That line.

0 0 0
                                    

"Bata, gusto mong gripo?"

Naka tungo lang ako habang unti-unti akong kino-corner ng limang lalaki.

"Malas mo bata, maling lugar ang tinungo mo. Kating-kati na akong patayin ka. Alam mo ba ha?! Pero bago yun, kailangan mo muna kaming busugin sa laman ng pitaka mo."

Malakas silang tumawa na parang mga tanga.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Sige na bata, ilabas mo na ang wallet mo!"

Dumura ako sa lupa.

"Kung ako sa inyong mga gung-gong na ungoy, uuwi na ako."

Tumigil sila sa pag tawa ng marinig ang sinabi ko. Agad akong kwinelyohan nung leader yata nung mga ungoy.

"Anong sinabi mo?! Tingnan natin ang yabang mo! Makaka tikim ka sakin!"

*BOoooOOoooogsh!*

Agresibo nya akong sinuntok. Dahilan para tumalsik ang katawan ko sa pader. Pero hindi ako natinag.

"Tss.. Suntok naba ang tawag mo dito?"

Pinunasan ko ang labi kong dumudugo, sabay hawi ng buhok ko. Dahan-dahan kong ini-angat ang ulo habang naka-ngisi.

" Mga bugok na ungoy, lumampas kayo sa linya! Alam nyo ba ang pinaka ayaw ko sa lahat? yung nadudumihan ang gwapo kong muka!"

Naka akma na sana akong suntukin sya, nang sa harapan koy biglang bumulagta yung ungoy na sumuntok sakin.

Nakita ko ang isang babaeng naka leather jacket na black, puti yung pang loob nyang shirt. Habang naka maong na punit-punit hangang hita nya dahilan para makita ang makinis at maputi nyang balat na kahit sa dilim ay maaninag. Naka soot sya ng black high cut converse shoes. Mahaba at itim na itim ang kanyang buhok. Pero yung kanyang mukha Hindi ko makita dahil sa itim na cap at itim na face mask na soot nya.

I was stuck for a moment.

Who the heck is she? Is she some kind of a gangster? How did she get in here?

Nawala ang mga tanong sa isip ko ng bigla syang mag salita.

"Sa sobrang sabog nyo siguro,pati   alikabok ng mga bahay nyo sini-singhot nyo na... At ikaw!"

Naka talikod sya, at tanging ang right side lang ng muka nya ang ibinaling sakin. Enough for me to know na ako ang kinakausap nya.

"Kung bobo ka talaga, pwede ka nang mamatay ngayon."

Natigilan ako sa sinabi nya. Mas mayabang pa syang mag salita sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BindedWhere stories live. Discover now