Ang Kwentong ito ay iikot lamang sa kwento ng mga estudyanteng magro-road trip sa isang Baryo. Kwentong may kapupulutan ng aral at tapang sa bawat pangyayari.
ROADTRIP
Maagang gumising si Jasper para maghanda sa darating na road trip nila ngayong araw sa school. Road Trip na gaganapin sa isang baryo sa Bikol. Ayon sa mga sabi-sabi , ang baryong pupuntahan nila ay isang liblib na baryo na kung saan merong isang bahay na masasabing haunted house dahil sa taglay nitong kalumaan at katandaan na tila isang bahay na nakakatakot at nakakapangilabot dahil pagpasok mo raw rito ay mayroon ka kaagad na tila isang enerhiyang mararamdaman na bigla-biglang hahangin at lalamig na mararamdaman mo na lamang kapag dumampi na ito sa balat mo.Pagdating ni Jasper sa tarangkahan ng paaralan ay agad syang tinawag ni Lance ng pasigaw na nasa bus na marahil ilang minuto na lang ay aalis na sila at sya na lang pati ang pinakahihintay nila para umalis na. Matapos makasakay ni Jasper ay umupo ito sa tabi ni Lance na nakasilip kanina sa may bintana ng bus na sinasakyan nila. ''Dude, bakit ngayon ka lang?''tanong ni Lance rito sa kaibigan nyang si Jasper. ''Kanina lang kase ako nakapag-ayos ng gamit ko na dadalhin ko sa Roadtrip eh''tugon ni Jasper habang nakaupo. ''Dude, alam mo mukhang puyat ka? Iglip muna tayo?''saad ni Lance sa kaibigan. ''Sige!!''sagot ni Jasper. Sumandal ang dalawa sa may sandalan ng kinauupuan nila at ipinikit ang dalawang mata para umidlip muna saglit habang nasa biyahe. Malayo-layo ang Bikol sa Manila, mahaba-haba ang biyahe na aabot sa lima o anim na oras.
Makalipas ang mahaba -habang oras na biyahe ay agad silang ginising ng kanilang teacher na kasama. Isa-isang pinuntahan sa kada upuan para gisingin. "Student gising na!"saad nito sa mga estudyante. Nang magising ang lahat maliban kay Lance at Jasper ay agad na bumaba silang lahat para makita ang isang bahay namay kalumaan at katandaan. Selfie dito, selfie doon ang ginawa ng mga kasamahang estudyante nila para ma-ipost lamang sa Facebook.
Pagbaba ng dalawang lalaking huling lumabas mula sa bus ay may napansin si Lance sa may bintana ng second floor na tila isang babaeng nakatingin sa kanila, puting-puti ang mukha, tila kumikinang sa liwanag ang buong katawan at kulay puti ang suot. Napahinto si Lance sa may pinto ng bus at kinusot niya muna ang kanyang dalawang mata kung totoo ba yung nakita nya. Pagtingin nya muli sa may bintana ay hindi nya na ito nakita. Inisip nya na lang na dala lang siguro iyon ng pag-idlip nila.
Pagpasok nilang lahat sa may loob ng bahay ay agad silang sinalubong ng isang gwapong caretaker nitong bahay. "Good Evening po, welcome po sa haunted house!!"bati nito habang nakangiti sa mga bisita nya. Gabi ng nakarating sa Baryo ang roadtrip nila dala ng buhol-buhol na trapiko sa ka-Maynilaan at sa may iba pang parte ng Bikol. Matapos maihatid ang mga lalaki sa magiging kwarto nila ay pinuntahan naman ng caretaker ang mga babae sa may first floor para ihatid naman sa kawarto nila. Pag-akyat ng limang babae kasama ang caretaker sa may tapat ng pinto nila ay kinausap ito ni Lei. "Kuya, hindi ka ba natatakot dito?"tanong ni Lei. "Hindi, sanay na kase!"sagot nito habang nakangiti.
Nang maihatid na ang lahat ng mga estudyante ay bumaba na ulit ang caretaker para puntahan ang guro nilang kasama. "Sir, hatid ko na rin po kayo!''sabi ng caretaker. "Ay, wag na. Matulog ka na rin."sagot ng guro. "O, sige po. Kung may kailangan po kayo o yung mga bata katukin nyo lang po ako sa may kabilang kwarto"tinuro ng caretaker ang isang pinto na nasa may ilalim ng hagdan na tila isang bodega umalis na ito at pumasok na sa loob.
Pagdating ng alas-dose ng gabi ay nabasag ang katahimikan ng kasarapan ng tulog nilang lahat dala ng isang sigaw na nagmumula sa may kwarto ng mga babae.
Napabangon ang lahat para puntahan ito. Pagdating ng mga lalaki sa kwarto ng mga babae ay napasigaw ng malakas si Jasper dahil sa kanilang nakita. Nakita nila si Lauren na nakabigti ang ulo sa may kisame at patay na. Napasapo ng mukha ang guro nila at mga ilang saglit pa ay nakaramdam na ang lahat ng paghangin ng maakas na may dalang lamig na dumadampi sa mga balat nila.
Napatingin si Divina sa may likod ng kurtina at mayroon syang nakita na tila isang babaeng nakaputi. Dala ng takot ay napatakbo ito palabas ng kwarto papunta sana sa sala, pero sa di inaasahan ay pagdating ng hagdanan ay natapilok si Divina at dire-diretso syang bumagsak sa may hagdan papunta sa pinakang baba nito. Basag ang mukha, duguan at wala ng buhay.