His Promise

1K 8 2
                                    

Leslie pov

Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako makakarating. Wala akong patutunguhan. Ang gusto ko lang ay makatakas sa mga taong walang awang pumatay sa pamilya ko.

Natatanaw ko na ang kalsada. Agad kong binilisan ang takbo ko. Walang tigil, hindi lumilingon sa likuran.

Nasa gitna na ako kalsada ng makarinig ako ng malakas na busina at nakakasilaw na ilaw. Napatigil ako at pumikit. Hinihintay ko ang pagtama nito saakin.

Siguro ito na talaga ang nakatakda saakin....

*BEEEEEEPPPP.....*

***

Brent pov

Napangiti nalang ako sa ganda ng view simula dito sa taas. Nakakarelax na tanawin, sariwang hangin, at tahimik.

Kakatapos ko lang magawa ang bagong art ko ngayon na ang tanawin ay ito.

Nagpapahinga muna ako saglit. Inaalala ko ulit ang girlfriend kong hindi na nagpakita saakin matapos ang isang masayang araw kung saan nagcecelebrate kami ng 1 year anniversary namin.

Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan ko ng umuwi. Tinatahak ko na ang madilim na daanan ng makita ko ang babaeng biglang sumulpot sa gitna ng kalsada.

Agad ko itong binusinahan pero hindi parin siya umaalis. Agad kong inapakan ang preno. Masyadong mabilis ang pangyayari.

.

.

.

.

.

.

.

Napasubsob ako sa harap ng tumigil ang sasakyan ko. Dahan dahan kong inangat ang aking ulo upang makita kung nasagasaan ko ba siya.

Bumaba agad ako para tignan yung babae. And... Thank god. 5 inches ang layo niya sa saskyan ko.

Nilapitan ko agad siya at nakita kong ang dami niyang galos at wala na siyang malay. Agad ko siyang isinakay sa kotse ko.

***

Leslie pov

Hmmmm..... Ang lambot... Ang bango... Hmmm... Ang sarap sa pakiramdam...

Idinilat ko ang aking mata at nakita ko ang sarili kong nakahiga sa isang mabango at malambot na kama.

Napatingin agad ako sa suot kong damit at... Hooo... Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong ang suot kong damit ay yun parin. Sinubukan kong umupo.

"Ahhh..." mahinang daing ko. Ang sakit parin ng katawan ko. Tinignan ko ang aking braso at may mga band aid na.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at iniluwa noon ang isang lalaking may hawak na tray.

"Gising kana pala. Ipinagluto kita ng lugaw. Kumain ka muna para bymalik ulit yung lakas mo. Mamaya ko na lang sayo ikwekwento." Mahinahong sabi niya. Umupo siya saaking tabi habang nakatingin saakin. Medyo naiilang ang sa pagtitig niya pero hindi ko nalang ito gaaning pinansin.

Sinunod ko ang sinabi niya at kinain ang niluto niyang lugaw. Matapos kong maubos ang lugaw ay sinimulan na niyang ligpitin.

"Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Kaya gusto ko sanang magtanong ka nalang." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Ahhmmm... Paano ako napunta dito?"

"Sa totoo lang muntik na kitang masagasaan buti nalang nahinto ko agad. Pero pagtingin ko sayo wala ka ng malay, pero imbis na sa hospital kita sinugod ay dito kita dinalang sa bahay ko." Sagot niya.

His Promise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon