salamat sa pag gawa mo ng cover bes
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MAY'S POV
"Ikaw talaga! Binalak mo pa talaga akong takasan sa reception!"-natatawang sabi ni ate alex nang inabangan nya kami sa pasukan ng isang sikat na hotel kung saan idadaos ang kainan.
"Hinde naman ako kelangan dito eh, tsaka ano..."-pano ko ba sasabihin? Na hinde ako komportable na andito sya? Kung nalaman ko lang talaga na kapamilya pala sya ni kuya xander, maghahanap talaga ako ng palusot para lang hinde makadalo sa kasal netong pinsan kong si ate alex.
"Dahil ba kay---"
"KUYA AIDEN!"-sigaw ng syam na taong batang kapatid ko kaya napalingon nalang kami sa lalaking kakalabas lang sa isang mamahaling sasakyan. "Ang gwapo mo talaga~"
=____= napaismid na lang ako sa narinig ko mula sa bibig ng kapatid ko. Oo, sya na ang gwapo, lagi naman eh.
"B--akit?"-naitanong ko kay ate alex na ang wagas ng ngiti matapos akong sikuhin sa tagiliran, binigyan nya ako ng isang tingin na halatang nanunudyo. "Punta na ako sa taas, baka makasabay ko pa yan eh."
Fortunately, hinde ko naman sya nakasabay sa elevator.
Sya pala si Aiden Villaruiz, mahal ko yan mula noong 4th year high school kami, nang mag college kami napaghahalataan ng prof ko na may gusto ako sa kanya, kaya ayun kinwento ko na lang ang tungkol sa pagkagusto ko kay aiden, but it was a wrong move, si aiden pala ang student assistant ng prof na yun kaya nasabi ni ma'am.
Bakit kasi parang floor wax ang bibig ni ma'am? =____=
At dahil nga nalaman nya yun, he went immediately to my room after that revelation and frankly told me those words.
"Sabi ni prof, may gusto ka daw sakin, pero sorry,,, kahit kelan hinde ako magkakagusto sayo."
Masakit, pero kailangang tanggapin, mabuti na lang din, at least, hinde nya ako pinaasa dba? Actually, friends kami ngayon, mas lalo kaming nagka close simula nang malaman nyang may gusto ako sakanya, namamansin na kasi sya sakin, paano? Inaasar nya ako lagi sa pagkagusto ko sakanya, kaya minsan, imbes na maslalo akong mahulog sakanya, naiinis na lang ako sa sobrang kakulitan nya. :)
"ATE MAY!"-napatakip ako ng tenga nang bigla nanaman akong sigawan ng kapatid ko, sobrang lakas ng boses nya na parang nasisira eardrums ko. "Dito ka umupo ha?"-turo nya sa ikawalo na huling table.
Tinanguan ko na lang sya kasi duon ko naman talaga balak umupo, malayo sa harapan, malayo kung san si aiden, nasa pangalawa kasi sya, paupo na sana ako kaso may napansin ako sa kamay nya.
"Ano yan?"-anong klaseng tanong yun may? Kita mo ngang rosas, tinanong pa kung ano.
"A--aah ee--eh! Hinde to rose ah!"-para syang nataranta at dali daling itinago ang isang tangkay ng rose sa likuran nya.
"Santan nga yan?"-pagbibiro ko sa kanya haha xD kahit syam na taon na sya, hinde parin sya ganun kamatured mag-isip, the way she think is like she's only 6 years old.
"Di ah! Rose to!"-tignan nyo na ^o^ ang gulo nya diba?
Aasarin ko pa sana sya kaso may tumawag na sakanya.
"Liza!"-si aiden at sibenyasan pa nya ang kapatid ko na lumapit sakanya, ito namang kapatid ko iniwan ako mag-isa sa table, may gusto ata sya kay aiden eh, bakit ang close nila?
**
"Salamat talaga sainyong lahat na nakisaya samin ngayon sa pinakaespesyal na araw sa mga buhay namin! Chos?"-nagsitawanan naman lahat pati na rin ako sa langyang speach nitong pinsan kong si ate alex. grabe, hinde parin nawawala ang pagiging kalog kahit kasal na.