Love Again

499 30 31
                                    


Nadi StewPeedGirl

Nov 29, 9:19 PM   

Love again

Madyson.

Patuloy lang ako sa paghikbi. Hinawakan ko ang panyo ko at ipinunas ito sa mga luha sa mata ko. Kailangan kong gawin yun...

Dahil wala na ang taong nagpupunas ng mga luha ko.

Kinuha ko ang bag ko at umalis ng bar na yun. Oo nasa bar ako, pero nasa private room ako. 

Lugong-lugo akong lumabas ng kwartong iyon. Gusto ko ng magpakamatay, tutal namatay na rin naman na ang taong mahal ko.

Napahagulgul na naman ako bg maalala ko kung ano ang naging rason ng pagkamatay ni Marco. 

Flashback.

Nakakainis! Ano bang meron at napaka-busy nya sa pagtratrabaho lagi? Lagi nalang work, ang inuuna nya. Paano na ako? Lagi na lang ba akong maghihintay kung kailan sya magkaka-oras sa akin?

Napatingin ako sa boyfriend ni Pia na si Cyro. Sinusundo nya na si Pia dahil umuulan samantalang ako, naghihintay ng masakyan.

"Dyson! Una na kami ah. Ikaw kasi eh, di ka na lang magpasundo sa fiancé mo tutal, may karapatan ka naman."

Ngumiti lang ako ng tipid.

"Oo nalang. Umalis ka na nga!" pagtataboy ko pero narinig ko lang ang mahina niyang tawa.

Pumasok naman sa utak ko ang sinabi ni Pia. Oo nga noh, bakit di ko nalang sya tawagin ngayon? Nakakainis, naiingit na ako sa mga kaibigan ko na nakatutok lagi ang mga boyfriend nila sa kanila.

Dali-Dali kong tinawagan ang number ni Marco sa phone ko.

"Marco!"

[Hey, why baby?]

"Pwede bang pasundo ako ngayon, umuulan kasi eh."

[Baby, ipapasundo na lang kita... may wo---]

"Ano ba talagang mas mahalaga? Ako o yung work mo? Choose Marco! I'll give you 30 minutes. Pag hindi ka dumating dito... Let's break up."

Love Again (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon