SEVEN

10 1 0
                                    

JIGGER

"Shaii!!! Shai!!!"

Bigla syang pumikit peste naman! Hindi naman sya inabot ng kotse ko.
Bigla akong napatingin sa lalake sa gilid ko.

"SABIHIN MO ANONG GINAWA MO SA KANYA?!"

"T-teka wala naman akong g-ginawa"

Bigla ko syang pinagsasasapak.

"Hayup ka pag may nangyaring masama dito di kita mapapatawad."

Sinuntok ko nanaman sya hanggang sa bumalandra sya sa lapag.

Biglang bumaling ang tingin ko sa babaeng tulog.

Binuhat ko na sya papasok ng kotse ko.

Ano namang ginagawa neto dito ? Gabing gabi na tsk. Tinitigan ko sya basang basa sya.

Ang ganda nya ,ang peaceful nyang tignan.

"Sana pala sayo na lang talaga"

Ang tangos ng ilong. Ang ganda ng kilay nya kaya lang di sya nagaahit kaya medyo kalat. Yung lips nya whoo! Jakpat talaga.

Biglang nabaling ang tingin ko sa bracelet nya.

Kapareho nung akin to ah.

"P-posible kayang sya si?"

---BEEEP BEEEP!

Ay bobo di ko pala inistart nagmoment pa ko tss

Iniandar ko na ang kotse

Tas hinawakan ko yung kamay nya

Langya! Ang inet!!!

Hindi kaya dahil hot ako? Or may lagnat talaga sya?

Sumulyap ako ulit sa kanya bago
Pinaandar ng mabilis ang kotse.

~~

"WADE RALPH!!!!!!!!" Sigaw ko sa kapatid kong paminta.

Bigla syang lumabas ng bahay halata sa mukha nya na nakatulog na sya

"Oh?! Ang aga aga naman k---- TEKA SI SHAILENE?!"

"Oo tulungan mo muna ako ipasok sya sa loob" binuhat naming dalawa si shai

"Teka dahan dahan naman!"sigaw ko pano ba naman halos kinaladkad na

"Eh hayaan mo sya kasalanan naman ata nya kaya nakapunta yan dito eh."

Inirapan ko lang sya. Walangya talaga tong si wade

Naihiga na namin sa sofa si shai

"So what brings her here?!" Wow englishero ang kapatid ko

*clap clap*

"ANO NGA WAG MO KO PALAKPAKAN TANDAAN MO GINISING MO KO!"

"oo na ! Nakita ko kasi sya kanina sa daan nung pauwi ako tapos muntik ko na syang mabangga tas nahimatay sya pero nakipag suntukan pa ako kasi nga muntik na rin syang magahasa" pagpapaliwanag ko at bigla namang tumaas ang kilay nya

"Tss sana hinayaan mo na once in a life time experience nya na rin yun"

Puk

"Aray ano ba?! " binatukan ko sya panl ba naman yung bunganga.

Downcast MelodyWhere stories live. Discover now