T O T I C H- Chapter 1

73 3 0
                                    

           

"Hi tita! Si Chlark po?" bati ni Troy sa mommy ni Chlark na nasa may gilid ng pool at busy sa kanyang mga tanim na flowers. (beso-beso)

"Oh?! Ikaw pala Troy! Nasa kwarto nya siguro. Puntahan mo na lang sa itaas." nakangiti din na nakipagbeso beso ang ginang sa binata.

" Ahhh. Okay po. Thanks tita!" (sabay alis)

Habang paakyat si Troy sa kwarto ni Chlark, busy na busy naman ang dalaga sa pagsusulat sa kanyang diary.

"Tok! Tok! Tok!"

"Come in!" sigaw ni Chlark habang tuloy pa din sa kanyang ginagawa.

"Oy! Bes panget! What are you doing?" pausyosong lumalapit si Troy sa may kama ni Chlark.

Mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagkilos ni Chlark para lang matago at wag makita ni Troy ang kanyang sinusulat.

"Ha??? Ikaw pala yan bes! Wala to!" sabay lagay ng diary at isusi na ang cabinet para siguradong di talaga makikita ni Troy.

"Ah okaaaaay. Samahan mo ko."pag-aaya ni Troy sa kanya.

"Saan naman tayo pupunta? Si Calvin na lang." tinatamad na sagot ni Chlark sa kaibigan.

"Alam mo naman na busy yun. Tska ikaw lang makakatulong saken." Sagot ni Troy.

"Nye?? Bakit ako? San ba tayo pupunta?" humiga na si Chlark habang kausap ito ng binata.

"May bibilhin tayo." Maikling sagot ni troy.

"Kaya muna yun. Para saan ba?" Nakapikit na saad ni Chlark.

"Bibili ako ng regalo." Nakangiting ganti ni Troy sa kanya.

"Luh? Matagal pa bes birthday ko ah?" napaupo sa kinahihigaan si Chlark at nakangiting humarap kay Troy.

"Ay shunga! Hindi para sa'yo, assuming 'to!" sabay batok ng mahina sa kanya na nagtatawa.

"Araaaayyyyy. Hihi. Akala ko pa naman saken. Ano ba meron??" Hinihimas ang binatukan ni Troy.

"2nd anniversary na namin diba sa Saturday, wala na ko maisip na makakapagpasaya sa kanya tska ireregalo." Nag-iisip na saad ni Troy kay Chlark na bumalik sa pagkakahiga.

"Isurprise mo, kunware nakalimutan mo yung date ng anniversary nyo tapos punta kayong condo mo, which is may nakaset up ng dinner date nyo tas bigyan mo ng necklace na may nakaengrave na pangalan nya." Tuloy tuloy na salita ni Chlark.

"Pwede, pwede! You're so bright! Kaya mahal na mahal kita e." pumunta sa kama si Troy at mahigpit na niyakap si Chlark sabay halik sa left cheek ng dalaga.

Di makagalaw sa ginawa ni Troy si Chlark.

"Uyyyyy! Tae ka Troy! Di ako makahinga!" yun lang ang tanging nasabi ni Chlark sa pagitan ng yakap ni Troy sa kanya.

"Ay sorry bes!" sabay gulo naman sa kanyang buhok.

"Ay ano ba??? Ginulo mo pa yung buhok ko. Tsupi na nga! May gagawin pa ko!" pagtataboy ni Chlark sa binate.

"Osige na po. Pero iloveyou pa rin kahit pinapaalis muna ko! Hehehe. See you tomorrow! Text you na lang later." Umalis na sa pagkakahiga si Troy sa kama ni Chlark at nagpaalam.

Nang makaalis si Troy, agad niyang kinuha ang kanyang Diary at pinagpatuloy ang pagsusulat.

Dear You,

            Ang sakit naman.. saken pa talaga sya nagpatulong ang hirap naman mainlove sayo Troy . Hindi kita mahindian sa lahat. Sana ako na lang si Trina. Ang swerte nya kase sya yung nakapagpabago sayo. L Ang sakit na physically and emotionally. Hayst.

The One That I Can't HaveWhere stories live. Discover now