6

33 4 2
                                    

Tanya: Itigil? Hahaha! (isang tawa na nakakapangilabot) Ang mga katulad nyo ay dapat pinapatay!

-Lumapit si Tanya kay Justine-

Justine: Wag mo sasaktan si Christine

-Ngumiti si Tanya at iniabot kay Christine ang hawak nyang itak. Kumunot ang noo ni Justine at biglang bumilis ang tibok ng puso nito-

Justine: Ano ibig sabihin nito?

Christine: Naaalala mo yung sinabi ko sayo nung hinawkan ko kamay mo.

-Naalala ni Justine-

- Hinawakan ni Christine si Justine sa kamay-

Christine: Yan para mas masaya at para hindi na tayo magkahiwalay (nginitian nya si Justine)

Christine: Mangyayari na yon (ngumiti si Christine)

Justine: Hayop ka Christine! Ayoko sayo!

Christine: Akala ko ba mahal mo ko?

Justine: Hindi ako nagmamahal ng isang katulad mo! Mamamatay tao ka!

-Nanlisik ang mata ni Christine-

Christine&Tanya: Pare-pareho lang kayo! Manloloko, ang sasama nyo!

-Sinaksak ng sinaksak ni Christine si Justine. Nakita ni Justine ang ginawa ni Mark kay Tanya. Pinaniwala nya na mahal nya si Tanya, ngunit pinagsamantalahan lang sya nito. Nakita rin nya ang mga ginawa nyang pambababae at nakita nya rin na laging nandun si Christine nakatingin sa kanya.... Nawalan na ang buhay si Justine-

Christine: Hindi na tayo maghihiwalay Justine haha!!! haha!!! (Hinila nya ang katawan ni Justine palabas ng selda)

Tanya: Mahal kita Mark (humiga sya sa tabi ni Mark habang hawak nya ang putol na kamay nito)

-Dalawang lalaki nanaman ang nabiktima ng magkaibigang Christine at Tanya. Hindi nila mahanap ang tunay na pagmamahal kaya sila na mismo ang gumagawa ng paraan para magawa ang gusto nila. Puno ng galit, lungkot at paghihiganti ang nasa puso ng dalawa kaya hindi nila mahanap ang tamang pag-ibig.-

                             The End

Kasama nyo naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon