ANIKKA'S P.O.VYung Feeling na hindi ka crush ng crush mo, tapos wala syang pakealam sa nararamdaman mo sa kanya. Kainish. Tatlong taon na akong may gusto sa kanya pero ni pangalan ko di nya alam. Pero sino nga naman kasing gugustuhing malaman ang pangalan ko? Feeling ko Walang Anikka Heldenson na nage-exist sa mundong ito pwera lang sa bestfriend kong si Jelay May Murphy, halata naman siguro sa pangalan nya na May sya pinanganak.
"HOY ANIKKA." sigaw sa akin ni Jelay kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Ano na naman yun?" inis kong sabi sa kanya.
"Iniisip mo na naman si James no?" Si James ay yung sinasabi kong tatlong taon ko nang crush.
"Hindi Ahh." Pagsisinungaling ko.
"Kung magsisinungaling ka, Sana sa susunod mas kapani-paniwala na. Anong tingin mo sa akin Isang babae lang dyan sa campus na alam ang pangalan mo? Hello? Bestfriend mo ko teh. Hindi lang ako kung sino. Bestfriend mo ko. B-E-S-T-F-R-I-E-N-D." Hay naku. Di talaga makakapag sinungaling dito sa babaitang toh.
"Oo na. Iniisip ko na sya. Bakit masama ba? Ikaw nga dyan halos wala nang bukas kung makasulyap ka kay Henry." Sabi ko. Si Henry naman ay yung Crush nya. Kanina lang nya yan naging crush. Ewan ko ba dyan ang weird. Nakita nya kasing magkasama sina James at Henry.Sa pagkakaalam ko magkaibigan sina Henry na crush ni Jelay at si James na Crush ko. Ayun ang pagkakaalam ko.
"Tse. Tara na nga pumasok na tayo sa Room natin. Pagalitan pa tayo ng Prof natin." Jelay said.
Pumasok na kami sa room namin at nakinig nalang sa lesson ng prof namin. Ilang linggo at buwan pa ang lumipas, Ganun parin ang scenario namin. Sulyap dun. Sulyap dito. Tingin duon. Tingin dito. Para lang makita si Crush.
Araw-araw umaasa ka na mapansin ka nya. Kahit tignan ka lang nya masaya ka na. Marinig mo lang boses nya mapapangiti ka na.
Pero pag may kasama na syang iba, Di mo alam kung ano ba ang gusto mong maramdaman. Sa Fairytale nga lang ba may Happy Ending? Sa Fairytale lang ba pwedeng maganap ang Happy Ending? Sa buhay ko darating kaya yun?
"Jelay, Sa tingin mo ba may Totoong Happy Ending?" tanong ko kay Jelay. Nandito kasi kami ngayon sa Cafeteria.
"Aba Malay ko! Nasa tao naman yan kung gusto ba nilang magkaroon ng Happy Ending sa buhay nila."
"Eh Sa buhay natin? Darating kaya yung panahon na magkakaroon tayo ng Happy Ending?" tanong ko ulit.
"I don't know. people make their own Happy Ending According to their wishes. Everyone has Happy Ending.Di lang nating masasabi kung ano ba talaga para sa kanila ang salitang Happy Ending." sabi ni Jelay. Word of wisdom talaga to.
"Paano kung naging karelasyon natin yung crush natin? Happy Ending na ba yun?" Tanong ko ulit sa kanya. Sya lang naman kasi pwede kong mapagtanungan ng mga ganyan kasi sya lang naman kaibigan ko at isa pa lahat ng tinatanong ko dyan ay nasasagot nya kahit assignment ko sa Math.
"We Can't say that as a Happy Ending. Kung maging kayo man ni James, hindi pa natin masasabi na Happy Ending kasi magsisimula palang ang mga pagsubok pag naging kayo."
"Oo na. As if naman na magiging kami talaga ee noh? James don't know even my name." sabi ko.
"Bakit gusto mo ba na maging kayo? Akala ko b a hanggang crush lang?"
"Yun nga ee. Sabi ko sa sarili ko hanggang crush lang pero ayaw pumayag ng puso ko. Why my Heart is acting like this?" sabi ko.
"Because Your inlove with the guy who make you smile." sagot ni Jelay sa tanong ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
MY HAPPY ENDING
Teen FictionMY HAPPY ENDING (ONE SHOT) Sa Fairytale lang ba ang may Happy Ending? Sa Libro lang ba nagaganap ang Happy Ending? Sa buhay ni Anikka meron kayang magaganap na Happy Ending na matagal na nyang hinihintay? SUBAYBAYAN ANG BUHAY NI ANIKKA KUNG SAAN MAL...