Chapter Four:Letter

90 1 0
                                    

Caden's POV

Kumakain kami dito sa restaurant namin dahil nga sa hindi dumating yung inutusan nila kanina sa school at kanina ko pa napapansin na tulala si Kuya Rence.Problema neto.

"Uy!Rence!natahimik ka?di ba dapat nakikipagbugbugan ka na dito kay Zarren?"natatawang sabi ni Kyle.Pero tiningnan lang siya ni Kuya at saka kumain ulit.Tiningnan nila ako pero nagkibit balikat lang ako.

"Kuya,may...problema ba?"tanong ko.

"Magusap tayu."sabi niya at saka tumayo at lumabas dito sa resto.

"Mukang may problema ang Kuya mo,Caden."sabi ni Warren.

"Wait lang."sabi ko at saka tumayo at lumabas.Nakita ko siyang nakaupo sa bench sa park sa tawid pa.Kaya tumawid ako at saka tinabihan siya.

"Anu bang paguusapan natin?"tanong ko.Nang tingnan ko siya may luhang pumatak sa mga mata niya kaya nataranta ako.

"Kuya!ano bang problema!"sigaw ko.

"N-nakita ko siya..."kumunot ang noo ko sa sinabi niya.Kaya binatukan ko siya.

"Ano bang pinagsasasabi mong kabayo ka!?sabihin mo ng maayos pa--"

"Nakita ko si Daddy!kanina sa school!"pagpuputol niya sa sinabi ko.Napatigil ako sa sinabi niya.

"Kanina....akala ko kalaban dahil antagal niya tayung sinusulyapan.Pero...nang tanggalin niya ang hood niya,nakita ko ang muka ni Dad.Di ko alam!ang gulo!alam kong patay na sila pero!ARGHHHHHHH!?!?!"sigaw niya at saka sinabunutan ang buhok niya kaya niyakap ko siya.

"Nakita ko rin siya nung isang araw.Akala ko imahinasyon ko lang yun dahil namimiss ko na sila.Pero hindi,pati ikaw nakita siya."umiiyak kong sabi.Akala ko wala na sila.Pero bakit nakikita namin si Dad?Ang gulo!kitang kita ng dalawa naming mata kung pano mamatay si Dad!

"Kuya,kelangan nating bumalik sa mundo natin."sabi ko.Tumingin siya sakin.

"Bakit?antagal na nating tinigil ang pagiging assasin natin dahil kina Dad!ayaw ko nang magulo ang buhay natin.Ang buhay mo!maayos na!"sigaw niya.

"Kelangan.....kelangan na nila tayu.Kuya,ayaw mo bang tuparin kina Eomma ang pangako natin na tayu ang mamumuno sa Mafia at Assasin?nangako tayo!Kuya!"sigaw ko at saka siya inalog dahil parang tulog pa rin siya.Ayaw kong pabayaan ang mga naumpisahan ng magulang namin.Kami ang Heiress at Heir ng Mafia at Assasin.

"Kahit kelan,hindi ako sumisira ng pangako."sabi niya kaya napangiti ako.

"So.....babalik tayo?"tanong ko.Tumango siya at saka ngumiti.

"Tara na...baka mamaya naiinip na sila sa kakahintay satin."natatawa niyang sabi.

Babalik na kami sa tunay na kami.....ang kinatatakutan ng mundo.

Magbabalik na ang Demon Assasin titigil kana muna sa pagpapanggap mo bilang pinuno,Lyra.Magkikita tayu muli bunso.

Warre's POV

Antagal naman ata nung dalawang monggi!pisti!

"Tagal naman nila!"reklamo ko.

"Usong maghintay!"pambabara sakin ni Raven.Etong walking harina na toh.Lublub ko siya sa mantika eh nang lumutong!bwiset.

"Oh.Andyan na pala siya eh."sabi ni Francine.Seryoso silang dalawa ngayun?nyare?Nang makarating sila dito sa min ay nagkatinginan pa silang dalawa at parang naguusap.Takte!

Assassin's and Mafia's (ON-HOLD)Where stories live. Discover now