Ako si Ryan...
cute, mayabang, matalino, mabaet, at minsan feeler haha feeling ko kasi kada babaeng titingin at ngingiti sa akin ay gusto na ako...
Aminado naman ako sa pagkafeeler ko at mayabang.
May pagka seloso nga lang, kasi alam mo na mga babaero gusto nila sila lagi ang nakakaisa...
ayaw nila ng sila ang niloloko
Marami na akong naging gf o mas magandang sabihin nating shinota
minsan naman nagseseryoso din ako pero ganun talaga ang buhay di mo naman pwedeng makuha ang lahat ng gusto mo ehh.
Bakasyon na naman. Sa wakas, ang pinakahihintay kong parte ng taon. Unli kwento sa mga tropa, araw araw DOTA sa com shop at wantusawang swimming.
May gf ako , Jana ung pangalan nya. Pinakilala nya na ko sa parents nya pero parang nahihiya naman ako kasi di naman ako seryoso sa kanya. Katulad lang sya ng ibang shinota ko, nagandahan lang ako kaya aun niligawan ko. Mahal na mahal ako ni Jana, bata pa lang daw kami ay crush nya na ko...
Pero sa totoo lang ang gusto ko talaga ay si Sarah. Matagal ko na syang gusto, mula nung lumipat sila sa tapat ng bahay namin noong 2008 ay napaibig nya na ako. Di ko maamin sa kanya ang nararamdaman ko dahil sa tuwing makakaharap ko na sya wala na tiklop na ako.
Iniisip ko na nga lang na sana sa kanya ko nagagamit ang galing ko pagdating sa mga babae eh.
Swerte nga ehh walang pasok ng dalawang buwan kaya maeenjoy ko ang pagsilay ko sa kanya.
Malaki laki na rin ang naipon kong pera, Yayayain ko syang magdate sa Linggo at ipagtatapat ko na ang matagal ko nang nararamdaman para sa kanya.
And YES pumayag sya!
Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay ko. Makakadate ko na rin ang babaeng matagal ko nang inaasam. Di nya pa nga alam na may Girlfriend na ako. Nag usap kami tungkol sa mga buhay namin at studies pero syempre pinapahapyawan ko na sya ng mga malulupitang mga banat ko, ngumingiti lang naman sya
Lalo tuloy akong dinadaga. Napapaisip tuloy ako kung sasabihin ko pa ba kasi parang walang pag asa eh. Pero inisip ko na lang ung positive side, at least napapangiti ko sya hehe
Nag pick up pa nga ako ehh
Sinabi ko, "ang pagmamahal ko sayo ay 1/0"
"Bakit naman?" sagot nya habang nakangiti
"kasi kahit ang calculator ay hindi kayang sukatin ang pagibig ko para sayo" sabi ko
"Napakabolero mo pala Ryan" ang sagot nya
Syempre sumagot ako na hindi ako bolero.
Mejo gutom na kaming dalawa dahil sa haba ng usapan at pick up an namin. Buti naman dumating na ung pagkain na inorder namin.
Pero maya maya lang ay may nangyaring ikinagulat nya at lalo naman ako.
Dumating si Jana, tinanong ni Sarah kung sino sya?
Di ko sya sinagot...
"Ano Ryan Vincent? Bakit mo kasama tong babae na to?" sabi ni Jana
Yumuko lang ako at tinanong kung tapos na sya mag salita ...
Ayoko na Jana!! Tapos na tong walang kwentang relasyon natin dahil ang babaeng nasa harapan mo ngayon...
ang babaeng mahal ko.
Umalis na si Jana habang umiiyak...
Iniwan na rin ako ni Sarah..
Susundan ko pa sana sya pero sinabi nyang wag ko na muna syang kausapin.
Naiwan akong mag isa, iniisip kung maganda ba ang nangyari o lalo ko lang pinasama ung sitwasyon. Ang mahalaga nasabi ko na rin kay Sarah pero parang nagalit ata sya
Maya maya lang ay umuwi na rin ako... Di ako makatulog.
Nakokonsensya ata ako sa ginawa ko kay Jana. Nakokonsensya nga ba o nanghihinayan? ito ang tanong ko sa sarili ko.
Ilang araw lang ang nakalipas ay tinxt ako ni Sarah. Gusto nya daw makipagkita sa akin mamayang gabi sa park malapit sa amin.
Pumunta na ako
Mga 7 na ng gabi nun
Di na nag padalos dalos si Sarah at sinabi na mahal nya din ako, sabay yakap sa akin
Pero ewan ko ba ang gulo ng utak ko bigla ko syang tinulak palayo.
Tinanong nya ako kung nagbago na ba ang pagmamahal ko para sa kanya ngunit di ako sumagot.
Tinanong nya ulit ako ng parehong tanong ngunit lumakas ng bahagya ang kanyang boses.
Hinalikan ko sya pra sagutin ang tanong nya kanina, pero habang nakikipaghalikan ako sa kanya ay si Jana ang nasa isip ko. Naaalala ko ang mga panahong kasama ko si Jana.
Pagkatapos nun ay umuwi na rin kagad kami sa aming kanya kanyang bahay.
Tinxt nya ako pero wala akong ganang magtxt. Di parin mawala si Jana sa isip ko.
Di ako mapakali, mahal ko na ba ang babaeng itinaboy ko at sinaktan?
Paano ko sasabihin sa kanya na nagkamali lang ako? Kung meron lang sana akong Time Machine para maitama ang pagkakamaling nagawa ko kay Jana.
Nung gabi ding yon ay pumunta ako kala Jana at pinagtapat ko ang nararamdaman ko ngunit umiyak lang sya at sinampal ako
"Matapos mo akong saktang at ipahiya sa tapat ng babae mo babalik ka sakin at sasabihin mong mahal mo pala ako?" sinabi nya
"MAHAL KITA RYAN VINCENT CRUZ pero ayoko na! di ko na hahayaang saktan mo pa ko"
Tinulak tulak nya ako at sinabing wag na kong magpapakita sa kanya kahit kaylan...
Naiintindihan ko naman sya dahil sobrang nasaktan ko sya pero mahal ko talga sya ehh.
Umuwi akong bigo. Di alam kung anong mangyayari sa bukas na wala ang babaeng syang nagpapaikot ng mundo ko.
Hihintayin ko parin ang araw na babalik sya sa piling ko