Blaire's POV
Andito ako ngayon sa isang park at hinihintay ang bibiktimahin ko.
Okay, ayos. Mukhang andito na siya.
Lumapit ako sa kanya. "Hi. Mabuti naman at nakarating ka." sabi ko sa bibiktimahin ko.
"Oh, ano bang sasabihin mo?" sabi nung babae na bibiktimahin ko.
"Uh, maaari mo bang tingnan itong relo ko?" sabi ko sabay pakita sa kanya ng relo ko.
Tinitigan niya ito at siya'y natulala. Nacontrol ko na siya.
Hay... easy to get.
"Susundin mo lahat ng aking sasabihin, naintindihan mo?"
Tumango lang siya at inalis ko na ang relo ko sa harapan niya.
"Ibibigay mo saken lahat ng pera mo at akin na yang Kwintas mo." diretso kong sabi.
Kinuha niya lahat ng hinihingi ko at ibinigay sakin.
"Good! Masunuring bata." sabi ko sabay smirk.
Madali lang pala tong isang 'to eh.
Kinuha ko na ang lighter ko para burahin ang alaala niya ngayon.
Binuksan ko ang lighter at binuhay ang apoy nito at iniharap sa kanyang mga mata.
"Tick tock tick tock." sabi ko sabay dahan-dahan kong ginagalaw ang lighter, kaliwa't kanan.
"Simula ngayong araw makakalimutan mo ako. Lahat ng nangyari ngayon. Ang maaalala mo lang ay nagastos mo ang lahat ng pera mo sa isang club at 'yung kwintas ay iyong tinapon." sabi ko sabay tago sa bulsa ko ng lighter at nag snap ako sa harapan niya.
Bigla siyang naglakad palayo.
"Ah, Miss?" tawag ko sa kanya.
Tumingin ito sa'kin na may halong pagtataka.
"Me?" sabi niya sabay turo sa sarili niya.
I nodded. "Yes." I said while smiling innocently at her.
"Lapit ka dito." dugtong ko.
Lumapit naman siya sa tabi ko.
"May nakalimutan ka yata." sabi ko.
"Huh? Nakalimutan? Ako?" pagtatanong niya.
Tumingin ako sa paligid ko at ayun nakakita ako ng isang bato.
Kinuha ko ito at inilagay ko sa palad niya.
"Bato? Miss, excuse me lang ha. Pero, pinagloloko mo ba ako? Anong gagawin ko dito? Especially sa isang bato?" mukhang naiinis na siya base sa tono ng pagtatanong niya.
Ipinatong ko ang aking panyo sa palad niya at bigla ko itong hinila.
Sa isang iglap ang bato ay naging kwintas.
"Wow!" manghang sabi niya dahil sa nakita. "Hahaha. Ang galing! Sa'kin na 'to ah?" sabi nito na parang bata.
I smiled. "Yeah sure."
Oha, pak! Nanakawan ko pa 'yan kanina pero ngayon parang 'di niya na maalala ang nangyari. Hahaha, well. Thanks to my powers.
Sinuot niya 'yung kwintas sa leeg niya at naglakad na papalayo.
Naglakad na rin ako ng biglang tinawag niya ako ulit.
"Miss!" sigaw nito.
"Yeah?" I said while my hands are on my jeans pocket.
"Thanks for the necklace."
"Thanks for your money and to your necklace." I murmured.
Hahahaha! *evil laugh*
"You're welcome."
Naglakad na 'ko papunta sa aking kotse.
"What a nice day, Blaire." sabi ko sa aking sarili.
Pumasok na ako sa loob nito at nagdrive pauwi.
Yung nangyari kanina ganyan lagi ang istilo ng buhay ko
Ihi-hypnotize ko muna ang biktima at harap-harapang nanakawin ang gamit ng mismong biktima. Sa paningin ng iba, kusa nila itong ibinibigay pero I just controlling them using my magic powers.
At sa huli, ilalabas ko na ang mahiwagang lighter ko at itatapat sa kanyang mga mata. Sasabihin ko ang tick tock at igagalaw ang lighter kaliwa't kanan at sasabihin ko ang gusto kong mabago sa alaala niya at kung anong gusto kong burahin sa lahat ng nangyari.
For the final wave, I will just take a snap for them to bring back to their senses.
Gawain ko na 'yan since mag-14 ako at 20 years old na ako ngayon.
May pagka-fantasy ang buhay ko. Kung gusto niyo pang malaman ang lahat lahat sa akin, oh well, ituloy niyo lang ang pagbabasa nito.
---
YOU ARE READING
The Magician Thief
FantasyAko si Blaire Maxwell-- ang nag-iisang magician thief. Oo, I'm a thief pero hindi ako katulad ng ordinaryong magnanakaw. Gumagamit ako ng magic para makapagnakaw. Masaya ko sa ginagawa ko eh. So what's the problem with that? Mind your own business...