ONE SHOT

11 4 1
                                    

Ito ang first ever na nasulat ko sa watty para mailabas ang aking inis sa sarili dahil sa aking kapalpakan..
Sana magustuhan niyo.😁
Pasensyahan niyo lang ang



___________________________________________








DEATH MAY INDEED BE FINAL BUT THE LOVE WE SHARE WHILE LIVING IS ETERNAL.




"Dad, may sasa..."

"Eyah kumusta naman ang pag-aaral mo?" dad cut me off by asking my sister as if I don't exist. Ganito naman palagi eh! Gusto ko ibalik ang dati pero kasalanan ko naman kung bakit nawala siya. Kung sana lang....

"Dad may sasabihin yata si Elise." sabi ni ate Eyah.

"Wala akong kilalang Elise." mariin na sabi ni dad.

"But dad..."

"Eyah" dad said in a warning tone. Sobrang sakit. Bakit laging ganito? Apat na taon na ang nakalipas ng mamatay ang aming bunsong kapatid.

"Bakit dad? Bakit hindi mo ako hinayaan magpaliwanag?" puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya.

"Shut up, its all your fault. Nakita ko kung ano ang nangyari, kung paano nahulog ang kapatid mo ng dahil sayo." galit na sabi ng aking ama.

"No dad, hindi mo nakita ang lahat."

"Shut up" at sinampal niya ako. Umiyak akong tumingin sa kanya at tumakbo palabas ng bahay. Takbo ako ng takbo habang hilam ng luha ang aking mata. May narinig akong busina ng hanggang sa maramdaman ko nalang na may tumamang sasakyan sa aking katawan.

"Patawarin niyo ako dad at baby bunso." I said before everything turn black.





AT THE HOSPITAL

"Masaya ka na ba Edward? Ngayong nasa bingit ng kamatayan ang anak mo na walang ginawang kasalanan ngunit pinagbintangan mo." tanong ni Nana Rose sa daddy ni Elise.





FLASHBACK

"Ate Elise, sige na punta tayo ng mall." pamimilit ng bunsong kapatid niya na si Enah.

"Baby bunso di pwede, may gagawin akong project." tanggi nito sa kapatid.

"Eh! Ate sige na. Pretty please." pagpupumilit parin nito. Hindi pumayag si Elise. Habang nagpumilit ito ay naglakad ito patalikod ngunit hindi nito namalayan na malapit na ito sa hagdanan at ito ay nahulog.

"Bunso!!!" sigaw ni Elise habang pilit inabot ang kamay ng kapatid pero huli na.

Nakita nalang niya na gumulong na ang katawan nito sa mataas na hagdan. Galit sa sarili at takot ang kanyang naramdaman ng makita ang dugong umaagos sa ulo nito. She blame herself kung sana pumayag siya hindi mangyari ito sa kapatid niya.

"Sorry, sorry." paulit-ulit niyang sabi.

"Elise what happen?" her dad ask her with a terrified and worried face.

"Sorry." yun lang ang paulit-ulit nasabi niya.

"You did this to your sister. How dare you? Wala akong anak na mamatay tao." parang biniyak ang puso niya sa sinabi ng kanyang ama.


END FLASHBACK



"Nakita ko ang lahat Edward pero ikaw naging bulag at sinisi ang sariling anak." Nana Rose said






EDWARD's POV (Elise's father)

"H-hindi ko a-alam." yun nalang ang nasabi ko sa lahat ng natuklasan ko.

"Dahil hindi mo siyang hinayaang magpaliwanag."

" Argh! Kasalanan ko to, kung sana nakinig ako sa kanya hindi sana ito.... " napahagulhol nalang ako ng iyak. Sa apat na taon na nakalipas naging bingi ako. Hindi ko siya hinayaan na nagpaliwanag. Napakasama kong ama sa kanya.


"ANAK Gumising ka na one week kanang natutulog. Patawarin mo na si daddy."

Its been a week, hindi pa rin siya gumising. Kasalanan ko to kung sana hindi ko siya..... napahagulhol nalang ako ng iyak. Diyos ko, parang awa mo iligtas mo ang anak ko. Alam ko kasalana ko to pero sana iligtas mo siya gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya. Parang awa mo na. Nanlaki ang mga mata ko ng may naramdaman akong humawak sa kamay ko.

"Dad."

"Anak, ayos ka lang ba? Anong masakit sayo? Teka tatawag muna ako ng mga doctor para matingnan ka." Taranta kong sabi at akmang lalabas.

"Dad, d-dito ka l-lang." pigil ni Elise

"Teka lang nak tatawag muna ako ng doctor para masuri ka." hinawakan niya lang ang kamay ko para pigilan.

"D-dad p-please." she said pleading.

"Dad p-patawarin mo a-ako kung s-sana...."

"No, hindi mo kasalanan anak. Kasalanan ko to lahat kung hindi ako naging bingi sana h-hindi to n-nangyari. Patawarin mo ako anak." sabi habang pilit na pinigilan na pumiyok.

"D-dad pinatawad kita m-matagal na. M-mahal na mahal k-kita, kayo ni ate. Dad kung mawawala ako sana maging masaya kayo ni ate."

"Wag kang magsalita ng ganyan anak. Nawala na ang momny at kapatid mo pati ba naman ikaw." puno ng takot na sabi ko.

"Diba magpagaling ka pa?" dagdag ko pa. Ngumiti lang siya sakin.

" Paalam po dad."

"Nak, wag ka namang magsalita ng ganyan oh! Tinatakot mo na si daddy eh!" hindi ko na mapagilan ang sarili na umiyak.

"Dad promise mo sa akin na maging masaya ka, kayo ate. Please promise me, dad." tanging iling lang ang nagawa ko. Di kaya kung mawawalan na naman ako ng iasang mahal sa buhay.

"Promise me please dad." pagsusumamo nito.

"Sinusundo na ako nina bunso at ni mama. Paalam na po na dad. Mahal na mahal kita." huling sabi nito bago pumikit. Narinig ko nalang na tumunog ang machine at nagkagulo ang mga doctor para i-revive si Elise ngunit huli na.

"Promise Elise tutuparin ko ang sinabi mo kahit mahirap dahil mahal na mahal kita anak. Paalam."

WAKAS

SIN (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon