Bakit?

4 0 0
                                    

Short story by YouOverMe

------------------------------------------------------

Bakit naiinis ako kapag nakikita kong may kasama siyang iba?

Bakit nahihiya ako kapag kinakausap nya mo ako? ung feeling na awkward!!

Bakit parang may gusto na ako sayo?

Si Aaron ang pinaka kinaiinisan ko dito sa classroom pano ba naman kasi ang baho nya, ang pangit-pangit nya, napakayabang, at ang pinaka nakakainis sakanya ang bastos nya!!
Magbabago pa kaya sya?

Sa araw araw na pumapasok ako sya lagi ang nakikita at naaamoy ko. May pagkakataong nagsusuntukan kami kasi kinukuha nya ung ballpen ko o kahit anong bagay na importante sakin pero kahit ganon may pagkakataong mabait sya, kasi nung panahong nagkasakit ako sinamahan nya ako sa clinic buong araw pinakopya nya ako ng assignments at mga lessons na miss ko isang linggo kasi akong hindi nakapasok sa school.

At ng makapasok ako sa school nag-announced ng acquitance party. Excited ako kasi sabi ng teacher ko may slow dance daw at pwede raw kaming maghanap ng kapartner. Napatingin ako kay Aaron nagtama naman ang tingin namin at bago ko iiwas ang tingin ko nakita ko pang ngumiti rin. At ng hindi na sya nakatingin saka ako ngumiti.

Bakit ako kinikilig?

Dumating ang araw ng Acquitance excited ang lahat. Lahat sila naguusap-usap kung anong susuutin nila samantala naman ako nakatitig kay Aaron nagbago kasi siya the way kung pano sya magsalita, Ung itsura nya ung mga galaw nya lahat ng mga ayaw ko sakanya unti-unting nagbago.

Nangg makarating ako ng venue ang dami daming tao ang sasaya nila kitang kita sa mukha nila na excited sila. Ako naman parang giraffe sa haba ng leeg hinahanap ko kasi si Aaron ako kayang itsura nya? Gwapo kaya sya?

"Marie?"

"Aaron?"Sobrang gwapo nya tuxedo na suot nya napaka-desenteng tingnan

"Sino kasama mo?"tanong nya

"Ah Ak--" di ko na naituloy ung sasabihin ko ng biglang ng switch ung song ung pang slow dance.

"Ah Marie pwede ba kitang isayaw?"
sabi nya sabay inilabas nya ung kamay nya para isayaw ako

"S-sige"sabi ko tapos pinatong ko ung kamay ko sa kamay nya

Habang nagsasayaw kami hindi ko maiwasan na tignan sya ang gwapo nya kasi at ang bango pa pero iniiwas ko rin kasi nahuhuli ko rin na nakatingin sya sakin.

"Marie?"

"B-bakit?"sabi ko pero hindi ko parin sya tinitignan

"Tingnan mo ako"inangat nya ung mukha ko "Gwapo ba ako?"

"Ah....Eh....Uhmmmm.....Oo?"kainis kailangan pabang tanungin yan?

"Talaga? Marie nagkagusto kanaba sakin dati?"

"h-hindi no!! lagi mo akong inaaway at inaasar tingin mo may gusto ako sayo?"sigaw ko ng biglang magtinginan ung mga tao sa paligid ko kaya nakaramdam ako ng kaunting hiya "Ay!! sorry hindi ko dapat sinigaw sayo yun sorry talaga"pagapapatuloy ko

"Ok lang yun i deserve it sa dami ng kasalanan ko sayo ako ang dapat mahiya at magsorry"Sabi nya tapos bigla nya hinawakan yung mga kamay ko papunta sa mga balikat niya at yung mgkamay naman niya ay hinawakan ung bewang ko ng mahigpit

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon