Special Chapter: My secret admirer is my... COUSIN??

1.1K 10 0
                                    

My secret admirer is my...... COUSIN??

All right reserved (c) 2014

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Kanino na naman to?" tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa locker ko. May chocolates na naman kasi sa locker ko halos araw-araw may natatanggap ako

Nga pala ako si April Salvador, fourth year student, nag-aaral sa (nakalimutan ko yug school nila sylvester) at halos araw-araw nakakatanggap ako ng mga chocolates, flowers, at ano-ano pang love letter sa locker ko. Oo nakakakilig nun at tsaka nakakasaya na din kasi may secret admirer ka kaso ang problema nga lang nakakayamot na eh halos araw-araw yun ang natatanggap ko.

"Oh anyari sa mukha ng maganda kong pinsan?" as usual ito na naman siya... Meet Daniel Pardilla ang pinsan kong mabait, his my Prince and i'm his Princess O.a lang no? Close kasi kami since bata palang kami kung saan ako nag-aaral doon din siya.

"wala nakakasawa na kasi eh, laging may napapadala ng cocolates, flowers at anong ka-corny-han paman" sabi ko sabay sira ng locker ko. Tsaka nag simula na kamng maglakad

"Oh bakit ayaw mo ba sa ganyan? Akala ko ba gusto mo yung lalaking ganyan sweet tapos may surprise araw-araw" siya habang inaayos yung pagkakasakbit ng guitara niya, papunta kasi kaming music room ngayon may agawin daw siya at kailangan ko daw siyang tulungan

"Oo naman no gustong-gusto ko talaga yung ganun pero tignan mo nga hindi na siya surprise kung lagi nalang chocolates tapos flowers diba pwedeng minsan naman yung makakain ko talaga na nakakabusog? For example... Piatos, Nova, Burger, Fries yung mga ganun" paglilintanya ko.

"Huh?" tanong ko sa kanya may sinabi kas siya kanina eh di ko lang nadinig

"Walang ulitan sa bingi tara na nga gutom na ako" sabi niya sabay higit sa akin

"Makahigit wagas? hindi ba pwedeng dahan-dahan naman?" reklamo ko ngumiti lang siya at hinigit na naman ako. Uso ata higit sa kanya ngayon.

Nung makarating kami doon agad naman siyang naghanap ng upuan tapos pinaupo ako

"Diyan ka lang ako na bibili ng makakain natin" sabi niya sa akin kaya wala na akong magawa kundi ang umupo nalang dito diba?

Napatingin ako sa notebook niya may naka-ipit kasi na papel at dahil curious talaga ako kung ano yun, kaya kinuha ko naman, tapos binasa

"Huh? Ano ibig sabihin nito?" sabi ko sa sarili ko, hindi ko kasi maintindihan eh ganto kasi yung nakasulat

'W5H57 K0 5U6 q!us5u K0'

yan lang naman, ano kayang ibig sabihin nito?

"Tsk nangingialam ka na naman?" lumingon ako sa kanya tapos nagpiece sign

"Curoiusity Kills eh haha" sabi ko tapos binigay sa kanya yung papel

"Buti nalang at ganto ang isinulat ko for sure hindi mo naiintindihan" sabi niya, umiling lang ako hindi ko naman talaga naintindihan eh, kinuha ko yung binili niya at nilantakan na.

"Kung may manliligaw sayo sasagutin mo?" muntik na akong mabilaukan sa tanong niya kaya kinuha ko yung tubig

"Ano ba naman yang tanong na yan insan alam mo naman na bawal pa ako sa ganyan" sabi ko at kinain yung burger

"Alam mo insan if ever man na may manligaw sa akin? Gusto ko yung pakikiligin ako araw-araw, mangangakong lagi siyang andyan sa tabi ko yun bang ang forever ay mag-e-exist sa mundo naming dalawa" sabi ko habang kumakain parin

"Ganon? Pero teka nga ito oh may ipaparinig ako sayo sabihin mo kung ayos na" kinuha niya yung guitara niya tapos inayos niya muna

"Para saan?" tanong ko

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon