Shekinah's POV
Everything seems normal, bakit ba kasi kami lumipat pa? Okay na kami sa maliit na bahay at wala rin naman pinagbago. If only I had a chance to be with lola again, baka siguro mas masaya dito, pero dahil kailangan namin 'to, maybe I should learn how to deal with it.
"HOY SHEKINAH! HINDI KA BA TUTULONG? IT'S SO HEAVY YOU KNOW THAT?" At ang maarte kong kapatid ang nagsalita akala mo naman ang dami na ng nabuhat niya. Sus.
Dinala ko na ang iba pang karton sa kwarto na kung saan nakita ko ang Mommy ko.
"Oh, Shekinah. Naipasok na ba lahat ng gamit?" Sabay punas ng kanyang mga luha.
"Mommy, crying na naman? Diba sabi ko sa'yo, tama na? It won't help you from moving on." Tinignan lang ako ni Mommy na may halong lungkot sa mga mata.
"I know nahihirapan kayo mag adjust anak, pero I promise it's for all of us." I smiled at her. Alam kong sobrang sakit ng pinagdadaanan ni Mommy ngayon and all I gonna do is understand her.
"Sige na po, you need to take a rest. Masyado na po kayong stress." Tumango lang siya bilang sagot at humiga na.
Lumabas na ko ng kwarto. Magluluto nalang ako ng hapunan namin dahil alam kong di na makakapagluto si Mommy.
"Magluluto ka?" Lumingon ako sa likod upang malaman kung sino iyon.
"Yes Ate, gusto mo tumulong?"
"No. Why would I? Baka lasunin ko pa kayo." Taas kilay niyang sagot at iniwan ako sa kitchen.
Di ko maintindihan tong kapatid ko, lagi nalang galit sa mundo. Wala namang pinagdadaanan.
Pinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto kesa ibaling ko pa ang atensyon ko sa iba. Mukhang matutuwa si Mommy kapag nalaman niyang favorite niya tong niluto ko.
Inihain ko na sa lamesa ang inihanda ko at tinawag sila Ate at Mommy. And yes, ako ang bunso sa dalawa kong annoying na kapatid.
Sabay sabay kaming kumain ng tahimik. Gusto kong mag open ng topic pero parang hinihila ang dila ko ng paurong.
"Shekinah, this is great. I like it." Mom said na ikinabasag ng katahimikan naming lahat. I just smiled.
"So Mom, where are we going to enroll this school year?" Tanong ni Gabrielle
Sandaling bumuntong hininga si Mommy. Alam kong namumroblema pa siya sa financial.
"Can't you wait Gabrielle?!" Tanging inisagot ni Ate sa kanya.
"I just want to finish school that's all." Nakasimangot niyang sagot.
"Wala akong pakielam. Intindihin mo si Mommy not your attitude." Napaka mean talaga neto ni Ate.
"Tomorrow." Nagulat naman kami sa nagsalita. "We will be going out tomorrow, okay?" Sa wakas lalabas na rin si Mommy.
"Yeyyyy! Sana sa magandang school ako mapunta and I will be the Queen Girl of the school!" Hay nako Ate Gabrielle, kung ako lang ang mas matanda baka nabagok na yang ulo mo.
"I heard that!!!" Sigaw ni Gabrielle, wait did she just hear me?
Iniligpit ko na yung pinagkainan namin at pupunta na sana ako sa kwarto ng biglang may humarang sa akin.
"May problema po ba ate?" Tinignan niya lang ako lalo ng masama. What did I do?
"You're the problem. Why do you want lola to be here? Diba siya nga ang dahilan kung bakit naghiwalay si Mommy and Daddy?!"
"What are you saying?! Walang kinalaman si Lola, ate. It's Daddy's fault. Nambabae siya and mas pinili niya yung other family niya. That is why nagkagulo tayo! Hindi si lola ang---" Napahinto ako sa pagsasalita dahil nasa harap ko na si Mommy.
"Elyza, Shekinah, paano ako makakapagmove on kung pati kayo, hindi rin? 5 months na tayong iniwan ng Daddy niyo. We should learn na di na siya babalik pa. Okay? Sige na matulog na kayo." She kissed our forehead and we headed straight to our rooms.
I felt guilty because of what I've said earlier. Feeling ko nasaktan ko na naman si Mommy.
____________________
It's been two weeks since nung lumipat kami. And here we are. Naenrolled sa isang university na di ko alam kung magiging comfortable ba ko. Pangmayaman ang school na ito. Halata naman sa itsura.
I don't think na makakahanap ako ng kaibigan ko dito. Baka pagtripan lang din ako, pero sanay naman na ako. Since elementary naman, bullied by others ang surname ko. Hayyy. I hope it will be a good school year this time.
Nagsimula na kong maglakad papasok ng school. Kaya mo 'to Shekinah. Grades ang pinunta ko dito not them okay?
I entered the room. Mukhang ang babait nila, pero parang may tinatago sila.
"HOY!!!!"
"Ay kalabaw." At naitapon ko ang mga gamit ko jusko po yung puso ko parang nalalaglag sa gulat.
"Dito ka ba?! Bakit nakatayo ka pa dyan?!" Naku patay.
"Opo dito po." Tinaasan niya ko ng kilay. Yumuko nalang ako.
"Umupo ka na bilis!" At dumeretso na ko sa isang bakanteng upuan malapit sa likod. Kaya naman pala tahimik sila dahil nagsimula na ang klase. Unang araw, ganito agad. Ano ba yan.
"Ganyan talaga si Ma'am. Mas maaga pa sa'yo. Kapag gusto niya magtaray. Magtataray siya." Tinignan ko kung sino ang nagsalita at binigyan ko siya ng 'why are you talking to me look'
"Narinig kasi kitang nagsalita eh."
"Sorry. New student kasi ako kaya di pa ko sanay." She smiled. Nakita kong nakatingin si Ma'am samin so umayos na ko ng upo at nakinig sa kanya.
Pero seriously Shekinah, tigilan mo na yung pakikipagusap sa utak mo at sinasabi na din ng bibig mo.
Natapos ang klase ng nakatitig lang ako sa teacher ko. Hindi pumapasok sa isip ko lahat ng tinuro niya. Iniisip ko pa din si Mommy, walang wala na siyang pera dahil tution fee palang namin, ubos na. I just really hope na matuto na yung dalawa kong kapatid dahil last sem sinayang nila yung pera, imbis na ggraduate na si Ate naudlot pa.
Ewan ko. Pupunta muna ako sa library, medyo naliligaw pa ko dito. Napakalaki kasi ng school. Apat na building kasi to. Tapos hanggang 5th floor lahat jusko.
"Aray ko!" Daing ng babaeng nakabangga ko. Nalaglag yung mga libro kong dala. Pinulot ko naman yun.
"Pasensya na po. Hindi ko po sinasadya." Hindi ako tumitingin sa kanya kasi baka mapaaway ako.
"No, no it's okay. I'm sorry too." Yumuko naman siya para kunin yung iba pang nalaglag na papel. Mukha siyang mabait, akala ko kontrabida na siya sa storya ko eh. Haha.
"Pasensya ulit. Sige mauuna na ko." Aalis na sana ko pero..
"Wait, new student ka? Parang bago ka kasi and parang di mo alam kung saan ka ppunta." Paano niya nalaman?
"Actually papunta akong library eh. Di ko pa kasi masyado tanda mga facilities niyo dito." Ngumiti siya. Bakit ba lahat sila ngumingiti dito? Parang ang creepy na eh!
"I'll show you where. Pero before that.." Pinunasan niya muna yung kamay niya ng panyo niya at nilahad sakin. "I'm Kiarra Chanelle Fernandez. KC for short."
"Shekinah.. Shekinah Brilliantes." I accept her hand.
"Pwede ba kita ihug? Feeling ko gusto kasi kita makaclose eh!" Ha? Ihug daw?
"Ahmm.. o-okay sige." She hugged me tight. Grabe di na ko makahinga sa yakap niya.
"Sorry, carried away. Hehe." Weird.. Okay.
Naglakad na kami papunta sa library, mamaya pa naman class ko. So dito nalang muna ako tatambay since tahimik naman dito eh.
"Sige ah Shekinah, mauna na ko. I have class pa eh. Bye. See you!" I waved back. She seems nice. Hmm.
BINABASA MO ANG
NERD GIRLY MEAN
Teen FictionSisters can really be your enemy, what if your sister is the crush of the man you liked? Do you still want to be her sister? Love can do stupid things, that might hurt your sisters. Can you sacrifice everything you've done just for your related bloo...