Chapter 13
Bigla akong kinabahan, nataranta at hindi alam kung ano ang unang gagawin. Napahawak ako sa aking buhok, pagkatapos ay binuksan ko ang aking drawer. Hindi ko na matandaan kung ano ang hinahanap ko. Para lang akong trumpo na paikut-ikot sa aking upuan.
Napadako ang tingin ko kay Gladys at napansin kong nakangisi siya.
"Papapasukin ko po ba siya o mag-aayos muna kayo?" pabirong tanong niya
"Ha? Sige, pero paghintayin mo muna siya. Sabihin mo, may kausap pa ako sa telepono"
Tumango siya, kapagkuwan ay lumabas na siya. Nang mag-isa na lang ako ay agad na inilabas ko ang aking salamin para mag-retouch. Nagsuklay rin ako ng buhok at ginulo ang mesa ko para isipin ni Austin na busy ako sa trabaho.
Pagkaraan ng sampung minute ay tumawag ako sa intercom sa reception area para sabihing papasukin na si Austin.
"Eh, lumabas nap o si Mr. Santillan" sabi ni Gladys
"Mukhang may tumawag sa kanya sa cellphone dahil humahangos na umalis siya"
I was crestfallen. Biruin mo, pinaghintay ko pa siya pero nauwi rin sa wala dahil umalis din siya agad. I was so disappointed I decided to leave early and go home to wallow in self-pity.
As I was walking towards my car, I was surprised to see Austin leaning on the door of my car.
Dumagundong nang malakas ang aking dibdib nang masilayan ko siya. He was dressed in a business suit and I must admit he really looked like a professional businessman in his attire—a very handsome businessman. Pero nang lumapit ako sa kanya, hindi ko ipinahalata ang kaba na aking nadarama.
"What brings you here, Austin?" I asked him nonchalantly
He grinned.
"Nagtatampo ka ba sa akin?" tanong niya
"Nagtatampo? Bakit naman ako magtatampo?"
"Kasi, hindi ko nasagot ang text message mo. Nag-out of town kasi ako at ang gusto ko ay makausap ka nang personal at hindi lang sa text" nakangising sagot niya.
Ang totoo, tila hindi na maalis ang ngiti niya.
Inirapan ko siya.
"Can you please move?" mataray na sabi ko
Pero hindi siya matinag sa pagkakatayo. Sa inis ko ay natuhod ko siya.
"Ouch! That hurt" hiyaw niya
Naitulak ko pa siya palayo sa pinto kaya nabuksan koi yon. Pagkatapos ay nagmamadaling pumasok ako sa loob ng kotse. Paandarin ko n asana iyon nang bigla siyang sumakay sa backseat.
"Get out!" sigaw ko
"Not until we talk" mariing pahayag niya
"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan? Di ba, nagkaliwanagan na tayo noong party nina Jessy?"
"Akala ko rin. But then you sent me a text message and I wanted to know if you changed your mind about us" mahinahong sagot niya
Na-rattle ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung dati ay buo na ang loob ko na tanggapin ang alok niya, bakit ngayon ay tila nagbabago ang isip ko?
"Ah...Eh... It was just a forwarded message. Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan 'yon"
"Talaga, ha? Kapag sinabi ko bang sa pagbaba ko rito ay hindi na ako magpapakita pa sa iyo kahit kalian, okay lang sa iyo?" naghahamong tanong niya
Hindi agad ako nakasagot. Pilit ko pa rin ksaing pinaglalabanan ang aking damdamin dahil may takot pa rin sa dibdib ko.
Bumulong ako ng isang maikling dasal n asana ang gagawin kong desisyon ay ang makabubuti para sa amin.
"Naghihintay ako, Catherine. What's it gonna be? Do I leave for good or are you going out with me?"
Napabuntong-hininga ako.
"Okay,Okay, I'm going out with you. Pero isang date lang muna" nagmamadaling sagot ko
"Yes! Yes! Yes!" masayang hiyaw niya
He even punched in the air to show how ecstatic he was. Kulang na lang ay mag-victory dance pa siya sa labis na kagalakan.
Natawa na lang ako sa reaksiyon niya.
"Wala nang bawian ito, ha, Catherine. We're dating now, and that's final!"
ABANGAN.....
VOTE & COMMENT.....
BINABASA MO ANG
Wedding Invitation
General FictionHigh Rank #56 Hi am Catherine Lopez aka Cathy for short, a successful doctor--and single. Tama! Sa edad kong thirty years old ay wala pa rin akong asawa o kahit boyfriend. But I was not unfazed by my single status. Hindi naman kasi sa pagmamayabang...