"Hoy, aminin mo may pagtingin ka saakin."
Ang kapal tagala nitong hinayupak na'to, napatingin lang saglit sakanya may gusto na agad?! "In your dreams!" Sabay irap sakanya at naglakad na palayo. Nakakairita talaga yung lalaking hukluban na iyon, akala mo napakagwapo.
"Hep, hep! Saglit lang, kalma okay, kalma."
Abat! Haru Dios ko day! Ang kulit netong buwanag inang to! "Pwede ba! Pwede ba ha! Tigilan mo ako kahit isang araw lang!" Sinundan pa talaga ako!
"Eto naman high blood agad, may itatanong lang naman ako."
Patuloy lang ako sa paglalakad habang sumasabay sya saakin. Grabe napaka talaga nitong lalaking 'to.
"Itanong mo na't nagmamadali ako." Ihahakbang ko pa sana ang paa ko ng biglang nanigas ang aking katawan, parang may pumipigil rito. "Solevares! Huwag mong gamitin ang kapangyarihan mo saakin, kasi hindi mo magugustuhan pagnakawala ako." Imbis na pakawalan ako ay humarap ito saakin at ngumiti ng napakalawak. Abat sinusubukan talaga ako nitong bwisit na'to.
"Sagutin mo muna ang mga itatanong ko."
Tumaas ang kanang kilay ko sakanya dahil sa sinabi nya. 'Mga' tanong?
"Una, may gusto ka ba saakin?"
Ano daw? Not im my wildest dream. Ang kapal! "Ako? Seriously?"
"Okay, i think your answer is yes."
Unbelievable! This guy is crazy. Ano bang iniinom nitong gamot at parang na-overdose ito.
"Pangalawa, anong dahilan mo at sumasama ka sa training hour ng kapatid ko, uhm... maliban sa gwapo ang kapatid ko, alam mo na magaganda at gwapo talaga ang lahi namin."
Ano daw? Aaminin ko gwapo nga ang kapaitid nyang si Zach, pero sya? Ew! Kadiri lang. Imbis na ako'y sumagot ay pinalutang ko ang malaking batong nasa likuran nya gamit ang aking mata at dahan dahan kong inilapit sa kina naroroonan namin at ibinagsak ko sakanyang paa. Magsisigaw ito dahil sa sakit kung kaya't nawala ang pagcontrol nito saking katawan. "Minsan gamitin mo ang isip mo, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin, Solevares. Don't underestimate me."
Serves you right. Nagtungo na ako sa huli kong klasse and guess what, late na ako dahil sa bwisit na 'yon. "Sorry, may dinaanan lang po ako sa silid kwadernuhan."
BINABASA MO ANG
Centralvenia High
FantasyHow come, there's a school for the peculiars like me -Hailey