Ito ang Love Story ko :)

115 1 2
                                    

     Ako si Stella Santos. Isang college student sa malapit na University sa amin. 2nd year college na ako sa course na Bachelor of Science in Psychology.Magandang course naman kaya lang di ko bet ang Math. (hahaha! most of the people naman hate yun e). Naka tatlo nakong boyfriend at 13 Months ang pinaka matagal. Mababait naman silang lahat kaya lang di talaga sila siguro para sakin.

     Debut ng Best friend ko, ang event sa isang Resort sa Batangas. Ang dami kong di kilala mayaman kasi ang family ng best friend ko. Puro mga sosyal ang galante ang mga nandun. Ang gaganda ng mga damit nila para bang nasa awardings hahaha. Mag-iistart na ang program, naka upo na ang lahat. Kasama ko sa table ang mga friends namin ng best friend ko. Nang biglang may lumapit sa akin na isang lalaking naka ngiti. Di siya ganun ka gwapo pero di din naman siya panget kung baga sa dictionary ng mga girls eh "MA.APPEAL". Nagulat ako kasi hindi ko naman siya kilala. Tinanong ko siya "Yes, may I help you?". "Ahmn ako nga pala si Sid, hinihingi kasi ng best friend ko yung number mo ang cute mo daw kasi" sabi niya sabay turo sa gilid na grupo ng mga boys at inaabot sa akin ang phone niyang mukang mamahalin. My Gosh nag-Blush ako ng bonggang-bongga. Hindi ko alam ang gagawin ko. tinignan ko ang mga friends ko lahat sila naka ngiti na parang kinikilig. Then, I type my number on his phone and I give it to him. Tinanong niya ko "hmn anu pala name mo?". Sinagot ko siya ng nanginginig kong boses dahil sa kaba ng, "Stella, Stella with a smile". Napangiti siya na parang pinipigilan ang tawa. Tapos, bumalik na siya sa mga friends niya.

     Kinagabihan, mga pass 10 na ata yun biglang may nag text sa phone ko. Unregistered number.  "Hi Stella, with a smile." My Gawd nakakainis bat may "with a smile pa" grrrrrrr. Di ko alam kung anu irereply ko. Ang reply ko na lang "Hello! hehe Who you?". "I'm Mattew Rodriguez pala, I saw you kanina sa party. You look beautiful." reply niya. At nag teksan kami hanggang madaling araw. Kung anu-ano pinag tatanong niya. Hiningi pa nga niya ang FB e-add ko e. Taga Parañaque pala siya at may kaya. May ari sila ng isang building sa Makati at may iba pa silang negosyo sa iba pang mga lugar. Pero kahit mayaman sila hindi siya mayabang. Ang humble niya at ang bait pa. Viniew ko siya sa FB, tinignan ko ang mga pics niya ang gwapo niya. At sa Ateneo pala siya nag aaral at ang course niya ay related sa business.business ever. Magaling din siyang kumuha ng mga pictures. Meron kasi siyang camera na DSLR regalo daw sa kanya ng daddy niya nung nag-17 siya. 

     One week na kaming mag katext. Madami na siyang alam tungkol sakin ang ganun din naman ako sa kanya. Ang sabi niya liligawan daw niya ko pero iniisip ko yung family niya. Baka kasi malaki ang expectation nila kay Mattew. Syempre isa lang siyang anak. Pero baka kasi mawala ang friendship namin kung busted agad kaya sinabi ko nalang na OKAY LANG na manligaw siya. 

     Pinupuntahan niya ko sa bahay 4 times a week. At palagi niya kong dinadalahan ng chocolate brownies na favorite ko. Gusto siya ng family ko palagi silang magkalaro ng kapatid ko, kakwentuhan ng mga pinsan ko pati nadin ng mama ko.

     Isang araw, nag text siya sakin may sakit daw siya at pinapapunta niya ko sa kanila. Akala ko naman joke lang at nagpapalambing lang. Biglang nag GM yung best friend niyang si Sid na ilang days pa na hindi nila makakasama si Matt kasi daw may trangkaso. Tineks ko ang best friend niya kung saan ang bahay nila Matt at agad-agad akong pumunta sa kanila. Ang laki ng bahay nila. Pag door bell ko binuksan agad ng maid gate nila. Sabay tanung "Sino po sila?". Ang sabi ko naman "Friend ako ni Matt, dadalawin ko lang siya." At pinapasok na ako. Nagulat ako pag pasok ko sa pintuan, sobrang ganda at laki ng bahay nila parang bahay ng mga mayayaman sa teleserye. "Dito po ma'am" sabi ng maid. Umakyat na kami sa 2nd floor at itinuro ng maid ang pinto ng kwarto ni Mattew. "Ahmn ate ano pong pangalan mo?" tanong ko. "Edith po ma'am, Manang Edith na lng po". At nginitian ko siya. Kumatok ako sabay pasok sa kwarto. Balot na balot siya ng comforter niya. Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ko ang noo niya at nagising siya. Mainit nga siya, tinanong ko siya kung nakainom na ba siya ng gamot. Nagpakuha ako Manang Edith ng soup at pinahigop ko siya.

     Pinatulog ko na siya at uuwi na sana ako kaya lang pag hawak ko sa door knob niya bigla niyang tinawag ang pangalan ko. "Stella, pwede bang dito ka muna?". Nilingon ko siya at nginitian. Umupo muna ako sa upuan sa gilid ng bintana. Pinalapit niya ako sa kanya at sabi niya kung pwede ku daw ba siya yakapin. Syempre niyakap ko na siya at niyakap din niya ko. Parang nakoryente ako maghawak niya sakin. At di ko mapigilan ang sarili ko bigla akong namula at napangiti ng malaki :D

     2 months niya rin akong niligawan and finally sinagot ko na siya October 8, 2011 naging kami, isa yun sa pinaka masayang araw ng buhay ko. Every sunday nag sisimba kami si Greenbelt at kumakain sa Glorietta after ng mass. Pag di busy sa school, hang-out with friends, movie marathon sa house namin at kung anu-ano pang maisip naming gawin.

     1st Monthsary namin binigyan niya ko ng ring and inaya niya kong mag dinner sa kanila. Papakilala niya daw ako sa parents niya. Syempre masaya ko pero kinakabahan, di ko alam kung magugustuhan ba ako ng parents niya. 4:00pm naligo na ko at nag hanap ng isusuot. MY GAWD !!! ANU ISUSUOT KO >.< . Hindi ko alam kung anu isusuot ko mag de.dress ba ako o mag i.skirt, mag jeans nlang kaya ?! ooooooh !! kakaloka ...  6:00pm ready na ko.  

     "Manong, dito na lang po" sabi ko taxi driver. At nag door bell na ko. Binuksan ni Manang Edith ang gate. "Good evening ma'am". At nginitian ko siya. Sinalubong ako ni Mattew sa pintuan nila. Pinakilala na niya ko sa Daddy niya na naka upo sa sala at nag babasa ng dyaryo. "Dad, si Stella po girlfriend ko" sabi ni Mattew "Oh! Hi iha"sabi naman ng daddy niya. "Hello po :)". "Manang Edith, pakitawag na nga ang ma'am mo at nandito na ang bisita" "Nandito na ko" sabi ng mommy niya. Binati ako ng Hi ng mommy niya pero feeling ko di niya ko bet. Tinignan niya ko ulo hanggang paa and gosh nakaka hiya. 

     "Tara na sa dining" yaya ni Matt. Super interview sakin ang mommy niya nakakakaba ng bongga. Ang sasarap ng mga hinandang pagkain. Syempre pa charming aku kumain para di nakakahiya. Tapos na kami kumain. Niyaya ako ni Matt sa garden nila para mag lakad-lakad. Then, maya-maya nag yaya na akong umuwi. Hinatid niya ako gamit ang car niya. Then, kiniss niya ko sa chick ko.

     December 8, niyaya niya ko mag-date syempre 2nd monthsary eh :). Nagpa reserve siya sa isang restaurant sa Serendra. Mauna na daw ako may gagawin lang daw siya. Yun pala yung mommy niya may ibang gustong ipa.date sa kanya on the same day ang time. Ang tagal kong naghintay almost 2 hrs. naka upo lang ako at tumitingin-tingin sa paligid gutom na ako sheyt namn oh! Sabay nag text siya order ka na ng gusto mong food baka ma-late ako. Then, kumain na ko mag-isa. Tapos na ko lahat-lahat kumain wala pa din siya. Tinadtad ko siya ng text ang sabe ko "uuwi na ko ang tagal mo, ako na din nag bayad ng kinaen ko" napaiyak ako sa taxi pa-uwi saamin.  Kinabukasan, sobra siyang nag sorry, hindi naman daw niya alam an ganuna ng mangyayari. Shempre pinatawad ko siya kasi mahal ko siya.

   Madami pang trials ang sumubok sa relationship namin pero eto parin kami VERY INLOVE at sana tumagal pa kami ng many many years.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ito ang Love Story ko :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon