema sayo, nasa akin ang mali at hindi sayo.. At alam ko na balik-baliktarin man natin ang mundo alam ko na siya pa rin ang pipiliin mo at hindi ang isang tulad ko..
Pag-ibig na tunay ang kailangan mo at hindi isang kaibigan na tulad ko, pasensya ka na kung hindi ko mapawi yang mga luha mo..ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko..
pero talagang hindi sapat itong si kaibigan mo,
Dininig naman agad ng Diyos ang hiling ko, dumating na ang magpapasaya sayo...
nakita ko naman agad yun sa mga mata mo, ibang iba nung ako pa ang kasama mo..
Masaya ako na masaya ka na ngayon, sana palaging ganyan ang mga ngiti mo..
mga ngiting hindi ko maipipinta sa mukha mo, andun ang pagnanais ko sa oras mo..
pero wala akong karapatan kung titingnan ng ibang tao..
Sinasabi mo na pinagdasal mo ang pag dating ko sa buhay mo, pero sa nakikita ko hindi ako ang kukumpleto sa pagkatao mo..
"Okay lang ako" "Okay lang talaga.." "Okay" "Okay lang" "Okay lang..."
Sana paniwalaan mo na lang ang sagot ko...
dahil mas nasasaktan lang ako sa bawat pagtanong mo, huwag mo kong pilitin na isagot ang totoo..masasayang ang kung ano mang pagkakaibigan ang nabuo natin sa mahabang panahon..
Hayaan mo na lang mangusap ang mga mata ko sa nais na titik na isagot nito sayo...kahit na umaagos pa ang luha ...walang magbabago, andito pa rin ako para sayo, kahit na wala ka sa panahon na ika'y kailangan ko...
"Okay pa rin ako" at alam ko sa pag lipas ng panahon "Magiging okay na din ako"
Basta alam kong okay at masaya na ang bestfriend ko.