Chapter 11

30 1 0
                                    

Replaced
×××

Jamie's POV

*krrrriiinggg krrriinggg*

Ugh! Ayan na yung alarm clock ko! Tsh... Feeling ko bitin na bitin yung tulog ko T_T
Parang gusto ko pang matulog kaso may pasok na hays.

*krrrriinggg krrriiinggg*

Tumunog muli ang alarm clock ko kaya dahan dahan ko ng iminulat ang mata ko atyka pinatay ito.

Nag inat inat muna ako bago tumayo at maligo. Nang matapos na ko maligo ay nag ayos agad ako ng aking sarili.

Pagkatapos ko mag bihis at mag ayos ng ibang gamit na dadalhin ko sa school. Bumaba nadin ako ka agad para makapag almusal.

"Oh mimi gising kana pala, halika't mag almusal kana." Bungad sakin ni Nanay Flora.

"Sabayan niyo na po ako." Nakangiti kong sabi.

"Sige na, kakatapos ko lang mag almusal." Tumango na lamang ako, pero bakit parang wala pa si Jewel? Tsh tinapos pa siguro niya yung kdrama na pinapanood namin, kaya napuyat.

"Nanay tulog pa po ba si Jewel?" Tanong ko.

"Maaga siyang umalis, hindi ba siya nagpaalam sayo kagabe?" Napakunot bigla ang noo ko.

"Hindi po eh, sinabi po ba sa inyo kung san siya pupunta?" Nakakapag taka lang, wala pa naman siyang klase ngayon eh. Iba ang schedule naming mga college sa kanila kaya nakakapag taka na wala siya.

"Bibili lang daw siya ng mga gamit para sa swimming tournament niya. Akala ko naman nagpaalam sayo kaya pinayagan ko na."

"Ah hindi po, okay lang po yon. Baka nga bibili lang siya. Paki sabi nalang po na tawagan niya ko kapag nakauwi na siya." Sambit ko. Tumango na lamang si Nanay Flora kaya't nag paalam nadin ako kaagad nang matapos ako sa pagkain.

Habang naglalakad ako palabas ng bahay, ay naisipan ko ng itext sila Apple kase sabi nila sabay kami papasok, mahirap na baka kamalasan na naman ang nag aabang sakin kapag hindi ako sumabay kila Nat.

To: Mansanas na Kumag

San na kayo?

To: Gab

San na kayo?

To: Nat

San na kayo?

To: Lian

San na kayo?

[Message sent]

Ayan lahat sila tinext ko na, para sigurado. Ayoko nang pumasok mag-isa, mamaya kung sino na naman ang maka bangga ko.

Hindi pa nga ko tuluyang nakakalabas ng gate ay narinig ko na agad ang busina ng kotse ni Apple.

"MIMI!!!! TARA NA!!!" Sigaw ng Bestfriend kong si Apple.

"Ang ingay mo" Pag sasaway ko sa kanya nang makalabas ako ng gate. "Madami pang natutulog na kapitbahay oh."

"Red tide kapa din? Hahahahaha!" Pangasar niya.

"Oo nga hahaha. ang init lage ng ulo mo." Singit ni Lian.

"Ayy alam ko na! Siguro nakita mo na naman yung best friend mo?" Singit ni Gab.

"Ako?" Singit naman ni Apple

"Hindi! Yung karlo haha. Best friend mo yun diba." Pangasar ni Gab.

"Ewan ko sa inyo! Puro kayo kalokohan. Tara na nga tsh." Sumakay na ko ng sasakyan, at sa wakas nanahimik nadin sila.

"Ay nga pala mimi, nakita namin si Jewel kanina." Napatingin ako sa rear mirror ng magsalita si Apple.

DARK SIDE (On-Going)Where stories live. Discover now